Niyakap ni Luna si Vhan na parang ngayon lamang sila nagkita sa loob ng mahabang panahon habang nakalapat na parang nagpapahinga ang kaliwang pisngi nito sa malapad na dibdib ni Vhan.Nagulat sa reaksyon ni Luna si Vhan ngunit nagustuhan naman ang pag-akap nito, nagtaka lang siya kung bakit biglang napa-akap si Luna sa kanya.
Tsaka na ang mga tanong naisip ni Vhan, ninamnam niya nalang ang mga sandaling akap siya ni Luna nang biglang lumabas sa gate ang lahat ng mga kaibigan nila.
Agad napabitaw si Luna sa pagkaka-akap kay Vhan dahil dito.
Kita sa mga mata ni Luna na parang maiiyak na ito, kaya pagkakita ni Vhan dito ay siya naman ang umakap kay Luna para kalmahin ang mga luha nitong patulo na.
Si Vhan lamang ang nakayapos noong una pero ilang sandali pa ang lumipas ay umakap na rin si Luna.
Mahigpit ang akap ni Luna kay Vhan na parang ayaw niya nang mawala ito sa tabi niya.
Walang salita ang dalawa tanging ang mga puso lamang nila ang nag-uusap sa magka-dikit nilang mga katawan, hindi nila pansin ang mga kaibigan nilang nakakakita sa kanila, basta ang mahalaga ay magkasama at dama nila ang isat-isa.
"Tara pasok na tayo uli, baka dagain na tayo sa kakesohan dito" mahinang sabi ni Anton sa mga kasama niya para hindi maistorbo ang dalawa nilang kaibigang magka-akap.
Dahan-dahang bumalik sa loob ang mga ito, naiwan sina Vhan at Luna magka-akap.
Ilang sandali pa ay bumitaw sa pagkakayapos si Luna dahil dito, bumitaw na rin si Vhan at tuluyang naghiwalay ang dalawa.
"I’m sorry Vhan, ang akala ko talaga nagsisinungaling ka" sabi ni Luna habang magkatitig silang dalawa ni Vhan.
"Ok lang, mahirap talagang paniwalaan, kahit ako nga hindi parin makapaniwala sa nangyari" sabi ni Vhan.
Pagpasok naman ng mga magkakaibigan naisip nilang ihanda ang fireworks na para sana sa birthday ni Anton at papaputukin nila ito sa ere para mas maging madamdamin ang pagtatagpo nila Vhan at Luna.
Habang abala ang mga kaibigan nila Vhan at Luna ay patuloy na nag-usap ang dalawa.
"Ang akala ko katulad ka din ni Arman na lagi akong hindi sinisipot at panay gawa lang ng palusot." nag-iba ang tono ni Luna, galit ito dahil naalala ang kanyang nakaraang relasyon.
"Eh bakit ka ba sakin nagagalit?" tanong ni Vhan dahil tumaas ang boses ni Luna at pinutol ang tingin sa kanya.
"Ayaw ko na kasing maramdam na lagi akong pinapa-asa, iniiwan at naghihintay sa wala, kasi..." Nahinto si Luna sa pagsasalita at tumitig uli kay Vhan.
"Kasi?" hindi alam ni Vhan ang tinutukoy ni Luna kaya gusto niyang malaman ang karugtong nito.
"Kasi, I think I’m falling for you" mahinang sagot ni Luna habang nakatingin kay Vhan ngunit sumabay ang pagsabog ng mga fireworks sa ere na hinanda ng mga kaibigan nila at napuno ang langit ng ibat-ibang makukulay na ilaw.
Nagulat si Vhan dahil sa pagputok ng mga fireworks, nabaling ang atensyon niya dito at dahil malakas ang pagsabog ng mga ito ay hindi niya narinig ang sinabi ni Luna.
Unti-unting bumagal ang pagtibok ng puso ni Luna, na kanina ay kala mo nakikipag-unahan sa kanyang mga labi para amining nahuhulog na siya kay Vhan.
Nakatingin na lang si Luna ngayon sa mga mata ni Vhan kung saan ma-aaninag ang mga makukulay na papatok sa langit.
Ilang sandali pa ay natapos ang fireworks display at bumalik uli ang mga tingin ni Vhan kay Luna, naalala nito ang pinaguusapan nila.
"Ano uli yon Luna, bakit ka nagagalit sakin?" habang nagsasalita si Vhan ay sabay dumating ang inorder na lechon para sa birthday ni Anton.
BINABASA MO ANG
Valentine Demon
RomanceAno ang kaya mong gawin para sa pag-ibig? Kaya mo bang ibigay kahit pa ang buhay mo?