🌷ELEVEN🐜 Kakaiba!!

4.1K 139 2
                                    

.. .medyo matatagalan ulit ako mag-UD dahil marami akong nakatambak na trabaho..charr!! anu kc, may nagpapadrawing sakin ng mga gagawing charts para sa school projects nila..I will grab it! kc may payment yun..and I need money...hehe... Kaya understand sana readers..

Thank You again sa mga nagbabasa at nag vo-votes...



Chapter eleven

**Reid POV**

Labag rin sa kalooban ko ang gagawing disisyon ni Jane dahil alam kong dilikado pero kung yun lang ang tanging paraan, susupurtahan at tutulungan ko na lang siya.

"Lola Sepang, paano po ba natin mahahanap ang babaing nagdadala sa isisilang na sanggol?" tanong ni Jane.

"Oo nga po lola, eh marami naman atang buntis dito sa bayan natin." sabad naman ni Hinder.

"Wala ba kayong pweding gawin para malaman natin yun?" ako naman ang nagsabi. Pabida kasi ang Hinder na to at baka mainlove pa sa kanya ang Jane ko.

"Isa lang ang paraan. Dahil sa matinding panangga na ginagamit ng kanyang ina upang hindi siya mahanap ay kailangang isa-isahin natin ang mga nagdadalang tao. Dahil kahit ang mga aswang ay hindi siya mahanap kaya ang paraan lang..... kailangang manmanan lahat natin ang mga buntis at kung sino man ang may kakaibang ikinikilos ay yun ang siyang magsisilang ng sanggol. Ayaw sa mga bawang, amoy ng ensenso at minsan lang lumabas ng bahay ang inang magsisilang sa sanggol." paliwanag samin ni lola.

"So, first step nating gagawin ay puntahan ang center hall ng bayan para kunin ang list sa mga nagdadalang tao." wika ni Lusey na akala ko hindi iimik.
.
.
.
.
.
**Jane POV:**

Limang brgy. mayroon ang bayan dito sa probinsya namin. Wala kaming sinayang na oras. Agad kaming nagpunta sa Center na hihingan namin ng list or records about sa mga buntis.

Nalaman naming may  apat na buntis na manganganak nitong week. Yung iba 3 months palang o di kayay 7 months palang yung ipinagbubuntis nila. Yung siguradong apat na/manganganak nitong buwan ay kinuha namin ang adress at mga pangalan.

"Kailangang puntahan natin lahat tong apat na buntis." sabi ko.

**********

Kumain muna kami ng pananghalian bago umalis.

Naghiwa-hiwalay kami para puntahan ang mga buntis. Kailangang malaman namin agad bago mag-gabi.

Ang kasama ko nga pala para maghanap sa unang buntis ay sina Reid at Lusey. Ayaw din kasi humiwalay ng lintang to kay Reid.

Samantalang sa pangalawa ay sina Hinder at Berna. Sa pangatlo ay sina Kim, lola Sepang at Jeseka. Sa pang-apat ay sina Sel at Lhurdy na lamang dahil hindi pwedi si nanay. May importante daw siyang gagawin sa bahay.

Sana magtagumpay kami. Pinuntahan namin ang baranggay Lagap na kinaroroonan ng dalawang buntis kaya kasama namin sa iisang baranggay sina berna at Hinder.

Pero hihiwalay din sila mamaya pagdating sa bahay non isang buntis.

"Sige Jane, pupuntahan nanamin ang buntis sa bahay na iyon." si Hinder.

"Oh sige basta mag-iingat kayo ni Berna. Hindi natin alam kung anong klaseng nilalang ang inang nagdadala sa batang iyon. Sigurado akong hindi siya ordinaryong tao."

"Sige salamat."

Humiwalay na sila samin para manmanan ang bahay na kanilang pupuntahan. Gamit ang kotse ni Reid ay pinuntahan namin ang bahay na medyo malayo sa kabahayan.

Malaki ang bahay at napakatahimik.
.
.
.

**Lola Sepang's POV**
.
.
Nasa brgy. Mawas na kami. Bumaba kami ng trycicle at nanindig ang balahibo ko. Kakaiba ang paligid parang may kung anu akong nahahagilap na pwersa.

"Ang ganda naman dito pero ba't parang ang tahimik?" sabi ni jeseka.

"Ganito talaga ang lugar na to. Parang may mesteryo sabi ng mga classmate ko." sagot naman ni Kim sa kanya.

"Wag kayong masyadong magsasalita ng kung anu-anu. Parang may kakaiba sa lugar na ito." sabi ko sa kanila.

"ha? naku po... it's creepy pala dito." mahinang bigkas ni Jeseka.

Naglakad-lakad kami sa buong lugar.
Napansin kong masamang tumitig ang mga taong narito.

Ito ang baranggay na medyo malayo sa ibang mga brgy. Kailangan pang may daanang mga puro puno lamang ang makikita sa paligid kaya may hinala na ako sa lugar na ito.

Posebli kayang lahat ng nakatira dito ay mga aswang? Huwag naman sana maging tama ang hiñala ko.

"Ano ang kailangan niyo sa lugar na ito?" galit na tanong ng isang ginang na lumapit samin.

Purong itim ang mga mata niya at mamula-mula ang gilid nito.

"Wala, may hinahanap lang kami." sagot ko.

"Kung ganun, sumama kayo sakin baka alam ko ang hinahanap niyo." may ngiting wika niya.

"Hindi na bale. Aalis na agad kami rito. Wala dito ang hinahanap namin." sagot ko sa kanya.

"Bakit mo naman agad na sabi na wala dito ang hinahanap niyo." sabi ng kung sinong biglang lumapit samin.

Lalaki siya at parang may kakaiba siyang awra. Delikado ang lugar na ito.

Kailangan naming makaalis dito bago manganib ang buhay namin.

Halatang may kakaiba ding nararamdaman ang dalawa kong kasama kaya pareho silang napahawak sakin.

"Naligaw lang kami. Pagpasinsyahan niyo na."

"Kung ganoon ay pweding maanyayahan namin kayo para magmeryenda. Diyan sa bahay ko." turo niya sa tapat na bahay.

Hindi niyo kami maloloko!!!!

"Hindi na ho talaga. Nagmamadali kami." si Jeseka ang sumagot na biglang natakot dahil tinitigan siya ng lalaking kausap namin.

"Oh sige." sukong saad ng lalaki.

Nagsimula na kaming humakbang hanggang sa medyo malayo na kami sa kanila nang biglang may mga taong nagkumpulan sa harapan namin.

"Walang sino man ang nakakalabas dito ng buhay." sabi ng ginang na kanina'y unang nakausap namin,

"Lola, paanong nakapunta sila rito ng isang iglap?" nanginginig na tanong sakin ni Kim.

"Mga aswang sila." mahina kong sabi.

Lalong natakot ang dalawa sa sinabi ko.

"Umalis kayo sa daraanan namin!" sigaw ko sa kanila.

"Matapang ka parin tanda!" wika ng nilalang na kailanman ay hindi ko malilimutan.

Namuong muli ang galit ko sa dibdib ng maalalang ito ang pumatay sa pamilya ko.

Siya ang asawa ng pinuno ng mga aswang at dito pala sila nananahan sa lugar na ito.

Si Rolwela!!

"Uo, at hinding-hindi na ako papayag na may masaktan ka ulit. At mabuti naman ay nagpakita ka na sakin sa mahabang panahon." nginitian ko din siya ng nang-uuyam.
Hindi na ako matitinag sa kanya.

"Dalhin sila sa pinuno!" utos ni Rolwela.

.
.
.
.
.
#2becontinued

Mga Nilalang sa Probinsya(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon