Napakasarap magmahal ngunit napakasakit din kung minsan,
parang sugal, kung mananalo ka ay napakaligaya sa pakiramdam ngunit kung matatalo ka ay nakakapanghinayang.Yun bang parang ito na ang huli mong pera at kapag natalo ka,
katapusan mo na
pero itutuloy mo pa din ang pagpusta kasi alam mong kung mananalo ka, yun na ang simula ng mga maliligayang araw mo.Sino ba ang ayaw nito?
Ganon pa man, sa buhay ng tao,
ilang beses siyang pupusta sa sugal ng pag-ibig bago manalo.Araw ng Sabado,
isang napakagandang umaga ang sumikat sa bakasyon ni Vhan. Palibhasa ay summer, napakaaliwalas ng panahon.Tamang tama para mamasyal sa probinsya kung saan siya nagpapalipas ng kanyang bakasyon.
"Vhan gising na, kanina pa gising ang mga pinsan mo," tawag ng kanyang inay.
"Opo! Ito pababa na," sagot ni Vhan.
Nagmamadaling bumangon si Vhan na noo'y nakahiga pa at tinatamad bumangon sa kama. Naalala niya kasing may pupuntahan pala sila ng kanyang mga pinsan.
Piyesta kasi sa kabilang barrio at kailangan nilang umalis ng maaga para hindi sila mahuli sa kasiyahan.
Pagkatapos kumain at maghanda papunta sa piyesta, agad na umalis sila Vhan kasama ang tatlo niyang mga pinsan.
Mga isang oras at kalahati din ang biyahe papunta sa kabilang barrio at tamang-tama lang ang pagdating nila dahil nagsisimula na ang kasiyahan.
Madaming tao, palibhasa ay sikat ang barrio na iyon sa magarbo nitong kapistahan at talagang dinarayo saan mang panig ng probinsya.
Puno ng mga dekorasyon ang dingding ng mga bahay, sa kalsada naman ay panay parada ng mga banda na talaga namang nakakatuwang panoorin at pakinggan.
Lumipas ang mga oras,
maghahapon na at unti-unti ng lumulubog ang araw sa likod ng mga magagandang kabundukan,
habang pinapalitan naman ito ng mga nagniningning na mga ilaw mula sa plaza kung saan nagaganap ang isang malaking sayawan.Masaya si Vhan hanggang sa puntong iyon, hindi kasi siya marunong sumayaw.
Lahat ng pinsan niya ay nagpunta na sa plaza upang makisayaw habang si Vhan naman ay nagpaiwan sa tabing dagat at minabuting pagmasdan na lamang ang kagandahan ng dalampasigan.
Lingid sa kanyang kaalaman,
hindi lang kagandahan ng dagat at dalampasigan ang naroon.Sa isang malaki at pahabang bato malapit sa dagat ay may nakaupong isang dalaga,
malayo ang tingin na parang may iniisip na malalim,
habang marahang iniihip ng hangin ang kanyang tuwid, itim at mahabang buhok palayo sa direksyon ng dagat.Hindi maiwasang makita at matitigan ni Vhan ang dalaga mula sa kanyang kinaroroonan,
manipis ang kilay nito,
tuwid medyo paangat ngunit may kurba sa dulo,
bagay sa mata niyang hugis almond.Habang tuloy sa pagtingin sa malawak na dagat ang dalaga,
biglang umihip ng malakas ang hangin,
humarang tuloy ang buhok niya sa kanyang mukha.Gamit ang isang kamay inayos naman agad nito ang kanyang sarili at hinawi ang tumakip na buhok sa kanyang mukha.
Kita na uli ni Vhan ang matangos ngunit maliit na ilong ng dalaga at ang kulay mapusyaw na rosas na mga labi nito,
makinis ang mukha nito,
kutis isang artista sa palagay ni Vhan."Ok lang na hindi ako nakasama sa mga pinsan ko, maganda naman ang view dito," ang naisip ni Vhan.
BINABASA MO ANG
Valentine Demon
RomanceAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Kaya mo bang ibigay kahit pa ang buhay mo?