Chapter Twenty Six
**Reid POV**
Galit na galit nanaman si Lusey na sinabayan pa ng engkantong nagkakagusto kay Hinder. Pero hindi na siya mapangit tingnan tulad kanina. Pareho silang nasa anyong mukhang tao mahaba ngalang ang kanilang tenga at berde ang balat.
"Mga kampon kayo ng kadiliman! Hindi dapat ako nagtiwala sayo Lusey!" sigaw ko dito.
"Hinding-hindi mo na din ako mapapasailalim ng kapangyarihan mong engkanto ka!" sigaw naman ni Hinder sa galit na tuno.
"Sa tingin niyo ba makakatakas pa kayo dito? hahaha! hindi!!!" ani Lusey sabay litaw sa harap namin at sinubukang patamaan kami ng kanyang kapangyarihan.
Mabuti nalang nakailag kami at mabilis na tumakbo.
Mabilis nila kaming sinundan.
"Wag na wag tayong maghihiwalay. Aalis tayo sa lugar na to na magkasama." sabi ko kay Hinder.
Tumango siya saka tinalon namin ang isang bintana dahil wala na kaming choice. Medyo mataas iyon pero kinaya namin.
Nagtago kami sa isang bato.
"Hanapin niyo ang dalawang taga lupa na tumakas!! alam kung narito pa sila hindi nakakalayo." busis iyon ng engkantong nagkagusto kay Hinder.
Parang may nagdatingang mga ibang engkanto.
Nagkatinginan kami ni Hinder na parang nagsasabing ano ang gagawin natin ngayon?
Pigil namin ang hininga ng maramdamang papunta banda sila sa gawi namin.
"Nararamdaman ko pa ang presinsya nila. Siguradong nagkukubli lang sila." busis yun ni Lusey.
Pareho naming tiningnan ang mga batong nasa tabi namin. Nagkaintindihan kami sa kung ano ang gagawin.
Nagbilang si Hinder gamit ang daliri na walang kaingay-ingay.
1
2
3!!!!!!!
Mabilis naming pinagbabato sina Lusey at nong isa. Tinamaan sila sa ulo at dahil nga sa biglaan wala silang nagawa kundi matumba at mawalan ng malay.
Makapangyarihan man kayo, mas wais naman kami!!
Agad kaming tumakbo palabas sa palasyo ng engkanto. Pagkalagpas namin sa gate nito ay napatigil kami kung saan dadaan.
Madamo kasi ang paligid at may tatlong daanan.
"Sa gitna tayo!" suhisyon ko.
"Sige!"
Mabilis kaming tumakbo ng tumakbo kahit madilim hanggang sa may mabunggo kami.
"Ano to?" usal ni Hinder.
"Hindi ko alam, parang mabalahibo?" sagot ko naman.
"Tika, parang mahaba paitaas. Mukha siyang kahoy na mabalahibo."
"Oo nga." sang-ayon ko.
Maya-maya pa ay may narinig kaming mga tunog ng mga paa.
Mabilis kaming nagkubli sa isang madamong parti. Hindi namin alam kung hindi na kami dito makikita dahil ang dilim talaga ng paligid.
Papalapit ng papalapit ang mga yabag hanggang sa makita namin ang kanilang apoy na nasa mga sulo.
Mga aswang at engkanto!!
Ngunit nasa anyong tao silang lahat. Napakarami nila!! Di kaya alam nilang nandito kami?
"Mamaya nanatin hanapin ang dalawang nakatakas. Ang mahalagay makapagpalakas muna tayo dito sa pamamagitan ng pulang-puno na pinagkukunan natin ng buhay." wika ng isang Lalaking nilalang. Mahaba ang tenga niya at kulay berde ang balat niya. Paniguradong isa siyang engkanto.
"Bukas na isisilang ang ating magiging hari kaya kailangang malakas tayo!" sabi naman ng lalaking nakamaskara. Sa pagkakaalam ko siya ang pinuno ng mga aswang.
"Kailangang may magbantay sa pulang punong buhay natin dahil kapag nasira o naputol ito, mawawala tayo na parang bola!! sapagkat ito ang lakas at buhay nating mga aswang at engkanto!"
Nanlaki ang mga mata ko at alam kong ganun din si Hinder dahil sa mga narinig namin. Kung ganun pala may kahinaan at pweding tumapos sa lahi nila.
Unti-unti silang gumawa ng linya na parang may ritwal silang gagawin.
Ano ang gagawin nila?
Lahat sila ay lumuhod at may inusal na lengwahe.
Kitang-kita namin na habang umuusal sila o dasal ata ang lengwahing sinasabi nila ay unti-unting lumiliwanag ang bagay na binungguan namin kanina.
AT kitang-kita at klaradong-klarado sa mga mata namin na isang kulay pula ang punong nabunggo namin kanina. Nangingislap ito lalo na ang mga hitik na hitik nitong bunga na kulay pula. Pula ang mga dahon, pula ang balat ng kahoy na may balahibo? ngayon lang ako nakakita ng ganitong puno...at pula ang mga bunga na kasinglaki ng lansones.
Halos isang oras silang umusal hanggang sa tumigil. Masakit na nga ang katawan ko dahil sa posisyon kung nakayuko habang nakatago. Ganito lang kasi simula kanina. Ayuko namang kumilos baka makagawa lang ako ng ingay.
Pumunta sa harapan si Lusey at ng engkantong may gusto kay Hinder.
"Sige, Saffah at Vaseh. Kumuha kayo ng tig-iisang bunga ng pulang puno na pinagkukunan natin ng buhay. Sa oras na maipakain niyo ang pulang bunga na yan sa taga lupang nagustuhan niyo, magiging isa na sila sa atin. Magiging sunod-sunuran sila sa gusto niyo." ang pinuno ng engkanto ang nagsalita.
Ngumiting tagumpay ang dalawa.
Hinding hindi kami papayag na magawa niyo iyon samin ni Hinder.
Bago sila mag-alisan, isa-isa silang humawak sa punong pula at kita naming lumalakas sila kapag nahahawakan ang puno. Samantala'y nawawala naman bigla ang mga may sugat.
May apat na nagpaiwan para magbantay sa puno. Dalawang engkanto at dalawang aswang.
"Kapag naputol ang puno, mawawalan sila ng pinagkukunan ng lakas at buhay. Ito ang kaylangan natin putulin para matapos na ang kanilang paghahasik ng lagim!" mahinang sabi ko sa kasama.
"Oo ganun nga! Pero paano natin mapuputol o masisira ang puno? hindi ordinaryong puno yan."
"May point ka dyan! kailangan natin ng malaking apoy para mapuksa ito. Kailangan nating umalis muna dito at magtungo sa bayan. Kakailanganin natin ng maraming gasolina" -ako.
"Oo tama ka."
Halos isang oras din kaming nag-isip kung paano makakaalis roon na hindi napapansin ng mga bantay.
Napansin din namin na makalipas ang isang oras nawala ang kislap at liwanag ng puno. Naging normal itong puno kaya dumilim nanaman ang paligid. Pero may apoy naman ang dalawang sulo na nasa paligid.
Hanggang sa nakatulog ang mga bantay. Doon na kami hinay-hinay na umalis.
Bumalik kami sa may labas ng gate ng mga engkanto. Mabuti nalang walang sino mang nilalang sa paligid.
"Sana tama na ang daan na dadaanan natin ngayon." sabi ko.
"Sana nga! pero mas ok narin na napunta tayo dun dahil alam na natin kung paano sila mapupuksa." ani Hinder.
At tinahak nila ang kanang daan.
.
.
.#end of chap 26
BINABASA MO ANG
Mga Nilalang sa Probinsya(COMPLETED)
HorrorHindi lang mga aswang kundi pati mga engkanto ang kanilang makakasagupa. .. #1 in ASWANG #1 in Engkanto (08/16/18) #1dilim (08/16/18) #1dreamersaward2018(09/19/19) #dilim(04/24/2021) Highiest achievement Rank - #6 in HORROR 06/23/18 Enjoy reading!!