A/N: sori tlaga readers kung ngayon lang ako nakapag-UD...busy po tlaga at.... na-blockminded ako kung anu ang mga eksenañg susunod.
.Keep Update lng po dahil marami pa po itong mga rebelasyon o marami pang magaganap....peo kung gusto niong end agad pwedi din...basta hanggang 30 chapter gusto ko.
.
.ito na po KingMarjohn user74092685 elverjuly16 marilynleona10 EcargOlecram
Chapter Twenty Two
*Jane POV**
Para akong sinusuntok sa nakikita ko kung paano sakalin ni Rolwela ang nanay ko.
Sumusubra na talaga siya.
"Sinabing bitawan mo si nanay eh!!!" galit na galit na bigkas ko. Halos umusok ang ilong ko sa galit.
Tiningnan lamang ako ni Rolwela at pasalamat siya binitawan nya sa puntong iyon si nanay.
"Tama na yan Rolwela!" anang nakamaskarang aswang. "Magpupulong na tayo sa bulwagan.Ang mabuti pa asikasuhin mo ang mga yan para hindi makatakas." patuloy nito.
Isa-isa kaming tinalian gamit ang pagwasiwas lamang ng maliit na dwende. Sa isang iglap lang nakatali na kaming lahat.
Ano nga ba ang laban namin sa mga uri ng nilalang na ito?
Lord, help us🙏
Napapikit nalamang ako at nanalangin.
Ilang saglit pa ang lumipas ay naalala ko si Hinder. Bakit hindi ko siya makita rito kung nakuha din siya kagabi ng mga aswang?
At si Reid? bakit isinama siya ni Lusey sa pagpupulong nila? Ano ang gagawin nila kay Reid.
"Ate Jane? anong gagawin natin ngayon? katapusan na ba natin? matutulad ba tayo kay Jes?" napapaiyak na turan ni Kim.
"Hindi Kim! basta manalangin lang tayo alam kung may kaligtasan pa tayo dito." sagot ko para lumakas ang kanilang loob.
Alam kong lahat kaming narito ay takot na takot. May mag-iinang nag-iiyakan sa tabi. Nakakaawa sila ng subra.
"Makinig kayong lahat sa akin!" biglang sulpot ng dwendi sa harap namin.
"Nagpulong-pulong kami na may ilan sa inyong makakabalik ngayon sa inyong mga tahanan." dugtong na simula na sabi nito.
Nagbulungan ang mga taong naroon maliban samin.
"Bakit? ano ang kapalit ng kalayaan ng ilan sa amin?" ani lola Sepang.
"Wag na kayong magtanong. Ang mahalaga makakauwi kayo!"
Sa bilis ng pangyayari ay para akong wala sa sarili nang makitang nasa taas sina Reid at Hinder kasama ang mga aswang at engkanto.
Nakangite sila sakin bago kami lamunin ng usok para ibalik sa mga bahay namin.
Hindi!!!!!!
Iisa lamang ang ibig sabihin nito! sumama sila Reid at Hinder sa kanila para sa kaligtasan namin!!
.
.
.
**Lhurdy POV*Dahil sa mga nangyari, lahat kami ay balisa. Hindi kami makapaniwalang hindi na namin makakasama si Hinder at Reid dahil ayun kay Lola Sepang, mas pinili nilang sumama sa engkanto para hindi nila kami saktan.
"Bilisan niyo! huwag nating aksayahin ang kanilang sakripisyo. Kailangan mo na nating magtago sa isang ligtas na lugar hanggat hindi pa natatapos ang mga gabi ng kadiliman." ani lola Sepang.
"Pero bakit pa po tayo kailangan magtago? eh hindi naman na po tayo aanuhin ng mga aswang at engkanto dahil nga may pinagkasunduan na?" si Berna naman ang nagsalita.
"Tuso ang mga nilalang na iyon. Kahit pa iyon ang sinabi nilang hindi na nila tayo sasaktan, wag tayong makampante dahil hindi dapat sila pinagkakatiwalaan. May alam akong lugar kung saan hindi sila makakapasok."
"Saaan yun lola?" -Kim.
"Sa templo! naroon iyon sa itaas ng bundok banda sa bahay ko. Matagal ng walang pumupunta roon kaya halos hindi na makita dahil sa mga nagtataasang mga puno at damo. Ligtas ang lugar na iyon sapagkat may basbas ang ating Diyos roon. Doon ako nakapagtago kaya hindi ako napatay nina Rolwela noon." mahabang paliwanag ni Lola Sepang.
Wala na nga kaming sinayang kahit segundo. Mabilis kaming nag-empaki ng mga gamit na kakailanganin namin.
Mga damit at pagkain ang pangunahing inihanda namin. Hinikayat din namin ang mga kapit bahay kung sasama sila. May mga sumang-ayon na sumama pero may ilan ding hindi. Total daw pinakawalan na kami ng mga aswang, hindi na daw iyon babalik sa baranggay na ito para maghasik ng lagim.
Hindi parin talaga nagpapakita ang araw na alas onse iyon ng umaga pero dahil nga sa napakaitim na kalangitan, hindi nga maaninag kahit kunti ang araw ngayon.
Kailan pa kaya matatapos ang kadilimang ito?
O
Matatapos pa kaya?
Parang wala na akong nakikitang paraan para bumalik sa normal ang lahat. Puro takot nalang ang nararamdaman namin.
Ilan pa sa amin ang pweding mawala?
"Hoy Lhurdy!! bilisan mo dyan!! hali ka na! aalis na tayo para makarating sa templong sinasabi ni lola." pukaw ni Sel sa pag-iisip ko.
"Ha? a..e...sige andyan na!"
#Fast forward####
Habang na sa madamong daan kami patungong templo ay napansin kong wala na si Jane at Berna sa pagsunod samin.
Medyo nasa unahan kasi kami nina lola Sepang, Aling Ella, Kim, Sel at yung batang niligtas namin nong isang gabi. Nagpahuli naman sina Berna at Jane para daw sila ang tumingin-tingin sa likod. Yun pala may plano ata ang dalawa na umalis.
.
.
.#end of dz chap...
BINABASA MO ANG
Mga Nilalang sa Probinsya(COMPLETED)
HorrorHindi lang mga aswang kundi pati mga engkanto ang kanilang makakasagupa. .. #1 in ASWANG #1 in Engkanto (08/16/18) #1dilim (08/16/18) #1dreamersaward2018(09/19/19) #dilim(04/24/2021) Highiest achievement Rank - #6 in HORROR 06/23/18 Enjoy reading!!