Jean's POV
"Para saan tong meeting na to at madaling madali kayo?"Nandito kasi kami sa isang coffee shop at grabe lang pinagmadali nila ko para makapunta dito
"May alam kaba tungkol sa Boyfriend ni Shea?"Si Pot yan na umiinom ng Coffee jelly niya
"H-ha?Anong boyfriend?Sinong boyfriend?"
"so you mean di mo pa alam?"Si Concon
Shunga din to ee magtatanong ba ako kung alam ko ..Tss
"Itatanong ko ba kung alam ko?"Pagtataray ko
"Tss sabi ko nga..Kalat na kasi sa buong school na boyfriend ni Shea yung transferee sa school and yung transferee na yon kuya pala nung classmate ni shea na si Rian yung nagpakamatay"Suhestiyon ni Concon
"wala naman siyang nakkwento sakin na may nanliligaw sa kanya at ngayon ko lang nalaman yang issue na yan"
Well totoo naman yon hindi na madalas magkwento si Shea sakin ..Tsaka paano yun magkakabotfriend ee ayaw nga non magkaroon ng lalaki sa buhay niya..
Nakakapagtaka naman..
"Kung ganoon kailangan natin bantayan si Shea ,Palaaway yang Reign na yan akala mo kung sino tsk kawawa naman tuloy si Do"Concon na umiiling iling pa
Hayyy Shea ano nanaman ba tong pinasok mo??
Shea's POV
mag isa akong naglalakad pauwi ngayon at sobrang naiiyak nako sa mga nangyayari..Iniisip ko palang na may nasasaktan sa ginagawa ko para na akong pinapatay..
"Bes"
Napalingon ako at hinanap ang boses na yon..
Si Jean..
"Bes ikaw pala"Pinilit kong ngumiti sa harap niya
"halika't mag gala namiss kita ee"Humawak siya sa braso ko at kinaladkad sa park na malapit lang sa school
Umupo kami sa may swing at nagsimulang magkwentuhan..
"May Boyfriend kana daw?"
"O-oo si Reign mabait siya at m-mahal ko siya"
"Mahal ka niya?"Tanong nito sakin
"O-oo naman mahal niya ako"Nag fake smile ako para makumbinsi siya
Nagulat ako ng namewang siya sa harap ko at tumitig sa mga mata ko
"Tss Shea kilalang kilala kita kung nagsisinungaling ka o ano..Umamin ka nga sakin mahal mo ba talaga yan?Paano si Do?"
Tumagos sa puso ko ang sinabi niya..Mahal ko si Do pero sinasaktan ko siya
"A-anong ibig mong sabihing paano si Do?BesBakit tfriend ko lang siya"
"Yah right He's your BESTFRIEND"Sarkastiko niyang sabi
"Mauuna na ako jean pagod ako and I need some rest"
Tinalikuran ko na siya at tumakbo palayo..
Pakiramdam ko ang tanga tanga ko ..Mahal na mahal ko si Do at ayoko siya masaktan pero sa ginagawa kong toh mas sinasaktan ko pa yung taong mahal ko..
Ano bang dapat kong gawin?Bakit ba ako pinapahirapan ng ganito??
---
A/N:
Next week po ang next update ..Tapos na midterm namin Finals nalang XDD
Salamat sa patuloy na pagsuporta Readers..
GodBless :)) Ilaabbbbyuuuuu :***

BINABASA MO ANG
FriendZone
Fiksi PenggemarI Love Her..Pero"Kaibigan" lang talaga ang tingin niya sakin ..Hindi ko masabi sa kanya ang totoo dahil ayokong iwasan niya ako at ayokong mangyari yon.."FriendZone"Bakit pa kasi nauso yan??