🌷THIRTY TWO🐜-Oras na

3.1K 105 3
                                    

Chapter Thirty Two

**Reid POV**

Hindi pa namin lahat naibubuhos ang laman ng mga container nang marinig namin ang malakas na sigaw ni Lala.

Mabilis kaming nagtungo sa kinaroroonan niya. Siya kasi ang pinabantay namin sa may daan kung may engkanto o aswang na parating.

At hindi nga nagkamali ang hinala ko. Hawak hawak siya ng engkantong si vaseh.

"Lahat gagawin namin para mahalin niyo pero bakit niyo sisirain ang punong pinagkukunan namin ng lakas at buhay? tama nga si ama, dapat ay mapaslang na lamang kayo!!" galit na bigkas ni Vaseh.

"Bitawan mo si Lala!" utos ni Hinder.

"Ito ba ang babaing ipinagpalit mo sakin? walang kwenta!!" sabay hagis niya kay Lala ng walang kahirap-hirap.

"Lala!!!!!!!" magkasabay pang sigaw namin.

Kaya lang bumagsak siya sa isang puno at nawalan ng malay. Lalapitan sana ni Hinder ang walang malay na si Lala ng pigilan siya ni Vaseh gamit ang kapangyarihan nito. Pinalitaw siya nito sa ere.

Ganun din ang gimawa niya sa akin. Unti-unti akong lumitaw at hindi makagalaw.

"Bitawan mo ako!!" pagpupumiglas ko.

May mga narinig akong paparating at ang pinuno ng mga engkanto ang bumungad samin kasama ang ang kanyang mga alepores.

"Ang lakas ng loob niyong pumasok sa lugar na ito!! Patayin ang mga iyan!!!!"

Bigla kaming inihulog ng engkantong si Vaseh sa ere. Bumagsak kami sa lupa. Medyo mataas iyon kaya para kaming napilayan at hindi agad makatayo.

Humarap naman ang pinuno ng mga aswang sa pulang puno at may ritwal siyang ginawa. Pumikit siya habang may binibigkas na mga lengwahe.

"Sayang hindi na tayo magkakasama Hinder sapagkat kailangan mong mamamatay at ng kasama mo. Hindi na pa pala nagkakamalay si Saffa mula ng isilang ang aming bagong hari na kailangan niya muna ng pahinga sapagkat marami syang lakas na naibigay sa amin."

Marami pa siyang sinabi kaya hindi niya namalayang nagsindi ako ng tatlong stick ng posporo at itinapon iyon patungo sana sa mga ibinuhos naming gasolina kasu agad na napatay ni Vaseh gamit ng kapangyarihan niya.

"Sa tingin mo ba magagawa mo yan? hangal!!!!!!!" sinbilis ng kidlat niya akong nalapitan àt sakal na niya ako sa leeg.

Ang sakit subra lalo pa nararamdaman kong bumabaon ang kanyang matutulis na kuku sa leeg ko.

"Bitawan mo siya!!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng busis at halos tumalon ang puso ko ng masilayan siya ulit. Nawala ang sakit na nararamdaman ko at napalitan ng hindi maipaliwanag na saya.

"Bibitawan mo siya o ipoputok ko ang baril na ito ng tuluyan ng maglagablab ng apoy ang punong pinagkukunan niyo ng buhay?"

Jane!!!

Hindi ko alam pero naging cool siya sa paningin ko. Para bang siya yung mga babaing bida sa isang horror-action movie.

.
.
.
.
.
**Jane POV**

"Bibitawan mo siya o ipoputok ko ang baril na ito ng tuluyan ng maglagablab ng apoy ang punong pinagkukunan niyo ng buhay?" banta ko sa engkantong sumasakal kay Reid. Ang sakit sa paningin eh.

Ang baril na hawak ko ay napulot ko sa daan papasok dito na malamang ito yung dala-dala ni Sel. Hindi ko alam kung anu na ang nangyari sa kanila dahil wala naman sila dito. Hindi ko rin nakita si kuya.

Halatang natakot ang engkanto kaya agad nyang binitawan si Reid.

"Wag kayong gagawa ng kung anu dahil sa oras na iputok ko to tapos kayong lahat!" banta ko parin sa kanila.

Lahat sila galit na tumingin sakin pero wala silang magawa. Isang engkanto naman ang malapit sa may pulang puno na parang walang pake sa paligid habang may ginagawang ritwal.

Nagsilapit si Hinder at Reid sakin.

"Akala namin katapusan nanamin dito." -Hinder.

"Iputok mo na yan!" ani Reid naman.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang wala na sa kamay ko ang baril.

"Ito ba ang hinahanap mo?" sabi ng engkantong hawak na pala niya ang baril ko. Nakalimutan ko, may kapangyarihan pala sila.

"Paano mo nakuha agad yan? pero hindi na namin kailangan yan! meron naman ako!" ani Reid sabay na may binunot sa bulsa niya at mabilis na ipinutok sa isang tabi.

Nagliyab agad agad ang paligid kasabay ng mga engkanto. Mabilis na kumalat ang apoy patungo sa Pulang puno.

Wala silang nagawa kahit may mga kapangyarihan pa sila. Unti-unting nasunog ang mga engkanto at kitang-kita pa namin ang paglagablab ng pulang puno.

Sa una ayaw masunog ng puno, lalo lang kumikinang ito ngunit bigla namang nangitim at tuluyan ng tinupok ito.

"Umalis na tayo dito! kailangan nating mahanap sina kuya, sel at Lhurdy." ako.

Nagtatanong man ang kanilang mga mata dahil nabigkas ko si kuya pero hindi na nila ako inusisa. Ang mahalaga mahanap namin sila at makaalis dito.

Nakarating kami sa may palasyo ng mga engkanto. Ito ang napuntahan ko noon ng bawiin ko ang kaluluwa ni Hinder mula sa mga engkanto.

"Baka nasa loob sila!" ani Reid.

Kitang-kita namin ang mga engkantong palabas mula sa loob na unti-unting nasusunog. Subrang nakakabinge ang ingay nila sanhi ng sakit na nararamdaman.

At parang bula silang nawala lahat sa harapan namin.

Papasok na kami sa loob nang makitang may tatlong paparating.

Inaninag namin ng mabuti dahil madilim sa loob.

"Sina Lhurdy yan!!" -masayang bigkas ni Hinder.

At pagkalabas nila'y biglang gumuho ang buong palasyo. Munti na kaming mabagsakan ng napakalaking bato ngunit sinbilis ng kidlat na naroon si tatay at siya ang pumigil para hindi tuluyang bumagsak sa amin.

"Umalis na kayo mga anak! bilis!" aniya.

"Hindi tay! sumama ka po samin!" pangalawang bisis na niya akong nililigtas at pinatunayan niya na siya parin ang tatay namin kahit pa ginawa na siyang aswang.

"Wala ng oras anak! anu mang oras ay maglalaho na rin ako dahil nasisira na ang pinagkukunan ko ng buhay. Umalis na kayong lahat. Sana ay mapatawad niyo ako sa lahat ng pagkukulang at nagawa ko sa inyo. Mahal na mahal ko kayo! at paki sabi narin sa nanay niyo na hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. Sige na umalis na kayo!" hirap na hirap man ay pinilit nyang buhatin iyon.

Awang-awa kami kay tatay. Umiiyak na kami ni Sel at ayaw umalis roon.

"Jane ano ba!! wala ng oras! umalis na tayo dito!" hinila nalamang nila ako dahil hindi ako kumikilos.

At habang lumalayo kami roon, kitang-kita ko kung paano bumagsak sa katawan ni tatay ang batong iyon at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
.
.
.
.
.
#end of chap 32

Mga Nilalang sa Probinsya(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon