Chapter 12

25 3 0
                                    


Kitang-kita ng mga binatang balak manligaw kay Luna na may kayakap ito, lahat sila'y nawalan ng loob at pag-asa.

"Andyan pa ba sila?" mahinang nagsasalita si Luna, tinatago ang tinig niya sa mga binata,

"Yung ilan umalis na, yung iba andito pa, nakatingin" napabulong din si Vhan habang nagsasalita.

"Yakapin mo din kasi ako para umalis na silang lahat" utos ni Luna, hindi naman maintindihan ni Vhan ang nangyayari, ang akala niya kasi na miss lang siya nito kaya napa-akap sa kanya pero parang may ibang dahilan pa ito.

"Ha? Ok" inakap nga ni Vhan si Luna, damang-dama niya ang malalim na paghinga nito nang kinulong niya ito sa makisig niyang mga braso.

Nag-alisan nga ang lahat ng mga binata maliban sa pinsan ni Vhan na si Leo, lumapit ito sa kanila,

"Erhm, ehem!" pagpapa-pansin nito.

Bumitaw sa pagkaka-akap si Vhan at pati narin si Luna, napatingin sila kay Leo.

Kita ni Vhan na nagtataka si Luna kung sino ang lalaking ito kaya ito'y ipinakilala niya.

"Luna si Leo, pinsan ko, Leo si Luna..." nasa gitna ng pagpapakilala si Vhan nang putulin ni Leo ang kanyang pagsasalita,

"Girlfriend mo, tama ba?" sabat nito.

Kinabahan si Vhan, baka magalit si Luna, napatingin siya agad dito.

"Uhm, school mate" paglilinaw ni Luna, nawala naman ang kaba ni Vhan nang nakitang nakangiti naman ito at hindi galit ngunit napa-isip na sana hindi lang sila school mate kundi balang araw maging soul mate na din.

"Iha, hindi mo ba patutuluyin ang mga bisita mo?" tawag ng kanyang lolo mula sa pinto ng bahay nang makita nito sila Vhan at Leo.

"Ahh opo, papasok na" sagot ni Luna.

Nang nakapasok na sa bahay sila Vhan ay ipinakilala niya muna ang mga ito sa kanyang lolo,

"Lo, si Vhan po ka school mate ko sa Maynila at si Leo pinsan niya, Vhan, Leo ang pinaka poging lolo, si lolo David" pakilala ni Luna,

"Magandang gabi po lo" bati ng dalawa pagkatapos silang ipakilala.

"Magandang gabi rin mga iho, pagpasensyahan niyo na ang apo ko, napakabolera, ang mabuti pa'y umupo muna kayo" masayang bati ni lolo David.

Naupo sina Vhan at Leo sa isang maliit na sofang gawa sa kawayan, habang kumukuha naman ng maiinom si Luna sa kusina.

"Vhan iho, malayo pa ang pinanggalingan mo, bakit naisipan mong dumalaw?" tanong ni lolo David dito, habang nakaupo sa tapat ng inuupuan nito na ang tanging namamagitan lang sa kanila ay ang isang maliit na kawayang mesa.

"Ang totoo po gusto kong makita si Luna" sagot ni Vhan, narinig ni Luna habang palabas ng kusina na pinag-uusapan siya, kaya napahinto siya sa likod ng kurtinang nakaharang sa sala at kusina at nakinig sa pinag-uusapan ng mga ito.

"Anong ibig mong sabihing gusto mong makita? Malayo ang Maynila, siguradong importante ang sadya mo." sabi ni lolo David,

"Ang totoo po eh..." sagot ni Vhan habang napapatigin kay Leo, na parang naghahanap ng lakas ng loob para tapusin ang kanyang sinasabi pero wala itong naitulong dahil hindi naman nito alam ang nangyayari.

Hindi naman malaman ni Luna ang gagawin para mas marinig niya ang pinag-uusapan sa loob ng sala, pilit niyang inilalapit ang kanyang tenga sa kurtina ng hindi na hahalata nang biglang marinig nito na nagsalita muli si Vhan,

"Gustung-gusto ko po talaga si Luna, lumuwas po ako dito para makita siya" sabi nito habang nakatingin kay lolo David.

"Kung ganon isa ka din sa humahanga sa kagandahan ng apo ko?" tanong ni lolo David,

Valentine DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon