"Kath."
"What?"
"Can you please stop walking and confront me?"
Huminto siya at hinarap ito, na siya namang pinaghihinayangan niya. Napakalapit lang pala ng mukha nito sa kanya. Nakikita tuloy niya ng malinaw ang seryoso at napakagwapong mukha nito. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang wala nang ibang ginawa ang puso niya kundi ang magtakbuhan.
Napaatras siya nang humakbang ito patungo sa kanya. Ilang saglit itong nakatingin lang bago sumilay sa mga labi nito ang napakapilyong ngiti.
"Do I affect you, Kath?"
Kinabahan naman siya sa tanong nito.
"What?"
"Talaga bang naaapektuhan ka sa kagwapuhan ko?"
Pinilit niyang tumawa, dahil kung hindi, baka isipin nitong totoo talagang naapektuhan siya, hindi lang sa kagwapuhan nito, pati na rin sa ginagawa nito sa puso niya.
Bakit? Totoo naman talaga, ha, bulong ng isang bahagi ng isip niya. Ipinilig niya ang ulo sa naisip.
"Don't flatter yourself too much, DJ."
Nakangiti lang itong nakatingin sa kanya.
"I'm not flattering myself, Kath. You are."
"Oh yeah?"
"Yeah. If you just stop staring at me like that, maniniwala akong hindi ka talaga naaapektuhan."
Natigagal siya sa sinabi nito. Talaga bang iba ang pagkakakatitig niya dito. Bakit naman?
Dahil obviously, may nararamdaman ka sa kanya. Ipinilig na naman niya ang ulo. Bakit ba ang dami-dami na niyang naiisip na hindi tama ngayon?
"Tingnan mo nga. Natutulala ka na naman diyan."
Tumingin siya sa malayo para hindi mahalata nito ang ibang nararamdaman niya.
"Kath."
"Hmm?"
Itinaas niya ang kanyang mukha para makita ang mukha nito. She could see mixed emotions ran through his eyes. And it captivated her, and her heart. Naramdaman niya ang unti-unting paglapit nito ng mukha sa mukha niya. Hahalikan ba siya nito?
Yes. Parang awtomatikong sagot ng isip niya. Papayag ba siya?
Yes. Walang alinlangang sagot niya.
Kung ganoon, pumikit ka nalang at namnamin ang pagkakataong ito. Napasang-ayon siya sa naisip. Because for the first time of her life, she knew she would never love anyone more than she love this man holding her in his arms, making her feel loved and special.
Napapikit siya nang maramdaman na niya ang unti-unting paglapat ng labi nito sa labi niya. How she have been dreaming of this moment. To be kissed by the person whom she truly loves.
BINABASA MO ANG
When I Fall In Love
FanfictionPara makamit ni Kathryn ang lalaking matagal na niyang inaasam, nakipagsabwatan siya kay Daniel, and matagal na niyang matalik na kaibigan na inagawan ng girlfriend ni Enrique, ang prince charming niya. Kailangan nilang magpanggap na may relasyong n...