Nasa loob ng ospital si Vhan, nag-aalala, hindi dahil nasaktan ang kanyang kanang paa kundi dahil sa hindi niya nakita kung pumasok ang bola,nanga-ngamba siyang may mangyaring hindi maganda kay Luna kung hindi sila ang mananalo.
Lingid sa kaalaman ni Vhan na may dalang masamang balita ang doktor na tumingin sa kanya,
lumabas kasi sa x-ray na nabali ang buto sa paa nito.
Habang papunta ang doktor kung saan nakaconfine si Vhan para sabihin dito ang resulta ng x-ray, sinamahan naman ni Amor si Vhan.
"Kung sana hiniling mo nalang na manalo kayo eh di sana hindi ka umaaray ngayon" sabi ni Amor habang pinipindot-pindot gamit ng kanyang kanang hintuturo ang may baling paa ni Vhan.
"Syempre gusto ko naman patunayan na kaya kong ipaglaban si Luna, tsaka ang sakit-sakit na nga pinipindot mo pa yung paa ko" sagot ni Vhan habang napapangiwi sa sakit.
"Wow parang T.V show, kapag may katwiran ok lang mapilayan?" asar ni Amor sabay mahinang pinitik ang hinlalaki ng baling paa ni Vhan.
"Aray! Ewan ko sayo, inaasar mo pa ako, kita mo na ngang nalulungkot na yung tao" reklamo ni Vhan.
"Bakit ka naman nalulungkot?" tanong ni Amor habang marahang ginagalaw-galaw ang hinliliit ng baling paa ni Vhan.
"Masaya ka bang sinasaktan ako?" tanong ni Vhan, natatawa lang sa kanya si Amor,
"Aalis si Luna, doon daw siya magpapasko at magnenew year sa probinsya nila, last chance ko ng makita siya bukas sa christmas party bago siya umalis pero parang imposible na kasi nagkaganito ako." malungkot na paliwanag ni Vhan.
"Mahal mo ba talaga si Luna?" tanong ni Amor habang nakatingin kay Vhan,
"Oo" mabilis na sagot nito,
"Talaga?" ulit ni Amor,
"Oo nga" muling sagot ni Vhan,
"Talagang-talaga?" Dagdag ni Amor,
"Oo, yes!" tumaas ang boses ni Vhan dahil nakukulitan na ito.
"Weee?" tanong muli ni Amor sabay hawak sa baling paa ni Vhan.
"Wow! Unlimited ka na sadista ka pa, ang sakit kaya!" Reklamo ni Vhan.
"Sus ang arte, natapilok ka lang eh, maka-aray ka wagas" sabi ni Amor sabay palo ng malakas sa paa ni Vhan at naglaho kasabay ng pagdating ng doktor.
Napa-upo sa higaan at napasigaw si Vhan dahil sa sakit ng pagkakapalo ni Amor, nagtaka naman ang doktor sa nangyari.
"Anong nangyari, sobrang sakit ba?" tanong ng doktor kay Vhan, napatango na lang ito sa doktor para i-senyas na oo, dahil hindi siya makapag salita sa sakit.
"Masakit talaga yan, base kasi dito sa x-ray mo..."
Itinaas ng doktor ang resulta ng x-ray kay Vhan para ipakita dito ang nabali niyang buto ngunit nagtaka ito nang...
"Sorry, maling x-ray ata ang nadala ko" paumanhin ng doktor.
"Bakit po?" tanong ni Vhan na nahimasmasan na.
"Well, bali kasi ang buto ng paa mo, habang dito naman sa x-ray na dala ko eh, normal naman ang buto." paliwanag ng doctor.
"Maiwan muna kita, titingnan ko lang ang isa pang kopya ng x-ray mo." sabi ng nagtatakang doktor at pagkatapos ay umalis.
Maya-maya habang nag-iisa si Vhan sa ward at inaantay ang doktor ay biglang dumating ang lahat ng mga kaibigan nila ni Luna at pati na rin ito.
"Ok ka lang ba Vhan?" tanong ni Tommy, sabay upo sa kama sa tabi ni Vhan.
BINABASA MO ANG
Valentine Demon
RomanceAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Kaya mo bang ibigay kahit pa ang buhay mo?