Chapter 5

2.1K 49 15
                                    

Nasa labas ng gymnasium si Daniel at akmang papasok na sa loob nang makita niya si Kathryn. Namangha siya sa nakita niyang anyo nito. Nakasuot ito ng blouse na sexy ang cut sa neckline at skirt na above the knees. Malayo kasi ang anyo nito na palagi lang nakasuot ng t-shirt at jeans. Naka-high-heels pa nga ito ngayon sa halip na rubber shoes na palagi nitong sinusuot. Naglagay pa ito ng kolorete sa mukha kaya'y nagmukha itong parang isang modelo. Napakaganda nito, pero hindi niya ipagkakailang maganda naman talaga ito kahit noon pang hindi pa ito nag-ayos.

"Kath?"

"Hi, DJ! Ano? Maganda ba?" anito sa kanya habang nakaakbay sa kanya. Kahit na nagmukha na itong tunay na babae, asal cowboy pa rin ito.

"Para saan ba iyan?" aniya na ang itinutukoy ay ang pagbabalat-kayo nito.

"Ah. Ito? Wala. Gusto ko lang magbago."

Tinaasan niya ito ng kilay dahil kilalang-kilala niya si Kath. Wala sa ugali nito ang ganoon kadali magbago. Kung magbabago man ito, unti-unti ang paggawa sa pagbabago na iyon para makasanayan nito. Hindi kasi ito adaptive to changes. Tiningnan niya ito sa paraang alam niya para masabi nito ang totoo. Nagawa na niya iyon noon kaya't alam niyang eepekto iyon.

"Okay, fine," suko nito. "Gusto kong ipakita kay Enrique kung ano ang mawawala sa kanya dahil mas pinili niya ang Julia na iyon kaysa sa akin."

Parang nalaglag sa napakailalim na bangil ang puso niya sa narinig. Hindi niya ipagkakailang nagseselos siya kay Enrique. Hindi nga lang niya mahanap ang dahilan kung bakit. Baka dahil napaka-overprotective niya kay Kath, at ayaw niya itong masaktan. Alam niyang masasaktan lang ito sa piling ni Enrique at ayaw niyang mangyari iyon.

"Magbihis ka. At burahin na iyang make-up sa mukha mo." Ayaw niyang makita ni Enrique si Kath sa ganyang ayos. Baka matukso pa ito't mahulog ang loob dito. Iyon ang hindi niya mapapayagan.

Kasi nagseselos ka nga at ayaw mong maagaw niya si Kath sa iyo. Ipinilig niya ang ulo sa naisip. Dapat niyang i-control ang nararamdaman niya. Baka hindi niya magustuhan ang kahantungan nito.

"Ano?" Nakakunot-noong tanong nito.

"Sabi ko, magbihis ka. Tingnan mo nga ang ayos mo. Napakasagwa tingnan. Ibinebenta mo ba ang sarili mo sa mga lalaki?"

"Excuse me! Hindi ako masagwa tingnan. Mas tama siguro kung sabihin mong beautiful and sexy."

Tiningnan niya ito. Yeah, mas tama nga ang term na beautiful and sexy, naisip niya. Sa ginawa nito, hindi na siya magtataka kung sakaling maraming lalake ang magkakandarapa dito. Pero kahit na hindi ito magpaganda, talagang maganda naman ito. Napakaamo ng hugis-puso nitong mukha. And her eyes, talagang nakakabighani, is surrounded with long curly lashes. Kapag ngumingiti ito, lumalabas ang mga maliliit at magagandang dimples sa magkabilang pisngi nito. Who can't resist that smile? And her lips, kung tama ngang sabihing luscious, ay mapula-pula at pouty. Kahit hindi masyadong mataas ang ilong nito, bumagay naman iyon sa mukha nito. She's just simply breathtaking, hindi dahil sa kolorete sa mukha nito, pero dahil sa natural talaga nitong kagandahan.

"O, tingnan mo nga. Ikaw na nga iyang natutulala sa akin, eh," nakangising sabi nito.

Tumikhim siya. "Magbihis ka. Masagwa talaga."

Inirapan siya nito. "Alam mo, masagwa lang akong tingnan kung kasagwaan naman ang iniisip ng tumitingin."

Tumingin lang siya dito at saka umiwas na ng tingin. Ayaw niyang makita nito ang pamumula ng mukha niya. Umalis na ito at nagtungo sa gym. Sinundan nalang niya ito ng tingin.

Napabuntong-hininga siya. Bakit ba kasi ang tigas-tigas talaga ng ulo nito? Gusto niya itong habulin at hilahin palabas ng gym para wala nang makakita pa dito. Ayaw niyang pinipiyestahan ito ng tingin ng mga ka-teammates niya. Higit sa lahat, ayaw niyang makita ito ni Enrique. Matalas pa naman iyon sa mga magaganda. At alam niyang isang tingin lang nito kay Kath, aalingawngaw na ang pagka-maniac nito.

When I Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon