Chapter 12

1.5K 37 9
                                    

Dumating si Kath sa bahay ni Enrique kasama si Miles. Sabado nang gabing iyon at imbitado sila sa birthday party ni Enriique. Hindi naman daw formal ang party pero talagang may handaan. Kaya ay isang semi-formal cocktail dress lang ang isinuot niya.

"Kath, nakita mo na ba si Daniel?" biglang tanong ni Miles.

"Ano?"

"Nakita mo ba sino ang kasama niya? Tingnan mo oh," sabi ni Miles habang ininguso ang mga labi sa isang direksyon. At nakita nga niya si Daniel na kasama si Julia sa isang table. Kasama din nito ang basketball team ng school. Mukhang nagkatuwaan ang mga ito kasi panay na ang tawanan at harutan. Nandoon din si Enrique at nakipagkuwentuhan nang lumingon ito sa gawi nila.

"Hi Kath! Hi Miles! Kanina ko pa kayo hinihintay. Akala ko hindi na kayo darating," anito nang nakalapit na ito sa kanila.

"Ano ka ba? Pwede ba namang hindi?" sagot niya dito. Inabot niya dito ang isang gift bag na ang laman ay ang regalo nila Miles dito.

"Ano ito?"

"Hindi ba obvious? Gift iyan," sagot naman ni Miles.

"Ha-ha. Nakakatawa ka, Miles. Pero ano ba talaga ito?"

Siya na ang sumagot. "Cookies iyan. Pinaghirapan namin iyan ni Miles. Kaya ubusin mo ha?"

Ngumiti ito. "Wow. Effort ha. Pero makakain ba ito? Baka naman malason ako nito ha?"

"Nang-alaska ka pa, eh 'no? Huwag mo nalang kayang tanggapin," nasabi ni Miles.

Tumawa lang si Enrique. "Eto naman, hindi mabiro. Oh, halina kayo. Kumain na kayo. Doon tayo sa table."

Iginiya sila nito sa table kung nasaan sila Daniel at Julia. Kinakabahan siya kasi mahigit-apat na araw na hindi nagparamdam si Daniel sa kanya.

Nang nakalapit na sila sa table ay hindi niya maiwasang sumulyap kay Daniel. At napatunayan niyang na-miss nga niya ang binata. Parang gusto niyang sugurin ito ng yakap at halik niya.

Echos. Okay na iyong yakap, eh. Dapat may halik pa talaga? Napangiti siya sa naisip.

"Anong ningingiti-ngiti mo diyan girl? Nakita mo lang si Daniel, nawawala ka na sa sarili mo," bulong ni Miles sa kanya.

"Matagal na akong nawawala sa sarili ko. Pati puso ko nawala na din. Na kay Daniel na," hirit niya naman na siyang dahilan upang tumawa si Miles nang malakas. Napahinto sa kuwentuhan at napatingin tuloy sa kanila sila Daniel, Julia at iba pang mga kasamahan sa table.

"Parang funny iyong joke ni Kath ha? Share mo naman, Kath!" biglang sabad ni Neil.

"Hoy Neil, amin na iyon. Walang epal, pwede?" sagot naman ni Miles. Natawa naman silang lahat.

"Here, take a seat," giya ni Enrique sa kanila.

Ang dalawang vacant seat ay iyong seat katabi kay Daniel at sa harap sa seat na vacant. Uupo sana siya sa seat na hindi iyong tabi ni Daniel pero naunahan siya ni Miles. Kaya ay wala na siyang ibang choice kundi umupo sa tabi ni Daniel. Ayaw naman niyang ipahalata na uneasy siyang katabi si Daniel.

"Kukuha muna ako ng food ninyo ni Miles. May gusto kayo?" tanong ni Enrique.

"Nothing for me, thanks," sagot ni Miles.

"Ahm, tubig nalang. Salamat," sagot naman niya kay Enrique.

Umalis na si Enrique para kumuha ng food.

"Daniel, punta lang ako ng powder room," narinig niyang paalam ni Julia kay Daniel. Nakita niyang tumango lang si Daniel saka ay tumayo at umalis si Julia. Ang mga ka-teammates naman ni Daniel ay umalis dahil kukuha daw ng karagdagang pagkain. Si Kath, Daniel at Miles nalang ang naiwan.

"Ay teka, may kukunin pala ako sa sasakyan. Maiwan ko muna kayo," pahayag ni Miles. Pinanlakihan niya ito ng mata. Paano ba naman? Nag-taxi lang sila Miles papunta doon at walang sasakyan na mapupuntahan si Miles. Kumindat lang ito bago tuluyang umails. Ang lagay ay sila nalang ni Daniel ang naiwan.

Halata ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa.

Tumikhim ito bigla. "Kamusta ka na?"

Napatingin siya dito. Hindi ito tumitingin sa kanya kaya akala niya iba ang kinakausap nito.

"Ikaw ang kinakausap ko, Kath."

Napatingin uli siya dito. Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.

"Bahala ka sa buhay mo. Kausapin mo ang sarili mo."

"Ba't ba ang sungit mo?" tanong nito.

"Talaga bang ako ang kinakausap mo? Ba't hindi ka makatingin?"

Sa wakas ay tumingin na rin ito sa kanya. Dahil doon, nagkatitigan sila ni Daniel. Hindi niya magawang iwasan ang titig dito. Kung makakatunaw ang titig, sigurado siyang tunaw na tunaw na siya ngayon. Wagas kung makatitig si Daniel. Tuloy, gusto niya itong yakapin at halikan. Sabihin dito na miss na miss na niya ito. Sasabihing mahal na mahal niya ito.

"DJ..."

"Hmm?"

__________

Talagang iniiwasan ni Daniel tumingin kay Kathryn. Natatakot kasi siyang hindi siya makakapagpigil at mayakap niya ito. Worse, baka mahalikan pa nga niya. Nangungulila na siya sa piling nito. Gustong-gusto niya itong puntahan at ipagtapat na ang lahat pero alam niyang masaya na ito sa piling ni Enrique. Nakikita niyang masaya na si Kathryn at iyon ang pinakamahalaga sa kanya. Gusto niyang maging masaya ito.

Pero hindi pa rin niya napigilan ang sarili. Napatingin pa rin siya dito. Napatitig pa nga. Hindi talaga niya mapipigilan ang nararamdaman niya.

"DJ..."

"Hmm?"

Naramdaman niyang pumapalapit na ang mukha niya sa mukha nito. Hindi niya alam kung anong force ang nagtulak sa kanya para gawin iyon.

"Ahem." Narinig niya bigla ang pagtikhim ng kung sinong impakto.

Napatingin siya sa istorbo. Si Enrique pala. Napatingin siya kay Kathryn at nakita niya ang pamumula ng pisngi nito. Na-miss na rin niya ang makita itong nag-blush.

Nababaliw na ako sa iyo, Kathryn!

"Ah, Kath, narito na ang food ninyo ni Miles. Nasaan na pala ang babaeng iyon?"

"Ahm, ano. Umalis siya. Ahm, sige Quen ha, salamat sa food."

"Sure," anito at umupo sa tabi ni Kath. Sakto namang dumating si Julia at naupo sa tabi niya. Hindi naman talaga sila magkasama ni Julia sa party. It just so happened na sabay silang dumating kaya ay sumama nalang ito sa kanya.

Kahit papaano naman ay naging okay lang sila ni Julia. Naiintindihan nito ang sinabi niya dito. Alam niyang nasaktan niya ito sa kanyang desisyon. Wala naman siyang magagawa dahil ayaw niyang masaktan pa niya ito.

"Ahm, Quen, pwede mo ba akong samahan?" biglang sabi ni Kathryn na ikinalingon niya.

"Sure, halika na," sagot naman ni Enrique.

Hindi siya mapalagay na hangga't sa papalayong bulto ni Kathryn at Enrique ay sinusundan niya pa rin ito ng tingin.

"Bakit kasi hindi mo nalang sabihin kay Kathryn ang totoo Daniel?" narinig niyang sabi ni Julia.

"Masaya na siya, Julia. Ayoko na siyang guluhin."

"Masaya ba iyon? Hindi ko talaga alam kung bakit ang manhid-manhid ng mga taong in love."

"Ano?"

"Ah, wala. Sige. Maiwan na kita dito. Kuha muna ako ng drinks."

Tumango lang siya at lumayo na ito. Naiwan nalang siya sa table na mag-isa. Naisip niya si Kath at si Enrique.

Ano na kaya ang ginagawa ng dalawang iyon? Ayaw man niyang mag-isip nang masama pero hindi pa rin siya mapakali. Baka kung ano na ang ginawa ni Enrique kay Kath. Alam pa naman niya ang kamandag non. Walang pinapalampas. Baka gaguhin non si Kathryn. Hinding-hindi siya makakapayag.

Alam niyang mali ang gagawin niya pero hindi pa rin niya naiwasang sundan si Enrique at si Kathryn. Hindi niya alam kung nagpapakatanga lang ba siya or talagang gusto niyang masaktan. Basta't malaman lang niya kung ano na ang ginagawa ng mga ito, wala na siyang pakialam kung masasaktan siya. Basta makita lang niya si Kathryn, okay na ang lahat.

When I Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon