🌷THIRTEEN🐜-Hinagpis

3.9K 132 5
                                    

A/N: xori guyz kung nabibitin kayu minsan....busy lng po si author kaya di maka UD agad...

Here it goes......

.
.
.
Chapter Thirteen

**Jane POV**
.
.
Pinilit paring magsalita ni Jes kahit hirap na hirap na siya. Bago pala siya makarating dito, hinabol siya ng aswang kaya marami siyang sugat.

"K-kailangan niyo silang iligtas ate J-jane. T-tsaka, salamat sa pagiging mabuti niyong kaibigan. H-hanggang dito nalang siguro ako. Hindi k-ko na kaya..." sabay ubo niya na may halong dugo.

"Hindi Jes, wag mong sasabihin yan. Dadalhin ka namin sa hospital." umiiyak na sabi ko sa kanya.

Hindi pweding mawala siya ng ganito. Bata pa siya!

"Basta ipangako n-niyong ililigtas niyo sila. Sorry kung di ko na kayo makakasama." ngumite siya saming lahat at maya-maya pa'y hindi na siya humihinga.

"Hindi!!! Jeseka!! huhuhuhu!" yumakap na turan ni Berna.

Ako man din ay parang napako sa kinalalagyan ko. Parang di parin mag-sink-in sa utak ko na wala na siya.

""Jes, anu ba! gumising ka dyan! Jes! babalik pa tayo ng maynila!" pilit paring kinakausap ni Berna ang walang buhay na katawan ni Jes.

Hindi ko na kayang tingnan ang kaawa-awang sinapit ng kaibigan ko kaya lumabas ako para mapag-isa.

Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ko sana sila sinama dito sana buhay pa ngayon si Jes.

Inis at galit ang nararamdaman ko sa sarili. Kasalanan ko ang lahat!!!

"Haaaaaaaaaahhhhh!!!!!" gigil na pinagsisipa ko ang mga tanim na halaman sa bakuran namin. Hindi ko rin pinalagpas ang mga kahoy na upuan na naroon.

Wala akong maramdaman sakit kahit pa nakita ko ng dumugo na ang paa ko sa kakasipa.

Galit na galit ako.

"Magpakita kayong mga aswang!!!! ako ang harapin niyo!!! Nandito ako!!" pagsisigaw ko sa labas.

"Bakit ang kaibigan ko pa!? bakit!!??"

Humagulhol na ako ng iyak at may naririnig akong mga pagaspas sa ere.

May humawak sa kamay ko at hinila papasok sa loob ng bahay.

"Ano bang ginagawa mo Jane? pumasok ka na!" hila ni Reid.

"Bitawan mo ako! haharapin ko ang mga halimaw na yan." pigil ko sa kanya para di niya ako maipasok sa loob.

Sa halip na bitawan ako ay bigla niya akong binuhat at mabilis na pumasok sa loob.

Agad namang ni-lock nina Hinder ang pinto.

"Are you out of your mind?" napalakas na sabi ni Reid sakin.

"Gusto mo bang magpakamatay? para saan? para lang maging biktima ng mga aswang? paano nalang sina lola Sepang at ang pinsan ko? at ang habilin ni Jeseka bago mawalan ng hininga? babaliwalain mo lahat ng iyon?" panenermon ni Reid.

Napaupo nalang ako at umiyak ng umiyak.
.
.
.
.
.
**Reid POV**

Naiintindihan ko naman ang nararamdaman ni Jane pero bakit kailangan niyang ihain ang sarili sa mga aswang?

Naaawa ako sa kanya. Nawalan siya ng ama at kapatid tapos ngayon kaibigan. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya.

Gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili. Hindi ito ang tamang panahon. Siguro kailangn niya munang mapag-isa at makapag-isip.

Naririnig ko naman ang mga ingay sa labas na gawa ng mga aswang. Naghahasik nanaman sila ng lagim.

Tipon-tipon kami sa sala at siniguradong naka-lock ang pinto at mga bintana na pweding pasokan ng mga nilalang na ito.

Samantalang nasa kanyang kwarto lang si Jane na umiiyak parin sa pagkawala ni Jes. Bukas nalang dadalhin sa Maynila ang katawan ni Jes para mailibing ng pamilya nito.

Hindi pa alam nina Berna kung paano ipapaliwanag sa mga magulang ni Jes ang nangyari. Alam kung napakahirap ito para sa kanila.
.
.
.
Dinig na dinig namin na may aswang na naglilibot sa labas ng bahay dahil sa mga yapak nito at minsan dumadapo sa bubong.

"Ahhhhhh!!!!! kuya Reid!!!! tulungan mo ako!!" nadinig naming lahat ang busis na iyon na pagmamay-ari ng pinsan kong si Kim.

Agad kong kinuha ang baril na lagi kong dala-dala na nasa kotse ko kanina pero isinuksok ko sa likod ng katawan ko para pandipinsa. Alam kong tatalab ito sa aswang dahil nilagyan ko ang mga bala ng langis na pinakuluan ng ensenso. Sekretong hiningi ko ang langis kay lola nong nagpunta ako sa bahay niya

"Lalabas ako para iligtas ang pinsan ko. Dito lang kayo. Walang lalabas." sabi ko sa kanila.

"Sasamahan kita pare." -si Lhurdy.

"Wag na. Ang bantayan niyo ang bahay. Siguradohin niyong walang makakapasok na aswang."

"Reid no! wag kang lalabas! dilikado!" pigil ni Lusey sakin.

"Hindi ko pweding pabayaan ang pinsan ko!" sagot ko sa kanya. Wala na akong sinayang na oras. Lumabas ako agad ng bahay para hanapin si Kim.
.
.
.
**Jane POV**

Iyak ng iyak parin ako dito sa kwarto dahil hindi ko talaga matanggap na sa harapan pa namin nalagotan ng hininga ang kaibigan namin.

Sino pa ang mawawala o mamamatay?

Anong nangyayari sa mundong ito? Bakit nagkaganito?

Pumasok sa utak ko ang mga ala-ala namin nong kasama namin si Jes. Masayahin siya at minsan ay patawa. Kahit siya ang pinakabata sa bahay na inuupahan namin, minsan siya yung nagko-comfort kapag may mga problema kami.

"Ate Jane, iligtas niyo si Lola at Kim."

Patawad Jes kung nagkaganito ako. Pangako, hindi mababaliwala ang sakripisyo mo. Ililigtas namin sina lola at Kim.

"Ahhhhhh!!!!! kuya Reid!!!! tulungan mo ako!!" mula sa labas ay narinig kong tili. Alam kong si Kim iyon.

"Si Kim! narito siya! kailangang iligtas namin siya." mabilis kong kinuha sa ilalaim ng kama ko ang dalawang mahabang kahoy na bigay ni lola Sepang nong nagpunta ako sa bahay niya.

Potential Arnis ang ipinangalan ni Lola dito nong tanungin ko siya.

Agad akong bumaba sa sala at napansin kong wala na doon si Reid.

"Nay, nasaan si Reid?" tanong ko kay nanay na nasa may altar nagdadasal.

"Lumabas anak para iligtas si Kim. Hindi namin siya napigilan. At ano yang dala mo? wag mo sabihing lalabas ka din?" sabi ni nanay na halatang nag-aalala.

"Wag po kayong mag-alala nay. Wala pong mangyayaring masama sakin."

"Hindi pwedi Jane, dilikado! kami nalang ang lalabas para tulungan si Reid." harang ni Hinder sa pinto.

"Kasalanan ko lahat ng ito Hinder kaya hindi pweding nandito lang ako. Don't worry, may kunting alam ako sa fightings. Di ba nag-aral ako sa isang martial arts school? kasu naudlot nong wala na akong pambàyad." paliwanag ko.

"Iba ang mga makakalaban mo Jane. Hindi sila tao kundi mga halimaw." depensa ni Hinder.

"Whatever Hinder! umalis ka diyan sa pinto. Lalabas ako." utos ko sa kanya.

"Hindi pwedi. Sinabi rin ni Reid na walang lalabas."

"Wag makulit Hinder. Kung gusto mo samahan mo nalang ako."
.
.
.
.
.
---------xiam19-----

end of chap 13

tnx a lot😁😁😘😘

Mga Nilalang sa Probinsya(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon