Nagising si Kath sa tunog ng kanyang alarm clock. Kahit na Sabado nang araw na iyon, kailangan pa rin niyang pumunta ng school. May aasikasuhin kasi siyang project at sa susunod na linggo na ito ipapasa. Kahit na alam niyang puyat siya kagabi dahil sa pagbabasa ng mga romance novels, pinilit pa rin niyang bumangon.
Dumiretso na siya sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay nagsuot na siya ng t-shirt at jeans dahil Sabado naman at walang pasok sa katulad niyang third year college. Dali-dali niyang sinuklay at itinali ang basa't mahaba niyang buhok, pagkatapos ay nag-baby powder at lip balm.
"Kath, mag-almusal ka muna," sabi ng mama niya nang pumanaog na siya mula sa kanyang kwarto. Nakita niyang nakahanda na ang almusal. Natutukso siyang kumain dahil nagi-guilty siya kapag hindi niya kinakain ang pagkaing naihanda ng kanyang mama. Ngayon lang kasi ito nagkaroon ng pagkakataon na paghandaan siya ng almusal nito ulit. Mukhang na-miss nito ang pag-aalaga sa kanya. Nag-abroad kasi ito para ma-manage ang business nila sa labas ng bansa. Dalawang taon itong nanatili doon pero ngayon ay ang business na nila sa Pilipinas ang pinagtutuunan nito ng pansin. Kaya naman nandito na ang mama niya sa Pilipinas at mina-manage ang business nilang chain of restaurants at coffee shops.
Pero hindi siya pwedeng mahuli. May kailangan pa siyang abutan sa school.
"Ah, huwag na Ma. Kailangan ko na pong lumakad, eh. Marami pa akong tatapusin. Sa school nalang po ako kakain," pagsisinungaling niya. Natali na niya ang sintas ng kanyang sapatos at akmang aalis nang tawagin siya ng kanyang mama.
"O, heto," anito sabay abot sa kanya ng mansanas. "Para naman may laman iyang tiyan mo habang papunta ka ng eskwelahan. At para naman may energy ka mamaya pagharap mo sa sinta mo."
"Ma!"
"Oo na. Wala akong sinabi. Sige na. Baka hindi mo na siya maabutan. Go!"
Napatawa nalang siya. Itong mama niya talaga. Hindi na nagbago. Palagi nalang siyang tinutukso tungkol sa kanyang love life.
"Sige Ma, mauna na po ako."
Lumabas na siya ng bahay at naglakad palabas ng subdivision para mag-abang ng sasakyan. Hindi naman mahirap ang biyahe papuntang eskwela. Isang jeep lang ang kailangan niyang sakyan para makarating doon. Aabot lang ng kalahating oras ang biyahe, pwera nalang kung ma-traffic.
Tiningnan niya ang kanyang relo. Wala pang alas-otso. Makakaabot pa siya. Pumara agad siya ng jeep at sumakay. Pagdating niya sa paaralan ay nagtungo agad siya sa gym. Nandoon kasi nag-eensayo ang basketball team para sa basketball tournament nila na gaganapin sa susunod na linggo.
Nakita niya si Enrique na nakaupo sa bleachers at umiinom ng isang jug ng tubig. Pumuwesto siya sa tapat ni Enrique at umupo sa bleachers doon. Malaya niyang pinagmamasdan and binata sa kalayuan.
Hay! Enrique Mari. Ang gwapo mo talaga, sinta ko. Ang la-laki ng mga muscles at ang abs, naku, ulam na. Nakakagigil. Hindi talaga siya nagkamali sa pagkakagusto niya dito. Lahat kasi ng gusto niya sa isang lalaki, katangian nito. Gwapo ito, matangkad, maputi, tisoy, matalino, talented, at mabait. Ito ang captain ng basketball team nila, ito rin ang president ng student council nila ngayon. Natagurian din itong one of the most outstanding young men sa Pilipinas. Wala na siyang mahihiling pa dito. Ito na ang perfect epitome ng isang prince charming. Marami talagang babaeng pinagpapantasyahan at nagkakandarapa dito. At isa na siya doon.
"Hoy!"
“Ay, kabayo!”
Nilingon niya ang taong gumulat sa kanya at umistorbo sa pagnanasa niya nang lihim sa kanyang sinta.
"Ano ba, DJ! Kita mo naman na busy ako," saway niya dito.
Si Daniel John a.k.a. DJ ay ang matalik na kaibigan ni Enrique na kasali din sa basketball team. Ito din ang may pakana ng lahat ng pagkakagusto niya kay Enrique. Matagal na rin niyang kaibigan ito dahil naging kaklase niya ito sa isang klase niya noong first year college palang siya. Naging seatmate niya ito kaya ay naging close na sila. Doon nila natagpuang they have so many things in common. Gaya na lamang sa pagkahilig nila sa musika. At gaya din ng pagkatira nila sa iisang subdivision lang. Magkatapat lang pala sila ng bahay kaya araw-araw na rin silang magkasamang pumunta ng school at umuwi ng bahay. Isang taon itong lamang sa kanya, pero nga, nabagsak ito sa subject na iyon kaya umulit. Ka-batch lang nito si Enrique. Kaya naman, sa malayo lang niya napagmamasdan at napapantasyahan ang prince charming niya. Hindi naman talaga kasi sila nag-uusap dahil wala namang dahilan upang mag-usap sila. Nagkakilala lang naman sila nang dahil nga kay DJ.

BINABASA MO ANG
When I Fall In Love
FanfictionPara makamit ni Kathryn ang lalaking matagal na niyang inaasam, nakipagsabwatan siya kay Daniel, and matagal na niyang matalik na kaibigan na inagawan ng girlfriend ni Enrique, ang prince charming niya. Kailangan nilang magpanggap na may relasyong n...