Chapter 3

83 3 2
                                    

Dorina Roxas POV

"Shea nasan ka?" Sigaw ako ng sigaw habang patakbong hinahanap si shea ..Wala ng mga estudyante sa buong school at hindi ko na rin narinig na sumigaw si shea..

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanya..Nagtext din ako sa barkada para alam nila kung nasan ako takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapadpad ako sa Stock Room bukas ang ilaw doon kaya sigurado na may tao doon.

"She--"Natigilan ako nung makitang walang malay si Shea may mga pasa siya sa Braso at Binti may sugat din sita sa mukha niya dumudugo din yung gilid ng labi niya nakatali din ang mga kamay at paa niya..

Nanginginig ko siyang nilapitan ..napaluhod ako sa tabi niya at hinaplos ang mukha niya may tumulong luha sa mga mata niya..

"I'm sorry wala ako sa tabi mo kanina"Bulong ko sa kanya kahit alam ko na di naman niya ko naririnig..

"Par-- a-anong nagyari?"Nagtakbuhan sila papalapit samin

"E-ewan ko naabutan ko siya na walang malay"Sagot ko habang tinatanggal yung tali sa kamay at paa niya.

"Sorry na'late kami sinundo lang namin si Jean"Paumanhin ni Mm habang tinutulungan akong magtanggal ng tali sa paa ni shea.

Ngayon ko lang din napansin si Jean na nasa likod ni Mm ..Girlfriend ni Mm si Jean Pama Bestfriend din siya ni Shea..

"Okay lang Par"

Nung matanggal na namin yung mga tali sa kamay at paa niya binuhat ko na si Shea ..

"Par teka"Napaharap naman ako kay Pot

"Bakit par?"

"May note para sayo 'Ata' "Tapos inabot niya yung papel sakin hindi ko naman yon mababasa agad dahil buhat ko nga si Shea kaya nilagay ko muna yon sa bulsa ko.

Pumunta na kami ng Parking lot habang buhat pa rin si Shea..

"Do gusto mo samin na muna si Shea?"Alok ni Jean na halatang nag aalala diin

"Kaya ko na toh Jean Salamat "Tumango nalang siya

Sinakay ko muna si shea sa kotse tsaka nagpaalam sa kanila halata din ang pag aalala sa mukha ng Barkada ..

--

Nung makarating kami ng bahay agad akong dumiretso sa Kwarto ko pinagdala ko nalang si manang ng First aid kit tsaka towel at Basin para magamot na si Shea

Dahan dahan kong inihiga si Shea sa kama ko hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising..

"Sir Do eto na po yung pinapadala niyo"

"Pakilapag nalang po sa Side table manang ,Salamat"

Inilapag niya na nga yung dala niya at umalis na din..

Binasa ko muna yung towel tsaka pinunasan si Shea madami talaga siyang pasa at gasgas sa katawan kitang kita yon dahil maputi siya,.Pagkatapos ko siyang punasan nilagyan ko naman ng gamot yung mga sugat niya ..

Pagkatapos ko siyang gamutin kinumutan ko na siya at hinayaang matulog..Bigla naman nagring yung phone ko at si Tita sherie ang Caller ang Mommy ni Shea

"Yes Tita?"

"Do ahm can I ask you a favor?"

"Ofcourse Tita"

"Nasa tagaytay ako ngayon at di ako makakauwi okay lang ba kung ikaw muna ang bahala kay Shea?"

"Yes Tita okay lang po sakin"

"Thank you so much Do ,Ahm Weekend naman sa bahay ka muna magstay the following day..Goodbye Son"

Tapos nag end na yung call..

Hindi ko muna sinabi kay Tita yung nangyari ayokong mag alala siya..

Laging wala ang Mommy ni Shea dahil sa Business nla si Tita sherie nalang kasi ang nagtataguyod kay shea kaya sobrang pinagtutuunan niya ng panahon yung business para daw sa future ni Shea ..Ang Daddy ni Shea namatay dahil sa isang aksidente bata pa siya noon 4years old palang kami parehas ..Nasanay siya na ako ang laging kasama niya sanay na din siya na wala ang Mommy at Daddy niya..

"Mahal kita Shea"Hinalikan ko siya sa Noo tapos naupo sa katabing sofa nung kama..

Naalala ko naman yung Note na para sakin 'Daw'

Kinuha ko yon at Binasa..

"Masyado kang mayabang Dorina Roxas warning ko palang toh kaya kung ako sayo bantayan mo yang babaeng minamahal mo na Bestfriend mo pa dahil baka dumating yung araw na mawala siya sayo ng tuluyan..MAHAL MO SIYA kaya ISASALI NATIN SIYA SA MASAYANG LARO NA TOH"

Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa sobrang galit..Hindi ko alam kung sino yung pwedeng gumawa nito pero sisiguraduhin ko na hinding hindi na masasaktan si Shea..

--

Shea's POV

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko ramdam ko pa din yung sakit ng buong katawan ko inilibot ko ang paningin ko sa Kwarto at dun ko lang napansin na wala ako sa Kwarto ko..Sumulyap ako sa orasan na nasa side table 11PM na hinawakan ko ang braso ko na nanakit dahil sa mga pasa at sugat nag umpisa nanaman akong umiyak dahil sa takot at sakit na nararamdaman ko..

-----

Author's Note :Thnx to Jean Pama na sobrang nag Encourage sakin para ituloy toh..Siya po yung Girlfriend ni MM Madrigal dito sa story :) Thank you talaga Girl I Lubbbb yuuu :**

Dedicate ko toh sa kanya..I love you talaga..

See yah sa next chapter..

Vote and Comment Please ..-Thank you :)

--Shea

FriendZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon