Nagulat si Vhan at napatayo sa kinauupuan, hindi siya makapaniwalang bumalik na si Luna.Walang mapaglagyan ang tuwang nararamdaman ni Vhan kaya...
"Luna!" naisigaw nito ang pangalan ng kanyang minamahal.
Nawala ang ngiti ni Luna dahil sa sigaw ni Vhan, agad siyang tumakbo sa tabi at tinakpan ang bibig nito.
"Wag kang maingay, nasa library tayo" bulong ni Luna kay Vhan.
Nakatingin si Vhan kay Luna habang dahan-dahan tinatanggal ang kamay nito sa kanyang labi ngunit pagkatanggal na pagkatanggal ng kamay ay...
"Luna!" Malakas pa rin ang boses ni Vhan kaya ibinalik ni Luna ang kanyang kamay sa bibig ni Vhan at natawa nalang sa reaksyon nito.
Pinaupo ni Luna si Vhan habang takip parin ng isang kamay niya ang bibig nito at gamit ang isang kamay ay binuksan ang supot ng siopao.
Mabilis na tinanggal ni Luna ang kamay niyang nakatakip sa labi ni Vhan at ipinalit ang siopao sa labi nito.
Malabo ngunit rinig pa rin na tinatawag ni Vhan ang pangalan ni Luna sa likod ng nakabarang siopao sa bibig nito.
Mahina ngunit tawa ng tawa si Luna sa reaksyon at itsura ni Vhan. Hanggang sa tanggalin na mismo ni Vhan ang siopao sa kanyang bibig.
"Luna?" normal na ang boses ni Vhan ngunit hindi pa rin makapaniwala.
Maamong tumitig si Luna sa mga mata ni Vhan, sabay hinawakan ang kamay nito at ginabayan para ilapat ito sa kanyang pisngi.
Lumapat ang palad ni Vhan sa pisngi ni Luna at doon na siya lubos na naniwalang nakabalik na ito.
"Ako nga, bumalik na ako, hindi na ako aalis uli" malambing ang tinig ni Luna habang nakangiti at hawak ang kamay ni Vhan na nakalapat sa kanyang pisngi.
Bahagyang iginalaw ni Vhan ang kanyang palad na nakalapat sa pisngi ni Luna para mas madama ang lambot at init nito.
Sigurado na si Vhan, nakabalik na nga ang kanyang minamahal kaya unti-unti siyang napangiti at nakahinga ng maluwag dahil dito.
Muling ginabayan ni Luna ang kamay ni Vhan at dahan-dahang inalayo ito sa kanyang pisngi,
ipinunta niya ang kamay nito sa ibabaw ng lamesa at nang nakalapat na ito dito na nakabuka ang palad, inilagay ni Luna ang siopao sa nakabukas na palad ni Vhan.
"Kain ka muna" sabi ni Luna.
Sinunod ni Vhan ang sinabi ni Luna ngunit hindi niya tinatanggal ang kanyang mga tingin dito, baka biglang mawala, naisip niya.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Luna dahil walang patid ang tingin sa kanya ni Vhan.
"Wala naman" sagot ni Vhan, ibinaling nalang niya ang tingin sa siopao at kumain.
"Kamusta? Ok ka lang ba?" Usisa ni Luna.
"Ok, ok naman." sagot ni Vhan kaya...
"Ganon ba, mabuti naman" tumayo si Luna at aalis na nang biglang
"Wag, mamaya na please" inabot ni Vhan ang kamay ni Luna at pinigilan itong umalis.
Napangiti si Luna dahil dito ngunit nakatalikod siya kaya hindi kita ni Vhan.
Umupo uli si Luna,
"Kamusta? Ok ka lang ba?" inulit niya ang tanong kay Vhan at tumingin sa mga mata nito.
"Sa totoo lang, hindi ako makatulog" pag-amin ni Vhan.
"Bakit, may sakit ka ba?" dagdag na tanong ni Luna.
BINABASA MO ANG
Valentine Demon
RomanceAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Kaya mo bang ibigay kahit pa ang buhay mo?