🌷 TWENTY SEVEN🐜- Kuya Hero

3.4K 112 2
                                    

Chapter Twenty Seven

**Vaseh POV**

Nagtungo ako sa aking ama upang itanong kung saan ko ngayon matatagpuan ang iniibig kong tao na si Hinder. Gagawin ko ang lahat mapasa akin lang siya!

Nakikita ni ama ang mga nangyayari kaya alam niya kung nasaan ngayon si Hinder. Ngunit hindi rin lahat nakikita ang mga pangyayari kundi nararamdaman lang niya.

"Hindi ko ngayon makita kung saan napunta ang taong iyon! pero may mas mahalaga akong naramdaman! may dalawang taong nakakaalam ngayon sa pulang puno!! Posibling ang dalawang nakatakas ang nakaalam! kailangan silang mapatay!"

"Hindi pwedi ama! wag niyo silang sasaktan. Mahal namin ni Saffa ang mga taong yun! ama pakiusap dalhin mo silang buhay dito! sisiguraduhin naming mapapasunod  na namim sila!" pakiusap ko kay ama.

Siya ang pinuno ng mga engkanto kaya, kung anong lumabas sa bibig niya gagawin ng kanyang mga taga sunod.

"Pagbibigyan kita Vaseh, pero sa oras na makatakas uli ang mga iyon ipapapatay ko na sila!" madiing sabi ng aking ama.

Iniwan ko ang aking ama matapos siyang mag-utos sa kanyang mga alagad. Hahanapin ko si Hinder kahit ano mang mangyari.

.
.
.
**Jane POV**

"Kailangan ko na munang bumalik sa aming tirahan Hero. Kailangan kong kumuha ng lakas sa aking tirahan." sabi ni Diwatang Ledah.

Nakwento na niya sa amin na kapag nasa labas sila ng kanilang tirahan ng matagal, nanghihina sila.

Kumbaga, charge muna siya dun sa tirahan niya para bumalik ulit ang totoong lakas. Dalawang araw na kasi siyang hindi nakakabalik sa Daleo. Na dapat isang araw lang silang mga diwata sa labas at kung hindi agad makakabalik, manghihina sila.

"Naiintindihan namin Ledah, sige umuwi ka muna sa inyong tirahan." sabi ni kuya.

"Hindi ka sasama sakin Hero? baka mahanap ka ng mga aswang at engkanto na tumutugis sayo." anyaya nito.

"Hindi na Ledah, sayang ang oras at panahon. Kailanagan ko ng makagawa ng paraan kung paano sila mapuksa." sagot ni kuya na halatang nalungkot si diwata.

"Kung ganoon, hito tanggapin mo," lahad ng isang kwintas na may pendant na mukhang dahon,"patunugin mo lang yan sa oras ng pangangailangan at darating kaming mga diwata." patuloy niya.

"Sige maraming salamat Ledah."

Uhhhhhhmmmm...parang may something na tong dalawa! lakas ng karisma ni kuya sa diwatang to.

Nagyakapan silang dalawa bago umalis si Ledah.

"Uy, si kuya..lumalove-lyf nah!" tudyo ko.

Lihim na ngumite si kuya pero maya biglang nagbago.

"Alerto kayo! may mga aswang sa paligid!!" aniya.

Doon nanaman bumalik ang takot at kaba namin pero kailangang maging malakas ang loob.

Mabibilis na nagtalunan papunta samin ang mga aswang pero anyong tao sila.

"Mag-iingat kayo! makamandag ang kagat ng aswang na pweding makapatay sa atin." ani kuya.

"Pero hindi nagiging aswang yung nakakagat?" si Berna naman.

"Hindi nagiging aswang ang nakakagat na tao kundi namamatay dahil sa kagat na makamandag nito. Pwedi nilang gawing aswang ang isang tao kung maipalulunok nila ang isang bungang-pula." paliwanag parin ni kuya habang inihahanda ang sarili sa mga ataki nila.

"Patayin ang mga yan!" sabi ng isang aswang.

Bali pito sila ng bilangin ko.

Ang dami nila pero kaya namin to!

Nagdikit-dikit kaming tatlo. At sa isang iglap nagsisugod ang mga ito pero mabuti nalang anyong tao sila.

Nag-slowmotion sa paningin ko ang pagsugod ng magkasabay ng dalawang aswang.

Nasa akin parin ang isang paris ng potential arnis ko. Mabilis ko iyong isinangga sa isa sabay ikot naman at sinipa ang pangalawang aswang.

"Yaaahh!!!" mabilis ko nanamang iniangat ang arnis na kasalukuyang nakausli na ang patalim dito sabay na isinaksak ko sa puso ng unang aswang.

Natumba at napatay ko ang isa.

One down!

Mabilis ko namang tinakbo ang pangalawa na nasipa ko kanina. Tumalon ako sa ere at nakipagsabayan ito sakin. Tiñutuhod ko siya ng magtama ang katawan namin kaya siya ang unang tumilapon sa lupa. Pagkabagsak ko sa lupa gamit ang paa ay saka ko siya inundayan ng saksak.

"Ahhhh!"

Hindi pa ako nakuntinto dahil mukhang buhay pa siya, ginilitan ko ang kanyang leeg. Para akong nanggigigil na pumatay ng aswang ngayon.

Maipaghihiganti na rin kita Jes sa mga pumatay sayo.

Two down!!

"Jane!! help!!!" tili ni Berna nang mahawakan siya ng aswang.

Nakalabas pa ang mahabang dila ng aswang na nakakalaban niya. Balak yatang dilaan ang mukha ni Berna.

"Manyakis na aswang!!!" mabilis ko siyang pinalo sa ulo gamit ang arnis.

Napaatras siya at nanlilisik ang mga matang tumingin sakin.

"Sa tingin mo matatakot pa ako sa mapupulang mata mong yan?" gigil na pang-iinis ko sa kanya.

"Matapang na tao! gagawin kitang hapunan!!" inis na sabi ng aswang.

As if kaya naman niya😏

Gigil na pinalabas niya ang kanyang mahahabang pangil at nag-iba na ng hitsura. Lumabas na ang kanyang pakpak na paniki.

Medyo naalarma ako na matalo siya.

Mabilis siyang lumipad sa ere at nagpalibot-libot sakin. Saka bigla niya ako nadagit hawak-hawak ang buhok ko.

Pucha!! subrang sakit!! parang makukuha na nito ang anit ko.

"Jane! Oh my ghadd!!!" tili ni Berna.

Nakita kong napalingon si Kuya Hero kaya nasunggaban siya ng kanyang kaharap na kalaban at tumilapon siya. Tumama si kuya sa isang puno na halatang nasaktan ng subra.

"Bitawan mo ako!!" pagpupumiglas ko.

"Hihihihihihihi!! ipakita mo ngayon ang tapang mo bago kita gawing hapunan!" sabi nitong may hawak sakin. Nakakarindi ang busis niya! ang tinis sa tenga.

Inilipadlipad niya ako sabay na ipinatatama sa mga puno. Kaya subrang sakit at marami na akong sugat.

"Para pagkinain na kita, lamog na lamog na yang katawan mo!"

Buysit talaga ang aswang nato! ang daming sinasabi! Balak na sana uli niya akong ipatama sa isa pang puno nang buong lakas kong iniikot ang katawan ko sabay sipa sa mukha nito.

Mabuti nalang alaga ng ehersisyo ang katawan ko.

Mabilis niya akong nabitawan. Mahuhulog na sana ako sa lupa pero mahigpit akong kumapit sa isang sanga para hindi mahulog pababa.

"Jane!!" tawag ni kuya.

Nakita ko ding nakabawi na siya at  natalo na niya ang tatlong aswang na kinakalaban.

Five down!!

so, dalawa nalang!

Kumapit ako sa mga sanga-sanga para makababa. At ang hinayupak na aswang nasa harapan ko nanaman pagkababa ko.

Bigla niya akong sinunggaban kaya natumba ako at kinubawbawan.

"Kakainin na kita ng buhay!" aniya sabay na ngumanga at naglabasan ang pahahabang pangil nito.

Oh no!!

Makakagat ba ako ng aswang?

.
.
.

#end of chap 27

Mga Nilalang sa Probinsya(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon