Inalalayang tumayo si Vhan ng gwardyang pumigil sa kanyang pumasok sa silid na nasunog, tinapik nito ang kanyang balikat nang tuluyan na siyang nakatayo."May naghahanap sayo sa labas" sabi ng gwardya kay Vhan ngunit hindi niya ito marinig dahil tulala at gulat siya sa nangyari.
Itinuro ng gwardya ang taong naghahanap kay Vhan ngunit hindi niya rin ito makita dahil napuno ng luha ang mga mata niya dahil sa kalungkutan.
Galit na itinulak ni Vhan ang gwardya dala ng kanyang hinagpis, lumuhod siyang muli at hinalukay ang mga abo na kala mo'y maliliit na itim na bundok at pilit na hinahanap ang kanyang minamahal habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
Ngunit kahit anong gawing hanap ay walang makitang pag-asa si Vhan na buhay pa si Luna,
tuluyan siyang napa-upo sa maruming, basang sahig at dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman ay kumawala ang isang sigaw...
"Luna! mahal na mahal kita!" malakas ang kanyang pagkakasigaw na parang gusto niyang marinig ito ni Luna sa kabilang buhay.
Nagsimulang kumabog ang dibdib ni Luna, lumalim ang kanyang paghinga, dumaloy ang dugo sa kanyang katawan na galing sa puso niyang muling binigyan ng buhay dahil sa pagkakarinig nito sa sigaw ngunit hindi sa kabilang buhay kundi sa likod lamang ni Vhan,
napangiti siya at marahan niyang hinawakan ang kaliwang balikat nito.
"Ok lang ako"
Nagulat si Vhan, agad siyang tumalikod para makita kung totoo ba ang kanyang narinig o likha lamang ng labis niyang pangungulila,
nang masilayan niya kung sino ang taong nasa likod ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata at nawala lahat ng kanyang pangamba.
Agad tumayo si Vhan, pinagmasdan niyang mabuti ang babaeng nasa harap niya at wala ngang duda, iisa lang ang may ganitong ganda, ito ay si Luna.
Dali-daling lumapit si Vhan kay Luna at niyakap ito ng mahigpit, masayang-masaya dahil hindi siya nilisan at muli niyang itong nasilayan.
Hinayaan lang ni Luna si Vhan na ikulong siya sa mga bisig nito, nakangiti, masaya at kumakabog ang puso,
hanggang sa kusang bumitaw ito at nag-umpisang magtanong.
"Ok ka lang ba talaga? Ang sabi kasi ni Joan nasa storage room ka daw" tanong ni Vhan.
"Ok lang ako, binalikan ako nung nagkulong sakin doon sa storage room, siguro noong napansin niyang may usok na lumalabas sa kwarto" Kwento ni Luna,
"Mabuti naman" sagot ni Vhan at pagkatapos ay sabay silang lumabas ni Luna sa nasunog na silid.
"Pero grabe yang Joan na yan ah, bakit kaya niya ako kinulong" tanong ni Luna.
"Ewan ko don, pwede naman magtapat ng nararamdaman ng walang nasasaktan" sagot ni Vhan ngunit bago pa matapos nito ang sinasabi ay,
"Ano, nagtapat sayo si Joan?" sumabat na si Luna.
Lagot, dapat nagdahan-dahan ako sa pagsasalita baka magalit si Luna, naisip ni Vhan ngunit huli na ang lahat,
nakatingin na ito sa kanya at nag-aantay ng sagot.
"Uhm oo, sabi niya mahal niya daw ako" Wala ng magawa si Vhan kundi ang sabihin ang totoo.
"Ahhh ok" kalmadong sagot ni Luna, dahil alam na niyang siya ang mahal ni Vhan.
"Hindi ka galit?" nagtaka naman si Vhan dahil hindi naasar o nagalit ito.
"Bakit naman ako magagalit tayo na ba?" nakangiting sagot ni Luna habang nakatingin kay Vhan.
"Ahh, oo nga naman" matamlay na sagot ni Vhan.
BINABASA MO ANG
Valentine Demon
RomanceAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Kaya mo bang ibigay kahit pa ang buhay mo?