Chapter 2

49 2 0
                                    


Naiwan sa loob ng stall si Vhan, hindi umalis ang tatlong lalaking nakaharang sa kanya hanggang tuluyan ng nakalayo sina Arman at Luna.

Pagkaalis ng tatlong lalaki pinulot ni Vhan ang kaninang yakap-yakap na stuffed toy ni Luna, binili niya ito at lumabas ng stall.

Habang papalabas siya ay nagsalita ang babaeng bantay ng stall.

"Grabe sila, kanina pa pabalik-balik yung babae dito, mga dalawang oras na sigurong andito sa mall yun, inaantay niya siguro yung mayabang na boyfriend niya.

Ang tagal-tagal niyang pinag antay yung babae tapos magagalit pag may kasamang iba, hay."

Pagkarinig nito ay umalis si Vhan, nagalit siya dahil nalaman niya ang nangyari kay Luna at nanghinayang dahil may iba ng nagmamay-ari sa puso nito.

Hindi matanggal sa isip ni Vhan si Luna at kahit pa hindi niya na ito makita ay malinaw pa rin sa alala niya ang mga ngiti nito, nakatatak na sa kanyang isip at siguradong hindi na mabubura dahil...

minsan lang umibig ang kanyang puso at ang babaeng katulad ni Luna ay minsan lang din darating sa buhay niya.

Kaya naisip ni Vhan na agawin ito kay Arman...

ngunit wala naman siyang maisip na paraan para magawa ang ninanais niya,

nakatayo lamang siya sa loob ng mall habang nadudurog ang puso kapag may nakikitang magkasintahang masayang naglalakad sa harap niya,

wala na ba talaga siyang magagawa naisip nito nang...

Biglang nakita ni Vhan ang school supply stall ng mall,

meron ditong naka display na makapal na libro at dahil dito naalala niya ang babaeng nagpakita sa puno ng acacia na may dalang librong makapal ang pabalat, si Amor.

Dali-dali siyang nagpunta sa pinapasukan niyang kolehiyo at tinungo ang puno ng acacia kung saan nagpakita si Amor.

Nang malapit na si Vhan sa puno ay huminto siya, ayaw niya ng ituloy ang balak niya dahil sa tingin niya ay masama ito pero nakita niya ang dala-dala niyang stuffed toy.

Naalala niya ang mga ngiti ni Luna at ang ligaya noong kasama niya ito.

Lumakas ang loob ni Vhan pero nanghingi pa rin siya ng senyales sa panginoon.

"Diyos ko kung mali itong gagawin ko paulanin mo ngayong araw" Ang sabi ni Vhan sa sarili,

sabay tumunog ang kanyang cellphone, may nagtext sa kanya, binasa niya ito at ibinalik sa home screen ang kanyang cellphone ngunit hindi naiwasang makita ni Vhan ang weather forecast ng cellphone, ang sabi dito ay,

"Sunny".

Kaya tuluyan ng pumunta si Vhan sa puno ng acacia.

Pagdating niya ay tinawag niya si Amor ngunit hindi ito nagpakita.

Hinintay pa ni Vhan ng ilang oras si Amor pero wala talaga siya dito.

Kaya umuwi si Vhan sa kanyang apartment, malungkot at bigo.

Pumasok siya sa kanyang kwarto na kala mo'y taong walang buhay, derederetso itong humiga sa kanyang kama, akap ang stuffed toy na kanina lamang ay akap din ni Luna.

Iniisip niya na si Luna ito at masaya silang magkasama, magka-akap.

Nakatulog si Vhan dahil sa sobrang pagod, nagising siya nang kumalam ang kanyang sikmura, tumingin siya sa orasan at nakita niyang alas otso na ng gabi.

Kaya inilapag niya muna ang akap na stuffed toy sa mesa kung saan nandoon ang orasan at lumabas ng kwarto para maghanda ng makakakain.

Pagkalabas niya ng kwarto ay nagtaka siya, may nakahanda ng pagkain sa mesa.

Valentine DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon