Nang natapos ang klase ni Kath ay dumiretso na siya sa canteen. Nagugutom na kasi siya. Tinext nalang niya si Daniel na doon nalang sila magkita. Nag-reply naman itong susunod nalang ito sa kanya at may nilakad pa itong importante.
Nag-order na rin si Kath ng pagkain. Hindi na niya kayang hintayin pa si Daniel dahil gutom na gutom na talaga siya. Nakaupo na siya sa mesang napili niya at kinakain ang inorder niyang food. Natapos na niya ang pagkain niya ay hindi pa rin dumadating si Daniel. Naiinip na tuloy siya.
"Nasaan na ba ang taong iyon?" Napaisip siya. "Naku, siya ang pahatid-hatid sa akin tapos iiwanan naman pala ako. Nakakainis!"
Paalis na sana siya nang biglang humarang si Julia sa tapat niya. Sigurado siyang away na naman ang hanap nito. Imbis na patulan ito ay pinilit nalang niyang iwasan ito. Pero humarang pa rin ito sa dinaraanan niya.
"May kailangan ka ba sa akin, Julia?" tanong niya dito.
Bigla itong tumingin sa kanya at nagmakaawa. "Kathryn, pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang?"
Nanibago tuloy siya sa inasal nito. Para kasing ang desperada na nito at nagmakaawa pa sa kanya.
Kahit na wala siyang balak ay napa-oo naman ito. Mukhang ito na ang panahon ng kanilang pagtutuos.
__________
Nakatanaw lang si Kath sa tubig sa pool habang nasa tabi lang niya si Julia. May distansya sa pagitan nila at tahimik sila pareho, pero hindi niya naramdaman ang pagkailang. Masaya naman siya't kahit sa pagkakataong iyon ay nagkasundo sila't hindi nag-aaway.
"Kathryn," biglang tawag ni Julia.
"Bakit?" tanong niya dito.
Humugot naman ng malalim na hininga si Julia na para bang ang hirap-hirap ng sasabihin nito.
"Sabihin mo na sa akin. Makikinig ako," nasabi nalang niya dito. Para kasing hindi ito mapakali.
Laking gulat nalang niya nang bigla itong umiyak.
"Kath, mahal na mahal ko siya."
Napatingin lang siya dito. Hindi niya sukat-akalaing iiyak si Julia sa harapan niya.
"Kath, please. Mahal na mahal ko si Daniel. Tulungan mo ako. Tulungan mo akong maibalik siya sa akin. Please? Ngayon lang ako nagmamakaawa sa iyo. Pinsan mo naman ako, di ba? Kath, please?"
Napatulala siya. Patuloy lang ito sa pag-iyak. Hindi nga niya ma-comfort. Paano ba kasi? Busy siya sa pagko-comfort ng sarili niyang puso.
"Kath?"
"Paano na si Enrique?"
"Nakipaghiwalay na ako sa kanya, Kath. Na-realize kong si Daniel pa rin ang mahal ko. Na siya lang ang mahal ko at wala nang iba. Oo na, tanga na kung tanga. Ako na ang may kasalanan ng lahat. Pero pinagsisisihan ko naman lahat, eh. Kaya ngayon, gusto kong bumawi."
Eh, paano na ako? Natahimik lang siya.
"Kath, please?"
"A-Ano ba ang dapat kong gawin?"
"Iparaya mo nalang si Daniel sa akin, Kathryn."
Ano daw?
"Pakawalan mo na siya. Ibalik mo na siya sa akin."
Tuluyan nang bumagsak ang luhang hindi niya namalayang namuo na pala sa kanyang mga mata.
__________
Nakaalis na si Julia pero heto at nakatulala pa rin si Kath sa may bleachers ng pool.
"Hoy Kath! Ang lalim na yat ng iniisip natin, ah?" biglang sulpot ni Miles.
BINABASA MO ANG
When I Fall In Love
أدب الهواةPara makamit ni Kathryn ang lalaking matagal na niyang inaasam, nakipagsabwatan siya kay Daniel, and matagal na niyang matalik na kaibigan na inagawan ng girlfriend ni Enrique, ang prince charming niya. Kailangan nilang magpanggap na may relasyong n...