Shea's POV
"Shea buti naman gising kana"Niyakap ako ni Mommy ng mahigpit
"M-mommy anong ginagawa mo dito?"
"Tumawag sakin si Dorina sabi niya sinugod ka daw sa ospital,Ano bang nangyari sayo?Kumkain kaba sa tamang oras?Bakit kaba nagkasakit anak?"
"A-ano Mommy siguro sa pagod lang po"Ngumiti pa ako para makumbinsi siya
"Ganon ba..Osige iwan muna kita dito bibili lang ako ng makakain mo"Pi'nat niya ako sa ulo at lumabas na
Nanghihina akong umupo at sumandal sa headboard ng kama..
Asan kaya si Do??
Bakit siya wala sa tabi ko??
Galit pa rin kaya siya sakin??
Bumalik ako sa realidad ng biglang may yumakap sakin si Bes pala kasama niya din ang barkada wala nga lang si Do..TT.TT
"Bes ano bang nangyari sayo?Pinag alala mo ko"Maiyak iyak na sabi ni Jean ,Kahit kailan talaga toh OA..
"ano kaba okay lang ako ,Okay nako.."
"Mabuti naman teka sino nagbabantay sayo?Wala si Do?"
"H-ha?Ahm si Mommy bumili lang ng pagkaen si D-do ewan ko w-wala naman siya dito"Napayuko nalang ako dahil sa lungkot
"San naman kaya napunta yung loko na yon,Siya tumawag satin diba?"Takang tanong ni Concon sa barkada
"Oo nga madaling madali pa nga ee"Sabat naman ni Pot
"Tsk tapos ngayon wala siya dito,Ang labo niya "Si Mm yan nakaakbay pa kay Bes,Sweet ee
Napansin ko naman na di umiimik si Khen..
"Sayo Khen tumawag ba ?"Tanong ni Pot kay Khen
"Dumating ang Kuya niya ,may pag uusapan daw silang importante"
Napatango nalang kami sa sinabi ni Khen..
Hindi kami ganon ka'close ng kuya ni Do may pagka strikto kasi yon ganon din ang Parents ni Do ..Hindi rin sila magkakasundo kaya nga nakabukod si Do ee ayaw niya kasi na pinapakialaman siya sa mga bagay na gustong niyang gawin..Kaya ayun naisipan niyang bumukod nalang sa pamilya niya..
Nagkwentuhan lang kamingmagba'barkada hanggang sa dumating si Mommy na may dalang pagkain..
"Hai Tita"sabay sabay nilang bati kay Mommy at kumaway kaway pa
"Aba tamang tama kumain na muna kayo"Alok naman ni Mommy saka inayos yung pagkain sa Table
"Yayy salamat tita gutom na din ako haha"Si Concon yan na dumampot na ng Pizza at kumain na
Ganon din ang ginawa nung iba kami naman ni Bes nagkwentuhan lang habang kumakain siya..Ang ingay tuloy ng buong kwarto xD
Di ko ramdam na nasa ospital ako dahil sa mga barkada ko..Ang saya lang ^__^
Pero mas masaya sana kung nandito si Do..TT.TT
Khen's POV
"Bye Tita una na po kami,Shea pagaling ka"Niyakap nilang lahat si Shea
Magpapaiwan kasi ako dito ..Gusto kong bantayan si Shea
"Oyy Khen kita nalang sa School bukas"Tinapik pa ko ni Mm ganon din si Concon at Pot
Si Shea at Jean naman nagyakapan muna at ayun nga umalis na silang lahat..
Kami ni Shea at Mommy niya nalang ang nandito..Busy naman din si Tita may ginagawa kasi siya sa Laptop niya..Business nanaman siguro
Tahimik lang kami parehas hanggang sa may pumasok na Doctor..Sa pagkakaalam ko Family Doctor nila toh
"Doctor Fajardo"Tumayo si Tita at hinarap yung Doctor nila kami naman ni Shea tahimik lang na nakatingin sa kanila
"Madam we need to talk about sa kondisyon ni Shea"Seryosong sabi ni Doctor Fajardo
"K-kondisyon?Anong ibig mo sabihin?"
"Serious matter madam ,ahm sa opisina ko nalang po"Tumango si Tita at sumunod kay Doctor Fajardo
Kami naman ni Shea naiwan ng may pagtataka..
"May sakit ba ko??"Walang emosyon niyang sabi
"Ano kaba wala yun noh wag mo na isipin yon,Ipagbabalat nalang kita ng Apple"Tumango naman siya pero halata pa rin ang pagtataka ako naman pinagbalat siya ng apple
Habang nagbabalat ako ng apple napansin ko naman na tingin siya ng tingin sa pinto..
"May inaantay kaba?"Inabot ko naman sa kanya yung apple
"H-ha?Wala"Kumagat siya don sa apple at ngumiti
Maganda si Shea ,Kahit simple lang siya nangingibabaw pa rin yung ganda niya..Mabait din siya at sweet ..Malabong walang magkagusto sa kanya
Di naman masamang mahalin si Shea diba?Ewan ko ba pero parang unti unti ko ng nagugustuhan si Shea ..Alam kong mali kasi kaibigan ko si Do at alam ko na MAHAL niya si SHea ,Hindi ko lang kasi matiis na nakikita siyang nalulungkot dahil tinitiis siya ni Do..
"Khen okay ka lang?Tulala ka ehh"Hinawakan niya pa ko sa kamay
"Okay lang ako may naisip lang"Ngumiti ako para makumbinsi siya
Matapos yon nakakabinging katahimikan nanaman ang nanaig sa aming dalawa..
Sakto naman na pumasok si Tita napansin ko na kagagaling lang nito pag iyak..
"Mommy anything wrong?"Tanong ni SHea na may pag aalala din
"S-shea baby hmm you h-have--"
"What Mommy??"
"LEUKEMIA"
----
A/N:Pasabog ba?Madami pa yan haha :)) Ano na kayang mangyayari sa storya na ito??Si Khen kaya manliligaw na kay Shea??Hmm ano kayang magiging reaksyon ni Do..Comment kayo para masaya ^__^
Next Chapter po ang POV ni Jean..hihi
Sa gusto po magpadedicate comment nalang kayo :))
Thnx for reading xD
Vote and Comment <3
-Shea

BINABASA MO ANG
FriendZone
FanfictionI Love Her..Pero"Kaibigan" lang talaga ang tingin niya sakin ..Hindi ko masabi sa kanya ang totoo dahil ayokong iwasan niya ako at ayokong mangyari yon.."FriendZone"Bakit pa kasi nauso yan??