Chapter 6

23 2 0
                                    

Kumakabog ang puso ni Vhan na parang lalabas ito sa kanyang dibdib habang ipinapatong ni Luna ang kanyang palad sa balikat ni Vhan.

Hindi alam ni Vhan ang gagawin at natulala ng ilang segundo kaya bahagyang ipinaling ni Luna ang kanyang mukha pakanan habang nakatingin kay Vhan.

"Ano pang hinihintay mo Vhan? hawakan mo ang baywang ko" malambing ang pagkakasabi ni Luna habang nakangiti.

Dahan-dahang inilapat ni Vhan ang kanyang mga kamay at unti-unting humugis ang mga palad niya sa mala orasang buhanging kurba ng baywang ni Luna.

Dama ni Vhan ang init ng katawan ni Luna at parang kuryente itong dumaloy mula sa palad niya at naghatid ng di maipaliwanag na saya sa buo niyang pagkatao ngunit kahit pa gustuhin niyang ihakbang ang kanyang mga paa para isayaw ang kanyang mahal ay hindi niya magawa dahil hindi siya marunong sumayaw.

Ramdam ni Luna si Vhan, kaya...

Lumapit pa ng bahagya si Luna at halos magdikit na ang mga katawan nila at dahil malakas ang musika at maraming tao, inilapit ni Luna ang kanyang mukha kay Vhan at bumulong ito.

"Sundan mo lang ako" pagkatapos ay tumitig si Luna kay Vhan at nagsimulang gumalaw, nadala ang katawan ni Vhan at dahan-dahan silang sumayaw.

Marahan, dinadama ni Vhan ang bawat sandali at walang makaputol ng kanilang mga titig sa isat-isa kahit pa madaming tao sa paligid nila.

Kaliwa, kanan...patuloy lang sa pagsayaw.

"Yan ganyan nga Vhan" Inilapit uli ni Luna ang kanyang mukha kay Vhan at marahang bumulong dito.

"Thank you" si Vhan naman ang lumapit sa mukha ni Luna at bumulong dito.

"Thank you din" nakangiting sabi ni Luna kasabay ng pagtapos ng kanta ngunit hindi pa rin naglalayo ang dalawa at patuloy pa ding nakahawak sa isat-isa.

Hindi alam nila Luna at Vhan na kanina pa sila pinapanood ng mga kaibigan nila, tuwang-tuwa si Irin, habang kinikilig naman si Tommy, Red at Anton ngunit nabitin sila kaya dali-daling pumunta si Mika sa D.J at nakiusap na magpatugtog pa uli ng isa pang sweet music.

Hindi naman nakatanggi ang lalaking D.J dahil sa ganda ni Mika kaya nagpatugtog uli ito ng isang kanta para sa mga nag-iibigan.

Sabay na napalingon sa pinang-gagalingan ng musika sina Vhan at Luna pagkatapos ay sabay ding nagkatinginan pabalik sa isat-isa.

"One more?" tanong ni Vhan.

Ngumiti lang si Luna, tumango at muling sumayaw ang dalawa.

Unti-unti namang lumalapit ang mga kaibigan nila Vhan at Luna sa kanila, walang kamalay-malay ang dalawa at nang patapos na ang sayaw nila ay nagpalakpakan ang mga ito.

Napatingin sina Vhan at Luna na hindi pa rin naghihiwalay.

"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw ni Anton at sabay kinuhanan ng larawan sina Vhan at Luna.

"Best wishes Vhan and Luna" sabi ni Red na kunwari'y naiiyak.

"Grabe sumayaw lang kami" naasar si Luna at pinuntahan si Anton para kuhain ang cellphone nito dahil sa pagkuha ng larawan nila ni Vhan

ngunit tumakbo si Anton kaya hinabol siya ni Luna.

"Ikaw na ang bahala sa kaibigan namin ah" Lumapit si Irin kay Vhan at kinausap ito habang wala si Luna dahil abala sa paghabol kay Anton.

Nahiya naman si Vhan at walang nasabi pero ang puso at isip niya ay sumagot "Makaka-asa kayo."

Bumalik si Luna, pingot ang tenga ni Anton habang hawak niya ang cellphone sa kabilang kamay at binubura ang letrato nila ni Vhan dahil sa hiya.

Valentine DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon