Marahang binawi ni Luna sa pagkakahawak ni Vhan ang kanyang kamay at tumalikod.
"Bakit hindi pwede?" tanong ni Vhan ngunit hindi sumasagot si Luna kaya nagpatuloy siyang magsalita
"Siguro dahil kay Arman" sabi niya pero wala pa ring kibo ito.
"Nakita ko si Arman, araw-araw siyang pumupunta sa inyo, tinatakot ka ba niya?" tanong ni Vhan,
"Hindi..." mahina ang pagsasalita ni Luna at bakas sa tinig nito na umiiyak siya.
"Kung ganon bakit?" dagdag ni Vhan pero patuloy lang sa paghikbi si Luna.
Wala ng ibang maisip na dahilan si Vhan kaya itinanong niya ang kanyang pinaka kinatatakutan,
"Nagkabalikan ba kayo?"
Pinunasan ni Luna ang kanyang mga luha at kinalma ang sarili,humarap siya kay Vhan, tinitigan niya itong mabuti na parang ito na ang huling pagkakataon.
Naguguluhan si Luna at hindi niya malaman kung paano sasabihin kay Vhan ang kanyang sitwasyon,
pakiramdam kasi nito na walang makakaintindi sa kanya, kahit pa ito, na baka pagsinabi niya dito ang totoo ay isipin nitong nababaliw siya.
Ayaw niyang saktan si Vhan, ayaw niya itong malungkot at ayaw niya itong maging mag-isa kaya bago pa mahuli ang lahat ay ititigil na niya ang sandaling kaligayan kasama ito,
kahit pa ang kapalit ay ang labis na kalungkutan dahil ang totoo ay mahal na niya si Vhan.
Nilakasan ni Luna ang kanyang loob, pinigil niya ang kanyang mga luha kahit parang sasabog na ang kanyang mga mata, hindi siya makahinga pero pinilit niyang magsalita,
"Oo kami na nga..." pagkatapos ay muling tumalikod kay Vhan at naglakad mag-isa.
Parang huminto sa pagtibok ang puso ni Vhan, naging bato, pagkatapos ay bumagsak sa lupa, nadurog at naging abo dahil sa narinig.
Hindi makagalaw sa kinatatayuan niya si Vhan, paralisado ang kanyang buong katawan habang pinapanood si Luna na lumayo hanggang sa tuluyan ng nawala ito gaya noong una nilang pagkikita.
Bumagsak ang luha sa mga mata ni Vhan,
naglakad siya papuntang dalampasigan,
gusto niyang wakasan ang sakit na kanyang nararamdaman kaya naisip niyang maglaho na lamang pero nang itapak niya ang kanyang mga paa sa dagat ay may humawak sa kanyang balikat.
"Malamig ngayon, next time ka nalang mag swimming" kilala ni Vhan ang tinig na iyon at habang nakatalikod ay sumagot siya,
"Bakit ganon, ang akala ko, ang pakiramdam ko mahal niya ako, bakit ganon?" tanong nito habang tumutulo ang kanyang luha.
"Halika ka na, dito tayo mag-usap" rinig ito ni Vhan,
napapikit siya dahil pinunasan niya ng kanyang mga kamay ang kanyang luha at nang muli siyang dumilat ay nasa labas na siya ng kanilang bahay,
"Mas ok dito mag-usap" sabi ng tinig
Nanghihina ang tuhod ni Vhan dahil sa kalungkutan at napa-upo siya sa sofang gawa sa kawayan na nasa hardin ng kanilang bahay.
"Amor, sasama na ako sayo" sabi ni Vhan.
"Sira, ang kasunduan ay February 14 next year diba, so kahit pa sinagot ka at sinabi ni Luna na mahal ka niya ay hindi pa rin counted yun kaya may chance ka pa" paliwanag ni Amor habang nakaupo sa tabi ni Vhan at nakatingin dito.
"Ibig sabihin halos dalawang buwan pa ako masasaktan?" mahinang sagot ni Vhan,
"Nasa iyo na yan, basta tandaan mo lang kung paano at kung bakit ka pumasok sa kasunduan." sabi ni Amor, na nagpabago sa kalooban ni Vhan
BINABASA MO ANG
Valentine Demon
RomanceAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Kaya mo bang ibigay kahit pa ang buhay mo?