"Gising, may entrance exam kayo ngayon!" sigaw ni mama habang tinatapik yung tagiliran ko
"Ngayon? Hindi ba pwedeng bukas na lang?" tanong ko (inaantok pa ko pano ko makakapagisip? Hindi pa nga ko nakakapag-review eh)
"Sabi ng tita mo, sabay ka na lang daw sa mga pinsan mo para may kasama ka" hinila niya yung wrists ko causing me to sit up (Ano ba yan hindi man lang sinabi kahapon, para naman nakapag-review kahit onti)
"Anong oras ba daw?"
"9:00" tumingin ako sa orasan (8:15 NA!)
Dali-dali akong bumaba at nagpakulo ng tubig.
Sa sobrang madali ko hindi ko na napatuyo yung buhok ko, ano ba yan! (8:50* grabe hiningal ako dun ah)
Beep* beep*
Andyan na sila tita (Stock knowledge na lang yan) I thought as if na may knowledge akong ini-stock. sumakay na ko kasama sina, Emma at Ralph (yung iba pa naming pinsan na una na daw)
"Nakapag-review kayo?" tanong ko sa kanila
"Hindi eh, hindi nga namin alam na meron pala ngayong Exam"
"Ako rin"
-------------------------------------------------------------------------------
(A.N. For those who are confused, Sila Emma at Ralph yan yung malipit niyang mga pinsan kung baga 1st cousin niya, silang tatlo pinapasabay lang sila dun sa 2nd cousin nila...gets? Basta yun na yun sumabay lang sila)
-------------------------------------------------------------------------------
Nang makarating na kami dun sa school, hindi namin alam kung saan kami pupunta para kaming mga Cave man na walang alam sa mundong pinasukan namin, luckily nadyan si tita sinundan na lang namin.
"Bat naman ang lalayo ng mga lugar dito? Yung cashier nandun, yung pageexaman nandito, sakit sa ulo. Na-iistress ang napakaganda kong pes" sabi ni tita (Kaya nga grabe naman anlayo ng lalakarin mo para lang makapagregister ka)
So nagreregister na kami...lagay pangalan....transferee....female...(Mahirap kaya entrance dito?)
"Tapos na ko" sabi ni Ralph siya kasabay kong magregister kasi magkasing year level lang kami, si Emma 4th year na
"Tapos na rin ako, kanino daw ipapasa?" tanong ko kay Jace (isa ko pang pinsan na kasabay)
"Kay kuya" tinuro niya yung nakatayo sa may counter. Tumayo kaming dalawa at binigay kay kuya yung paper
"Wait lang kayo dyan, marami pang hinihintay eh" so umupo lang kami dun
-------------------------------------------------------------------------------
Medyo matagal ah. Tapos may dumating sabi niya kukuha daw siya ng entrance exam (Uy, may itsura si kuya ah, in fairness. Matangkad hmmm ano kayang year to)
"Anong year ka?"
"Third year po" nanlaki mata ko at napatingin sa dalawa kong pinsan
"Third year yan?" bulong ko sa kanila
"Tangkad ni kuya grabe!" bulong ni Ralph (Compared naman sa height namin, nakakalula siya ah)
After awhile pinasunod kami ni kuya (yung pinasahan namin ng form) sa pageexaman namin (kinakabahan na ko wala pa kong naaral)...
"15 minutes lang bawat subject na nasa Test, limang subjects yan. 75 ang passing score. Goodluck, time starts now" sayang hindi kami magkatabi ni Kuya tangkad, question 1...
After a few minutes...
"Next questionare please" sabi nung nagbabantay saamin (hala eh number 12 palang ako!) "Balikan niyo na lang yan later" (grabe ang hirap naman) napatingin ako sa mga pinsan ko, mukhang hindi naman sila hirap na hirap (Anebeyen, ako lang yata yung nahihirapan dito eh) tumingin rin ako kay kuya tangkad nagkakamot ng ulo (atleast may karamay na ako) sabay ngiti sa sarili
After a few more minutes...
(Ay nako hulaan ko na nga lang to. A, D, C, B...) eh d natapos ko rin
"Please, pass your papers to the center" as we did, napatingin nanaman ako kay kuya tangkad, bigla siyang lumingon sakin, I shifted my eyes a little looking at the window beside him (Phew, that was close, montik na)
Pagkalabas ng classroom...
"Kaasar! Wala akong alam kung ano-ano na lang shinade-dan ko" I stated (ang hirap tapos may time presure pa nakaka-ano!)
"Hindi naman ganun ka hirap eh" I glared at Ralph then my mind went off to kuya tangkad hindi ko alam pangalan niya pero...CRUSH KO NA SIYA! Sana nga magkaklase kami eh
BINABASA MO ANG
When Its Meant To Be
Fiksi RemajaAlam mo yung feeling na 'meant to be', yung parang pinagtagpo kayo for a reason and that reason is to fall for each other? I usually stay in my comfort zone when it comes to love and I'm not planning to come out either. Ayoko nga masakit mahulog noh...