CHAPTER TWENTY

18 1 0
                                    

Zaimin's POV

Tignan lang natin kung hindi ka magselos ngayon Matthew. Akala mo ikaw lang ang marunong magpaselos, pwes! Ako rin.

"So, thanks pala sa pag-accept mo sa suggest ko Matthew ah? You're really amazing!" Sambit ni Kylie saka bahagyang niyakap si Matthew.

At ginantihan din siya ng yakap ni Matthew! Grrr! Pwes! Babawi ako!.... *ehem*ehem*.... "Do'n pala sa tanong ko sa'yo kanina Tristan, may girlfriend ka na ba?" Pinandiinan ko ang salitang girlfriend at tinignan ng masama si Matthew na ngayon ay nakikinig na sa usapan namin.

"Correction lang ah? Hahaha! Ex-girlfrie--"

"Ohh, shut up Tristan. Kumain ka na." Putol ni Kylie sa sasabihin ni Tristan.

Uh-oh. Nase-sense kong may something sila. Dati.

Kumain na lang din si Matthew na kanina pa nakakunot-noong nakatingin kay Tristan. Sige lang, HAHAHA!

"Pagkatapos natin kumain umuwi na tayo." Seryosong saad sa'kin ni Matthew habang nakakunot-noong nakatingin sa'min.

"Pero 'di ba excited ka pa nga kani--?"

"Umuwi na tayo mamaya, ihahatid kita." Aniya saka nag-slice ng cake.

"Pero--"

"No buts." Seryosong sambit niya saka tumingin ng masama kay Tristan saka kunot-noong bumaling sa'kin.

Wow.

"Matthew, let have some fun first. You know that ngayon lang naman nandito si Tristan 'di---"

"Hindi kami mags-stay dito. Kailangan umuwi ng maaga ng Queen ko." Pinagdiinan talaga ang salitang Queen saka tumingin ng masama kay Tristan.

Uh-oh. Wrong move....

"Come on, tapos na ako." Pagbaling naman sa'kin ni Matthew.

"Pero--"

"Magt-take out nalang tayo sa drive-thru. 'Wag ka nang makulit, please." Ani Matthew saka hinila ako paalis. "Bye!" Sigaw ko sa dalawa bago pa kami tuluyang makalabas.

"Bakit ka ba nagmamadali?! 'Di ba excited ka pa kanina pumunta dito?!" Sigaw ko kay Matthew nang makalabas na kami.

"Look.." sabi niya saka ako hinawakan sa baba at hinarap sa kanya. "Kanina pa ako nagseselos dito. And guess what? Parang pinapaselos mo pa ako." Kunot-noong sabi niya sa mahinahon na paraan.

Wow. Hanep.

"Wow. Kaya pala may payakap-yakap pa kayo ni Kylie no? Tapos ikaw naman payakap-yakap rin, HAHA." Sarkastikong sambit ko at tumawa ng mapait.

"Then, I'm sorry kung gano'n man yung inasal ko. Wala naman kasing kahulugan para sa'kin yun. " Nakangiting sambit niya saka bahagyang lumapit sa'kin.

"Wow! Kaya pala gustong-gusto mong niyayakap ka niya gano'n?!" sarkastikong  bulalas ko sa kanya.

"Stop grumbling. If you're unhappy with that scene prematurely, then hug me." nakangising aniya saka palapit nang palapit sa'kin. At ako?! Paatras lang nang paatras.

"A-ah, b-bumili n-na t-tayo n-ng p-pagkain." Fudge! Bakit ako nauutal?!

"Nervous?" Tanong niya ng may halong pang-iinsulto at bahagyang lumayo sa'kin.

Hay. Nakahinga rin ako ng maluwag.

*Tsup*

Whatthefudge! Whatthefudge! Whatthefudge! Whatthefudge!

Naglapat ang labi namin ni Matthew!

Omaygash! Mom, Dad! I need your help!

Tristan's POV

"Tristan, lumabas ka nga. Tignan mo if Matthew is still there." Maarteng ani Kylie.

"But---"

"Hay, if ayaw mo ako nalang." Sabi niya at akmang tatayo pero hinawakan ko siya sa braso para pigilan. "Ako na." Nakangiting ani ko at dali-daling lumabas.

Nanlaki naman ang mata ko nang makita si Zaimin at yung Matthew na naglapat ang labi ng ilang segundo.

Halata sa mukha ni Zaimin ang pagkagulat at pagkahiya. Samantalang yung Matthew naman ay nagpipigil lang nang pagbungisngis.

Hayuf.

"B-bakit m-mo g-ginawa y-yun?!" Halata sa tono ng boses ni Zaimin ang pagkapahiya at inis.

"To prove that I love you, to prove that I don't give any meanings what Kylie and I had done earlier." Sambit nung Matthew saka inakbayan si Zaimin at dumiretso sa kotse na blue green ang kulay. Pero halata naman sa mukha ni Zaimin ang pagkailang sa pagitan nila.

Bastos na klase ng lalaki. Walang respeto. Hindi man lang nanghingi ng kumpirmasyon bago manghalik. Tsk, tsk, tsk.

Napapailing nalang akong bumalik sa loob. Hay, paano ko ba sasabihin kay Kylie na nakaalis na sila nung Matthew.

"Where's Matthew? Is he still there?" Tanong agad sa'kin ni Kylie nang makaupo na ako sa harap niya. Bakit ba siya tanong nang tanong do'n sa Matthew na 'yun?! "..Ah, nakaalis na sila ni Zaimin." kamot-batok kong paliwanag.

"Bitch! You know what?! You're useless! You didn't do anything man lang?! Just to pigil him!" galit na bulalas niya sa'kin, dahilan para pagkatinginan kami ng mga costumers dito.

"Sshh. Lower down your voice. Maraming mga taong naiistorbo." saway ko sa kanya saka bahagyang tinakpan ang bibig niya. Pero buong pwersa niyang tinanggal ang palad ko sa bibig niya dahilan para masagi ko ang mga pagkain na nasa mesa at magkalat. "You want me to lower down my voice?! Eh, you didn't do anything nga to pigil Matthew!" Galit na bulalas niya sa'kin saka kinuha ang bag niya at dali-daling umalis.

Why are you acting like that? It seems that you're falling inlove with Matthew.

Matthew's POV

"Masarap ba?" nakangiting tanong ko kay Zaimin na tahimik na kumakain. Kakagaling lang namin sa McJolly at nag-order na kami ng mga pagkain. Dito na namin pinagpatuloy ang pagkain namin kanina.

(A/N: Wala po talagang McJolly. Sadyang binago ko lang po talaga yung pangalan. Pinaghalong Mcdo at Jollibee. Hahahaha!)

"Yung kanina.. Bakit mo ginawa 'yun?" pigil na impit niya, nagpipigil ng galit.

"About what?" inosenteng pagbaling ko sa kanya.

"ABOUT THE KISS! WHY DID YOU DO THAT THING?!" Puno ng inis na bulalas niya sa'kin.

Nabastos ko siya. Kasalanan ko.

"I'm sorry about that thing. I just want to......."

"TO?!" Galit na sigaw niya sa'kin.

"To express my feelings that I'm inlove with you. That I don't care what are you thinking about me and Kylie." mahinahon na pagkakasabi ko at kinain ang fries.

"Tsk!" galit na asik niya at saka padabog na uminom ng float.

"I'm sorry. Sorry kung nabastos man kita kanina." sinserong pagpapaumanhin ko.

"Tsk! Oo na. Ano pa nga bang magagawa ko? Eh, nangyari na nga 'di ba?" puno ng sarkasmo na asik niya.

Galit talaga.

"Do you want to go home? It's already 7:25 pm." pag-iiba ko ng usapan.

"Yeah. I really want to go HOME." sarkastikong aniya saka tumikhim sa tabi.

"Okay, then." sambit ko at bahagyang huminga ng malalim. Pinaandar ko na rin ang kotse ko at hinatid na si Zaimin sa bahay nila.

Accidentally Fall Inlove With A Bad Boy [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon