Hindi alam ni Kath kung paano niya naimulat ang kanyang mga matang mugto pa sa nakaraang gabi. Dalawang araw na siyang hindi nakatulog nang maayos. Iniisip niya pa rin si Daniel at ang pinag-usapan nila noong nakaraang Sabado. Tuwing napapaisip siya sa sakit sa puso na naranasan niya ay napapaiyak siya. Mas masakit pala kung totoo mong mahal ang isang tao. Iba nga talaga ang nararamdaman niya para kay Enrique. Mere infatuation lang at paghanga. Hindi talaga matatawag na pagmamahal. Kay Daniel lang niya naranasan ang pagmamahal. Ngayon pa lang niya natuklasan iyon. Naging tagapaghanga lang siya kay Enrique. Humahanga siya sa kakayahan nito. Parang ito na kasi ang epitome ng perfect prince charming. Pero sabi nga ng iba, "Nobody is perfect", kaya'y bakit naghahanap siya ng perfect prince charming? Si Daniel, hindi siya isang perfect prince charming, pero para sa kanya, siya ang the right prince charming. Hindi niya alam kung bakit naiisip niya ang lahat ng ito. Dala marahil sa matinding kabiguang naranasan niya.
"Kath, hindi ka ba papasok sa school?" narinig niyang tawag ng mama niya sa labas ng kanyang kwarto. Lunes nang araw na iyon at wala talaga siya sa mood pumasok.
"Wala po akong klase, Ma!"
"Ganoon ba? O siya. Saka nga pala, may bisita ka. Sasabihin ko bang lalabas ka na? Or sasabihin kong may sakit ka?"
"Sabihin mong may sakit ako," sigaw niya.
"O, Daniel, may sakit daw siya." Narinig niyang sabi ng mama niya.
Kinabahan siya bigla. Si Daniel? Ano naman ang gagawin niya dito?
Dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto at nakitang nakasandal na si Daniel sa may tapat ng kanyang pintuan. Wala na ang mama niya.
Napatingin siya kay Daniel. "Anong ginagawa mo dito?"
Kumunot ang noo nitong nakatingin sa kanya. "Napaka-grouchy mo pala sa umaga."
Hindi lang siya kumibo. Akmang isasara niya ang pinto nang pinigilan siya nito.
"Ano ba kasi, DJ? Wala ako sa mood, okay?"
"Ba't hindi ka papasok ng school ngayon? Sa pagkakaalam ko, may pasok ka ngayon. Ba't ka nagsinungaling sa mama mo?" tanong nitong hinaharang pa rin ang sarili sa pintuan.
"Pakialam mo?"
"Isusumbong kita sa mama mo."
"Go ahead. Sinong tinakot mo?"
Hindi lang ito umimik. Bagkus, nakatingin lang ito sa kanya. Kung hindi siya umiwas ng tingin, baka natunaw na siya.
"Umiyak ka ba, Kath?" malumanay na tanong nito.
"Ha? Ah, h-hindi no!"
Biglang hinaplos nito ang namamaga niyang mga mata. "Namamaga ang mga mata mo. Umiyak ka nga."
"Ha? Wala to. Sore eyes."
"Ang dalawa? Hindi ako naniniwala."
"Eh di huwag. Problema ko ba iyon?"
"Kath, magseryoso ka nga."
Hindi lang siya sumagot.
"Umiyak ka ba?"
Hindi pa rin siya sumagot.
"Ako ba ang dahilan?"
"Huwag kang masyadong pa-importante, DJ."
Nagbuga ito ng hangin. "Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa iyo. Hindi ko alam kung anong nasa isip mo o anong gusto mong gawin ko. Kaya please, Kath, enlighten me. Nahihirapan na kasi ako. Nababaliw na ako sa iyo."

BINABASA MO ANG
When I Fall In Love
FanfictionPara makamit ni Kathryn ang lalaking matagal na niyang inaasam, nakipagsabwatan siya kay Daniel, and matagal na niyang matalik na kaibigan na inagawan ng girlfriend ni Enrique, ang prince charming niya. Kailangan nilang magpanggap na may relasyong n...