❄
❄
❄
Chapter 4**Jane POV**
Tama ba ang narinig ko? Reid?
Tika nga!!! si Reid yan? wee? di nga?
Ang pangit kaya ng Reid na kababata ko. Matangkad tapos mukhang eskeleton sa kapayatan. Madami siyang pimples sa mukha at nakasalamin siya ng malaki na parang pang matanda. Ganun siya kapangit!!!
.
.
.
Napaangat ang mukha ko at nag-slowmotion pa ang paglabas ni Reid sa may kitchen.Ngayon ko lang masyadong nakita ang mukha niya dahil maliwanag.
Hindi lang siya gwapo!! subrang gwapo kaya hindi siya ang Reid na kababata ko!!!😘😅😂
Unti-unti siyang ngumite.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Lahat ng kaba at takot ko kanina parang biglang naglaho."Jane? "
"Ate? ok ka lang ba? or in shock ka parin sa mga aswang na yun?" pukaw ni Sel sakin.
"Ha??? a...ee....."
Umayos ako.
"Totoo bang ikaw si Reid?" seryosong tanong ko.
"Oo Jane! and Im so happy to see you again." siya.
Ang nararamdaman kung tuwa at saya kanina ay biglang naglaho ng maalala ko si tatay. Siya ang may gustong iwan namin si tatay noon sa gubat kung saan inataki kami ng mga halimaw.
Bumalik nanaman ang galit ko sa kanya.
Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya at walang pasabing umalis patungong kwarto.
Umiyak ako ng umiyak.
.
.
.
.
.
Lhurdy POV:
❄
❄
Natutulog na kami lahat nang biglang may dumagundong sa bubong ng bahay.Parang may malaking hayop na bumagsak sa lakas ng tunog. At palakas ng palakas ang mga ingay na naririnig ko.
"Bumangon kayong lahat at manalangin tayo!" gising lahat samin ni nanay Ella.
Takot na takot kami at halos manginig na. Katapusan na ba namin to? Kung alam ko lang na ganito ang lugar nina Jane, hindi nalang sana ako sumama. Pero di ko naman makikilala ang kapatid niya. Pabayaan na nga! nandito na to eh! at least nandito ang babaing para sakin.
.
.
.
**Jane POV**
.
.
Natakot ako sa lakas ng tunog na iyon sa bubong namin. Para bang unti-unting tinatanggal ng kung anong nilalang ang bubong namin.Hanggang sa palakas ng palakas. Sumilip ako sa maliit butas ng bintana ng kwarto ko. Meron itong mga rehas na si Tatay pa ang nagpagawa.
Nanlaki ang mga mata ko sa nasilip sa labas. Marami ang mga aswang na umaaligid sa buong paligid. Kitang-kita ko rin kong paano pasukin ng mga ito ang mga bahay na pawid lang ang dingding.
Lalo pang nanlaki ang mata ko nang makita ang isang sanggol na dinukot mula sa maliit na bahay na gawa sa kawayan at pawid. Pagkakuha sa sanggol ay napapikit ako sa sunod na ginawa ng nilalang na iyon. Walang awa niyang kinain ang ulo ng sanggol kasunod nito ang katawan.
Napaiyak nalamang ako. Kaawa-awa ang mga kabaranggay na nabibiktima nila.
Bigla akong nahilo at nawalan ng ulirat.
.
.
.
**Reid POV:**
.
.
Si Jane agad ang pumasok sa utak ko matapos kong marinig ang ingay sa bubong at sa labas.Dali-dali akong pumunta sa kwarto niya. Katok ako ng katok pero walang sumasagot.
Kinuha ko kay Aling Ella ang susi ng kwarto niya at binuksan iyon. Nakita kong walang malay si Jane.
Ilang sandali pa ay wala na kaming narinig na ingay sa bubong.
"Wala na sila, nag-alisan na!" wika ni Aling Ella.
Nagsipasukan silang lahat sa kwarto.
."Anong nangyayari kay Jane?" tanong ng lalaking maangas na to. Sino nga ba yun? Hinder?Agad siyang lumapit samin at walang pasabing kinuha niya si Jane mula sakin. Kapal talaga nito. Kita na ngang ako ang bubuhat sana kay Jane mula sa sahig.
Tiningnan ko siya ng matalim. Nagtitigan kami. Matapang din ang isang to ha!
"Oy guys!! is there something wrong with the two of you? para na kayong magpapatayan ng tingin diyan. Buti pa ibaba niyo na si Jane sa kama at ng mapaypayan! baka ano pang mangyari sa kanya." lintaya ng isa sa mga kaibigan ni Jane na Berna ang pangalan.
Agad namang nilapag ng asungot na to si Jane sa kama.
"Magpahinga na kayo. Ako na ang bahala dito kay Jane. Dahil sa pagod lang yan kaya nagcolaps." ani Aling Ella.
"Dito na lang po ako matutulog nay sa kwarto ni Ate." sabi ni Sel.
"Oh sige. Dito na tayong tatlo. Ikaw naman Reid wag ka ng umuwi. Doon ka sa binigay kong kwarto kina Hinder at Lhurdy."
"Wag na ho Nay Ella. Sa sala na lang ho ako matutulog. Maraming salamat po. Magbabantay lang po ako baka bumalik ang mga aswang."
"Ok sige kung yan ang gusto mo."
Sinulyapan ko muna ang wala paring malay na si Jane. Aaminin ko, ang ganda niya ngayong dalaga. Hindi ko akalaing ganyan ang kalalabasan niya pagkadalaga. Mukha kasi itong lalaki manamit noon at laging maiksi ang buhok. Tapos medyo maitim pa. Ang laki talaga ng ipinagbago niya.
"Uy kuya Reid! baka matunaw ng hindi nagkakamalay niyan si ate." sabi ni Sel.
Ngumite lang ako at umalis na sa kwarto.
.
.
.
.
.
#2becon......
BINABASA MO ANG
Mga Nilalang sa Probinsya(COMPLETED)
HorrorHindi lang mga aswang kundi pati mga engkanto ang kanilang makakasagupa. .. #1 in ASWANG #1 in Engkanto (08/16/18) #1dilim (08/16/18) #1dreamersaward2018(09/19/19) #dilim(04/24/2021) Highiest achievement Rank - #6 in HORROR 06/23/18 Enjoy reading!!