#votes😘
#comments😘
for inspiration.....
Here it goes....
.
.
Chapter Seventeen**Jane POV**
Maingat na lumakad si Reid papunta sa bantay na may hawak ng susi.
Kinakabahan naman akong nakatingin sa gagawin niya. Pero syempre kailangan ko ding maging alerto sa pweding mangyari.
Grabeh ang kabog ng dibdib ko hanggang sa magbilang ako..1..2........3!!!! walang kaingay-ingay na sinakal ni Reid ang aswang gamit ang isa sa arnis. Nagpalakasan sila pero dahil nga naunahan niya ang aswang ay wala itong nagawa Hanggang sa kamapos ang hininga nito.
Napapikit naman ako ng tusokin ang puso ng aswang. Mabilis na kinuha niya ang susi at suminyas na lumapit sa akin.
"Do the plan!" sabi niya.
Agad siyang tumakbo para agawin ang pansin ng mga aswang na naroon. Nakita ko pang sumunod lahat ng mga bantay na aswang papunta sa malaking pinto na nakabukas.
Hindi ko lang alam kong saan patungo ang labas na iyon. Nadasal ko nalang na sana di mapahamak si Reid.
"Ate Jane!" tawag ni Kim.
Agad ko namang binuksan lahat ng kulungan.
"Salamat ate at niligtas niyo kami. Akala ko dito na ako mamamatay." maluha-luhang sabi ni Kim.
"Hindi naman kami papayag non." ako naman.
"Tara na! umalis na tayo!" nagmamadaling wika ni Lola Sepang.
Nagsilabasan na ang iba.
"Tika lang, nasaan pala si Hinder? at saan ba ang tamang daan? baka ma corner lang tayo ng mga aswang dyan!" sabi ko.
"Wala dito si Hinder. Bakit kinuha ba siya ng mga aswang?"
"Oo lola!"
"Kung ganun, hindi siya dinala rito. Tara!May alam akong daan para di tayo makita ng mga aswang." ani lola Sepang.
Ang iba nag-alisan na kaya kunti nalang sila na papasok sa sinabing daan ni lola.
May isang pintong binuksan si lola at nakita kong hagdan ito pataas.
Mabilis na nagsipasok at akyatan roon ang lahat maliban saming tatlo. Pumasok na si Kim kasunod si Lola ngunit nanindig ang balahibo ko ng may maramdaman ako sa likod.
"At saan kayo pupunta?" tinig iyon mula sa lalaking nakaupo sa gitna ng lugar na iyon.
Ang lalaking nakamaskara! Ang pinuno nila!!
"Ang lalakas naman ng loob niyong tumakas!!!" sabi naman ng dumating na babae. Nakakatakot siya tingnan kahit pa tao ang hitsura niya.
"Rolwela!" bigkas ni Lola Sepang. Mukhang kilala niya ang babae.
"Oo Sepang! hinding-hindi ako papayag na matakasan mo akong muli!"
"Tumakbo na kayo Kim at ng iba! kami na ang bahala rito ni lola." sabi ko kay Kim.
"Pero...."
"Sige na!" si lola na ang nagsabi kaya napasunod si Kim sa pag-alis kasama ang iba.
Hinarap namin ang babaing si Rolwela at ng kanyang mga alepores. Samantalang nasa kanyang upuan pa ang lalaking nakamaskara na may kalayuan sa pwestong kinalalagyan namin.
"Hulihin sila!" utos ni Rolwela at sabay-sabay silang nag-anyong aswang.
Wala kaming magagawa kundi lumaban. Gamit ang isang pares ng potential arnes ay lalaban ako. Andun kay Reid yung pares ng arnis ko.
Samantalang si lola ay nakita ko siyang may kinuha sa kanyang bag na dala-dala. Nakasukbit ito sa braso niya.
Isang bote?
Ah! alam ko na ang laman nyan. Tubig na may asin at bawang na paneguradong makakasunog sa balat ng aswang.
Sa isang iglap ay hindi ko namalayang tumalon na pala papunta sakin ang aswang kaya muntik na akong makagat.
Mabuti na lang ay nahawakan ko ang ulo niya. Nakakakilabot ang mukha at bibig nyang malapit sa mukha ko. Kung nagkamali ay sakmal na nito ang leeg ko.
"Nakakatakot na nga yang bibig mo, ang baho pa!!!" inis na turan ko saka malakas ko siyang itinulak at tinadyakan.
Nasaktan ito kaya bumalik sa taong anyo.
"Yan! tama yan para patas. Hindi yung nagtatago sa anyo mong halimaw." pang-iinis ko na halatang tinamaan sa sinabi ko.
Babae pala siya at masasabi kong magaganda at may itsura ang aswang kasi wala pa akong pangit na nakita sa kanila habang anyong tao.
Iniikot-ikot ng kaharap kong babaeng aswang ang ulo niya na inihahanda ata para sumugod. Matalim din ang tingin sakin ng mapupula nyang mata.
Pagsugod niya ay mabilis ko siyang binigyan ng malakas na sepa ngunit na hawakan nito yung paa ko. Gamit ang kanyang lakas ay iniikot-ikot niya ako habang hawak sabay hagis.
Tumama ako sa isang pader. Nabalian yata ako ng buto at subrang sakit ng likod kong tumama.
Tapos bigla-bigla ay sakal na niya ako. Ganun siya kabilis! Aswang nga siya!
Hindi ako makagalaw dahil nanghihina pa ako sa pagkakabagsak ko.
"Kakainin na kita ngayon!" sabay anyong halimaw at ininganga ang malaki nyang bibig na may matutulis na ngipen.
Pero habang nag-aantay akong sakmalin niya ay unti-unti syang nagliyab..
"Ahhhhhhjh!!!!!!"
At ayun! naging abo siya.
"Ingat at alerto Jane!" ani lola Sepang na siyang nagbuhos ng tubig na nasa bote para magliyab ang aswang na yun.
Pagtingin ko sa likod ni lola ay ubos na pala ang alepores ni Rolwela.
Hanga talaga ako sa matandang to. Pero napansin kong hindi tinatablan si Rolwela ng tubig na nasa bote ni lola. Naubos na niya ito sa kakabuhos rito.
"Hahaha!! kahit anong gawin mo hindi ako tatablan ng pipitsugin mong panlaban!!" sabi nito.
Halatang may namuong takot kay Lola.
Yung pinuno namang nakamaskara nakaupo lang habang pinapanood kami.
"Tapusin muna ang mga yan. Matutulog ulit ako." sabi ng nakamaskara.
"Mabilis lang ito pinuno! Tulog na ulit kayo. Pasensya na sa abala." sagot ni Rolwela na tumingin ulit samin.
"Tayo ang magharap! wag mo ng idamay si lola." lakas loob na sabi ko.
"Talaga lang ha? siguraduhin mo namang mag-iinit ang palad ko sayo." nakangiseng wika niya.
"Oo naman basta wag kang magpapalit ng anyong aswang. Masyado kasi akong napapangitan sa itsura niyo!"
Nag-igting sa inis ang mga panga nito.
"Anong sabi mo!!!!"
"Opps!! di mo pala tanggap na pangit ka kapag halimaw? grabeh, ang ganda mo ngayo pero nakakakilabot kapag halimaw." pang-iinis ko.
"Sige na nga, pagbibigyan kita. hindi ako mag-aanyong aswang." naging maamo ang mukha niya.
Pero sa totoo lang, wala naman akong balak labanan siya. Alam kong wala akong kalaban-laban sa aswang na to. Nililibang ko lang siya para makapag-isip kung paano kami makakatakas.
.
.
.
#end of dz chap...note: di pa po sya edited kaya expect wrong typos.
BINABASA MO ANG
Mga Nilalang sa Probinsya(COMPLETED)
HorrorHindi lang mga aswang kundi pati mga engkanto ang kanilang makakasagupa. .. #1 in ASWANG #1 in Engkanto (08/16/18) #1dilim (08/16/18) #1dreamersaward2018(09/19/19) #dilim(04/24/2021) Highiest achievement Rank - #6 in HORROR 06/23/18 Enjoy reading!!