Unti-unting bumabagal ang pintig ng puso ni Vhan, nalulungkot na siya, napapa-isip bakit niya ba sinabi ang mga salitang iyon at baka lumayo na sa kanya si Luna."O, ok lang Luna naiintindihan ko... Mahal mo pa rin si Arman." napakalungkot ng mga sandaling iyon habang sinasabi ito ni Vhan.
Nagsisimula ng bumigat ang kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang pagpatak ng mga luha dito ngunit hindi pa rin sumasagot si Luna.
"Im sorry Luna" medyo napalakas ang boses ni Vhan dahil nadala siya ng kanyang damdamin pero wala pa ring sagot.
Ilang sandali pang naghintay si Vhan ng sasabihin ni Luna ngunit wala pa rin kaya mas idinikit ni Vhan ang kanyang cellphone sa kanyang tenga at tinaasan ang volume nito dahil baka hindi niya lang naririnig ang mga sagot ni Luna.
Dahil tahimik ang kwarto ni Vhan at nakatodo ang volume ng kanyang cellphone, narinig ni Vhan ang marahang paghinga ni Luna, wala itong patid at tila napakakomportable kung iyong mapakikinggan.
Sinubukan uling tawagin ni Vhan ang pangalan ni Luna ngunit hindi ito sumasagot, patuloy lang ito sa marahan niyang paghinga, kaya naisip ni Vhan na walang duda, ang minamahal niya ay nakatulog na.
Nawala ang lungkot na nararamdaman ni Vhan at nakahinga ng malalim dahil dito ngunit napalitan ng asar kay Amor habang gumugulong ito sa kama katatawa, wala naman siyang magawa dahil kahit anong ihagis niya ay hindi naman tumatama dito kaya kusa nalang naglaho si Amor.
Pinakinggan na lamang ni Vhan ang marahang paghinga ni Luna habang ito'y mahimbing na natutulog.
Nagpatuloy si Vhan, na tila binabantayan ang kanyang mahal sa pagtulog hanggang pati siya ay nahulog na din sa antok.
Nagising kinabukasan si Vhan sa tunog ng kanyang cellphone na nakadikit pa rin sa kanyang tenga. May nag text sa kanya, ito ay si Luna.
"Good morning Vhan, sorry kagabi natulugan kita, pero thank you din kasi kagabi lang uli humimbing ang tulog ko." Napangiti si Vhan sa nabasa ngunit inaantok pa dahil napuyat kakabantay kay Luna habang natutulog ito.
Dahan-dahang pumikit ang mga mata niya habang may ngiti sa kanyang mga labi at muling nakatulog.
Alas diyes ng umaga, tumunog uli ang cellphone ni Vhan, tuluyan siyang nagising sa nabasang mensahe.
"Vhan, nakapagreview ka na ba?" Galing ito sa kanyang kaklase, malapit na kasi ang exam nila at kaylangan niyang mag-aral.
Kahit pa ipinusta ni Vhan ang kanyang buhay at baka matalo at mamatay, hindi niya kayang hayaan na mawala ang pinaghirapan ng kanyang magulang kaya lahat ay pagbubutihin niya, mapapag-ibig man ito o eskwela.
Kaya agad niyang pinadalhan ng text si Luna, bumati siya ng magandang umaga at sinabing ayos lang na nakatulog ito pagkatapos ay hiniling niya kay Amor na punuin uli ng puting rosas ang bakuran nito.
Magiging abala si Vhan buong araw sa pag-aaral kaya ang mga rosas nalang muna ang bahalang magpangiti sa kanyang minamahal.
Dumating ang gabi, tumunog ang cellphone ni Vhan, tumatawag si Luna ngunit hindi ito nasagot dahil napagod at nakatulog si Vhan sa pag-aaral.
Kinaumagahan nagpaumanhin si Vhan kay Luna at agad pumasok sa eskwela.
Lumipas ang limang araw, madalas tumatawag si Luna kay Vhan tuwing gabi ngunit lagi nalang itong hindi nasasagot.
Lagi namang nagpapaumanhin si Vhan at sinasabing napagod lamang siya sa pag-aaral kaya hindi niya nasasagot ang mga tawag nito, naiintindihan naman siya ni Luna.
BINABASA MO ANG
Valentine Demon
RomanceAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Kaya mo bang ibigay kahit pa ang buhay mo?