A/N: Sa lahat ng mga wrong grammar at typos ko po, pasensya na kc hindi pa po ito edited. Ma'eedit ko po kapag tapos na ang story...kaya pasensya na talaga sa mga perfectionist dyan...tao lng po ako nagkakamali..hehe
Basta maraming salamat sa readers na nagvovotes at nagcocomments pati narin sa mga silent readers dyan.
Here it goes
Chapter Twenty Nine
**Jane POV**
Kahit may nawala na naman samin, kailangan naming kumilos para ipagpatuloy naming mga naiwan ang buhay sa pag-asang matatapos din ang kadilimang bumabalot sa buong mundo.
"Malapit ng maisilang ang sanggol na magiging hari nila, kailangan nating maging handa sapagkat babalik sila upang muli maghasik ng kapahamakan. Buong mundo na ang kanilang paghahasikan dahil kapag nabusog na silang lahat sa kanilang ginanap na pyestahan,gagawin nilang mga aswang ang mga tao. Ang iba naman ikukulong lang nila upang gawing pagkain." mahabang saad sa aming lahat ni Lola Sepang.
"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ng isang Manong na kasama namin dito sa templo.
"May daan sa ilalim ng templong ito papunta sa isang kweba. Doon ay ligtas tayo. Kailangan lang nating maghanda ng maraming pagkain. May tatlong oras pa tayo, kailangan nating magtungo sa bayan para kumuha ng mga kakailanganin natin unang-una na ang pagkain. Sa tatlong oras na ito, nasa bulwagan at pyestahan lahat ng aswang kaya malaya tayong makakapunta sa bayan." ani lola.
"Paano naman kami maniniwala sayo na walang aswang sa tatlong oras na iyon? nagtataka lang kami kung saan mo nalamang ang tungkol sa mga iyan." saad naman ng isang ginang.
"Nangyari na ito 500 years na ang nakakalipas. Nabasa ko ito sa talaarawan ng aking mga ninuno. Nakasaad duon ang mga pangyayari na mangyayari uli ngayon. Kaya kung sa ayaw nyong maniwala, bahala kayo!" napataas ang busis ni lola.
Nagyukuan ang mga grupong nasa gilid na nagtanong sa kanya dahil sa kitid nitong mga utak.
"Sige na! pumunta na kayo ng bayan para sa mga pagkain. At sa oras na biglang umaraw, hudyat iyon ma isinilang na ang sanggol at mas malakas na ang aswang. Mapapasok na nila ang templong ito at hindi na sila takot sa araw."
Sa mga ipinaliwanag ni lola, lahat ay nagpasyang lumabas para kumuha ng pagkain at bumalik bago matapos ang dalawang oras.
Sinabi din ni kuya ang tungkol sa sekreto ng mga aswang na pwedi silang mapuksa kung mapuputol o mawawasak ang pulang puno na pinagkukunan nila ng buhay.
"Sasama na kami sa inyo ate." ani Sel ng naghahanda na kami para umalis.
"Hindi na Sel, sumama na kayo sa pagpunta sa kweba. ligtas kayo dun." ako.
"Ate naman, gusto kong makatulong sa inyo ni kuya." pagpupumilit niya.
"Oo nga naman ate Jane! kuya Hero! please payagan niyo kaming makatulong para mapuksa ang mga aswang! gustong-gusto ko pong maipaghiganti si kuya Reid at ng mga magulang ko." si Kim naman.
Hindi ko pala na kwento na namatay na ang daddy at mommy ni Kim dahil nabiktima ito ng mga aswang.
"Pero dilikado!" ani kuya.
"Kung ganito nalang lagi ang mangyayari na puro kadiliman nalang at paghahasik nila, gusto kong makatulomg para puksain sila kahit pa buhay ko ang kapalit." disididong-disidido na wika ni Kim.
"Sige na nga, sumama na kayo! wala ng oras. Kailangan nanating umalis." ani kuya.
"Ako din sasama! para sa mga kaibigan kong nawala!" sabat ni Lhurdy na kanina pa pala nakikinig.
.
.
.
Naghanda sila kuya ng mga baril na may basbas at langis na may insenso.Bali, ang may baril sa amin..si kuya Hero, Lhurdy, at Sel. Tatlo lang kasi ang available.
Si Kim naman, may manipis pero mahaba syang itak na dala.
Ako naman, may tatlong punyal na bigay ni lola Sepang na nakuha ko sa bahay nila. Isinuksok ko ang mga ito sa bewang ko para agad kong mabunot sa oras ng sagupaan. At dala ko rin ang isang paris ng aking potential arnis.
Tinalian namin ng tela ang aming mga braso para proteksyon narin na hindi agad kami magkasugat.
Handa na kami para umalis.
"Mag-iingat kayo mga anak. Sana makabalik kayong magkakapatid na ligtas pati mga kasama niyo. Sana balikan niyo pa ako. Gustong-gusto ko kayong makasamang muli mga anak." umiiyak na sabi ni nanay.
Wala na kasi siyang nagawa sa mga naging pasya namin.
"Upo nay, pangako babalik po kaming lahat ng walang labis at kulang." pangako ni kuya kay nanay.
"Oh sya sige, lumakad na kayo."
.
.
.
.
.**Reid POV**
Muntik na kaming mapatay ng mga aswang kanina ng harangan at palibutan kami ni Hinder. At nagdatingan pa ang tatlong engkanto kasama si Vaseh ba yun? ang engkantong nagkakagusto kay Hinder.
Muntik na nila kaming patayin pero napigil ni Vaseh at isasama na sana kami sa kanila ng marinig naming lahat ang tunog ng isang kampana.
Lahat sila napatingin sa taas at ang pagkakataong yun ang naging dahilan para tumakas at tumakbo nanaman kami.
Nagtaka kami dahil kahit ni isa walang sumunod samin. Hanggang sa mapagod kami at nagpahinga.
Hindi namin namalayang nakatulog kami sa puntong yun kaya kagigising pa lamang namin ngayon.
Madilim parin ang paligid pero naaninag na namin ang baranggay Maydolong na patay sindi ang mga ilaw. Marami siguro ang nasiramg poste at naputol na pole wire.
Para namang malapit na ang katapusan ng mundong ito.
"Saan tayo kukuha ng gasolina?" tanong ni Hinder.
"Sa gas Station! siguradong walang bantay dun maliban nalang kong may aswang." sagot ko.
"Ano kayang nagyari? bakit wala na ang mga aswang? nagsibalikan na ba sila?" maraming tanong na bigkas ni Hinder.
"Nakakapagtaka nga, di kaya...nangyayari na ngayon ang sinasabi nilang pagkasilang ng sanggol?" naisip ko.
"Pwedi din kaya bilisan natin. Pero pwedimg dumaan muna tayo sa bahay nila Jane? ipaalam lang natin sa kanila na ligtas na tayo." aniya.
"Tama ka! punta tayo sa bahay kung naroon pa sila. Baka kasi nakuha nanaman sila ng mga aswang."
Nagtungo mga kami sa bahay nila Jane pero ni bakas o anino wala sila roon. Magulo sa loob na parang may bagyong dumaan. Tanggal ang pinto at sira ang mga bubong.
Napatiim bagang ako.
Paano kung wala na sila? Paano kung may nangyaring masama sa kanila?
Halos din mapaiyak si Hinder sa mga nakita sa loob. Isa nalang ang naipapanalangin namin na sana buhay pa sila at nasa mabuting kalagayan. Pero kapag naiisip ko din na wala na sila parang tinutusoktusok ang puso ko.
Napasuntok pa ako sa dingding.
"Kasalanan ko to!! hindi dapat nagpaloko sa engkantong yun!!!! walang hiya sila!!!!!!!!" galit na galit ako.
.
.
.
.#end of chapter 29
BINABASA MO ANG
Mga Nilalang sa Probinsya(COMPLETED)
HorrorHindi lang mga aswang kundi pati mga engkanto ang kanilang makakasagupa. .. #1 in ASWANG #1 in Engkanto (08/16/18) #1dilim (08/16/18) #1dreamersaward2018(09/19/19) #dilim(04/24/2021) Highiest achievement Rank - #6 in HORROR 06/23/18 Enjoy reading!!