Chapter 3

37 3 0
                                    


Makalipas ang isang araw sumapit ang huling Sabado bago ang pageant ni Luna.

Lahat ay abala sa kwarto kung saan naghahanda sa parating na pageant maliban kay Luna, hindi siya mapalagay parang may kulang, parang may mali at bakas sa mukha ang pag-aalala.

Pansin ito ng lahat ng kaibigan ni Luna,
na kahit pa dumating si Arman sa kauna-unahang beses sa kanilang paghahanda ay tila may hinahanap-hanap si Luna.

"Focus Luna, baka matalo ka niyan"
Saway ni Irin na noon ay sinasanay si Luna sa question and answer.

"Sorry, ano uli yung tanong?"
Halatang nasa ibang lugar ang isip ni Luna at madalas pinapaulit ang tanong kay Irin.

"Wag ka mag-alala baka na trapik lang yun" Bulong ni Irin kay Luna na ang tinutukoy ay si Vhan.

Hindi pa kasi dumadating si Vhan at ang lahat ay nagtataka dahil halos palagi itong nauuna at hindi pa nahuli sa pagtitipon nila.

"Ha? hindi, wala, masama lang ang pakiramdam ko Irin" Ang sagot ni Luna ngunit halata ni Irin na nagkakaila ito sa tunay niyang nadarama kaya.

"Ok, sige ulitin nalang natin ang tanong."
Sabi ni Irin kay Luna at nagpatuloy na lamang sila sa pagsasanay.

Natapos ang araw, lahat ng bagay ay handa na sa pageant ngunit malungkot si Luna, tuluyan na kasing hindi nakarating si Vhan.

Araw ng pasukan Lunes, pinuntahan ni Luna si Vhan sa silid aralan nito pero wala ito.

Sumapit ang martes, ganun pa rin wala pa din si Vhan hanggang sa sumapit ang Huwebes wala pa din ito kaya nagtanong na si Luna sa kaklase ni Vhan.

"Excuse me, nakita mo ba si Vhan?"
Tanong ni Luna sa pauwi ng kaklase ni Vhan.

"Hindi pa siya pumapasok mula noong Lunes, may babaeng nag-abot lang ng excuse letter niya sa mga prof. namin pero di naman nila sinabi kung ano nangyari kay Vhan." Sagot ng kaklase ni Vhan.

"Ganun ba, uhm alam mo ba ang bahay ni Vhan?" tanong pa ni Luna.

"Ah, oo, may ballpen at papel ka isusulat ko ang address" Sabi ng kaklase ni Vhan.

Iniabot ni Luna ang ballpen at papel.

"Ayan diyan siya nakatira miss beautiful"
nakangiting sabi ng kaklase ni Vhan pagkatapos nitong isulat ang address ni Vhan.

Nag pasalamat si Luna at agad umalis para puntahan kung saan nakatira si Vhan.

Walang tao pagdating ni Luna, aalis na sana siya ngunit nakita ito ng may-ari ng apartment.

"Sinong hanap mo miss" Tanong ng may-ari kay Luna.

"Ako nga po pala si Luna ka schoolmate ni Vhan, andyan po ba siya?" Tanong ni Luna sa may-ari.

"Ako nga pala si aling Rosa, wala si Vhan ilang araw ko na ring hindi siya nakikita." Sagot ni aling Rosa, na may pag-aalala sa tono ng kanyang pagsasalita.

"Ano po kayang nangyari sa kanya?"
nag-aalalang tanong ni Luna.

"Hindi ko alam iha." Nagtatakang sabi ni aling Rosa.

"Ganon po ba, pakibigay nalang po kay Vhan itong ticket sa pageant kung sakaling babalik siya, hindi po kasi niya ito nakuha noong nakaraang Sabado.

Bukas na po kasi gaganapin ang pageant at baka hindi makapanood si Vhan." Iniabot ni Luna ang ticket sa pageant kay aling Rosa pagkatapos ay malungkot na umuwi ito.

Sumapit ang araw ng pageant, papungas- pungas na nagising si Vhan sa isang ospital dahil sa pag-uusap ng nurse at doktor sa tabi niya.

Agad na tiningnan ng doktor ang kagigising lang na si Vhan at pinayuhang magpahinga lang muna ito.

Valentine DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon