Chapter 7

1.9K 42 6
                                    

 Nakaharap si Kath sa salamin nang mga sandaling iyon. Alam niyang maganda siya dahil lahat naman ng tao ay biniyayaan ng Panginoon ng kagandahan. Hindi lang niya lubos-maisip na talagang natural siyang maganda. Nakalugay ang mahaba’t tuwid niyang buhok, na ngayon ay pinakulot niya ang nasa ibabang bahagi. Light make-up lang ang inilagay niya sa kanyang mukha para magkaroon naman ng kaunting kulay ang kanyang mukha. Nakasuot din siya ng simpleng beige strapless flowing dress na hindi lumagpas sa tuhod ang haba. Naka-strappy wedge lang din siya na hiniram pa niya sa mama niya dahil wala naman talaga siyang mga high-heeled sandals. Napatingin lang siya sa kabuuan niya at napamangha sa kanyang nakita. Hindi talaga niya akalaing pwede pala talagang mas maging maganda ka kapag nag-ayos lang.

Biglang may kumatok sa pinto ng silid niya. Bumukas ito at bumungad ang mama niya.

“Anak, narito na si Daniel,” sabi nito sa kanya.

“Ganoon po ba?” Lumabas na siya sa kwarto kasama ang mama niya.

Nadatnan niya si Daniel na nakaupo sa sofa ng living room nila. Napakagwapo nito sa suot na black polo na itinupi nito hanggang sa siko, straight-cut na skinny jeans, at Vans shoes nito. Kasalukuyan itong tumitingin sa mga magazines na nakapatong sa center table nila. Tila engrossed na engrossed ito sa pagbabasa kaya hindi nito namalayan ang presensiya niya.

Tumikhim siya kaya’y umangat ito ng tingin. Sumilay sa labi nito ang ngiting makakapag-tindig ng mga balahibo mo sa katawan.

Tumayo ito mula sa kinauupuan. “Wow, Kathryn Chandria, ikaw ba iyan?”

Ngumiti siya dito. “Oo, siyempre. Ang ganda ko ‘no?”

“Oo. Nagmukha kang tao – Aw!” Sinapak niya ito sa braso. Tumawa lang ito habang hinimas-himas pa nito ang brasong sinapak niya.

“Halika na nga,” sabi niya dito, pagkatapos ay bumaling sa mama niya. “Ma, alis na kami.”

Tumango lang ang mama niya at nakita niya ang kasiyahan sa mukha nito. Parang natutuwa ito sa kanila ni Daniel. Parang alam na niya kung ano ang nasa isip ng mama niya.

Sa wakas, umiibig na rin ang isang Kathryn Chandria, isip-isip niya.

 __________

Hindi maiwasan ni Daniel ang sumulyap-sulyap sa napakagandang babaeng nakaupo sa passenger seat ng kotse niya.

“Anong tinitingin-tingin mo diyan?” biglang tanong nito. Nahalata pala nito ang pasulyap-sulyap niya dito.

“H-ha? Wala.” Ano ba iyan? Nau-utal pa.

“Pasensiya ka na pala sa ayos ko. Alam kong hindi naman ako ang mga tipo na niyayaya mong lumabas.”

Natawa siya sa sinabi nito. “Ano ka ba? Ang ganda-ganda mo nga. Kaya nga hindi ako mapakali dito at parang gusto ko lang tingnan ka magdamag.”

Tumahimik lang ito. Kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi nito. Obvious rin na bigla itong nailang sa sinabi niya.

Oh no, that was not good. Tumahimik ka kasi Daniel, saway niya sa sarili.

“Ahm, saan pala tayo pupunta?” tanong nito. Halatang nailang ito kaya ay nagbago ng paksa.

Tiningnan niya ito at muli namang namangha sa ganda nito. Ano ba, Daniel? Umayos ka, sita niya sa sarili.

“Secret. Sa akin nalang iyon,” ngiting sagot niya dito.

“Hindi ba dapat na doon tayo sa kung saan maraming makakakita sa atin at para masumbong kina Julia at Enrique?”

“Kung gagawin natin iyon, magmumukha tayong obvious. Para na ding inamin natin na kaya lumalabas tayong dalawa ay para pagselosin sila.”

“Oh. Oo nga, ano? Hindi ko naisip iyon. Ang talino mo talaga, bata ka,” sabay hampas pa nito sa braso niya. Bigla siyang nakaramdam ng hindi niya maipaliwanag na init na dumaloy sa katawan niya.

When I Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon