A/N: Dahil mahal ko kayo readers, I decided to UD kahit wala pa talaga akong ending....pero 5 chapters naman ang madadagdag...sana mag-enjoy kayo....
..Namiss nio ata ang ating bida. Wag kayong mag-alala dahil sasamahan na natin siya uli sa pakikipagsagupa sa aswang at eñgkantoss...heehe..
.
.
Dedicated to: AnthonyBalandra airationgson5 JulieMaeCamu Quadroqueen27 lisaventuragaralde user71019599 KingMarjohn iamsohappee warletselda85 StringStringHeartHere it goes!!!
Chapter Twenty Four
**Jane POV**
Nandito kami ngayon ni Berna sa daan patungo sa gubat na kinaroroonan ng mga aswang at engkanto. Madilim man ay hindi namin iyon ininda.
Kandila at gasera ang gamit namin sa daan para maaninag namin ang daan.
Buo ang loob namin ngayon na puntahan ang mga aswang at engkanto para bawiin sina Hinder at Reid. Kahit imposibling maligtas namin sila gagawin pa rin namin baka sakaling maawa ang Diyos.
Malayo na ang nalalakad namin para hanapin ang gubat na iyon pero hindi namin makita. Paano nga ba namin mahahanap yun kung engkanto na ang may gawa.
"Pagod na pagod na ako bessy pero di parin natin makita ang gubat na kinaroroonan nila. Ano na ang gagawin natin ngayon?" ani Berna. Kami lang dalawa ngayon dahil hindi kami nagpaalam kina nanay at lola Sepang. Paniguradong nag-aalala na sila.
Alam ko naman ang kinaroroonan ng templo kung sakaling bumalik kami. Itinuro yon ni lola Sepang noong mga bata pa kami.
Nakwento niya yun dati na ang templong yun ang nagligtas sa buhay niya nong sugurin at patayin lahat ng pamilya at kamag-anak niya.
"Pahinga muna tayo dito kahit sandali." anyaya ko kay Berna.
"Mabuti pa nga. Lagyan muna natin ng pagkain ang sikmura natin." -siya.
Kinuha niya ang kanyang backpack na may lamang tubig, pagkain at damit.
Ganun din ang ginawa ko at nagsimula na kaming kumain sa ilalim ng isang puno.
May dala akong isang supot ng asin at insenso. Binudburan ko ang paligid ng asin baka sakaling may aswang at hindi sila agad lumapit samin.
"Anong oras na ba ngayon?" tanong ko.
"Mag-aalas' nwebe ng gabi. Grabeh halos 8 hours na tayong naglalakad pero wala pa din tayong nakikitang kakaiba. Di ba nakapunta ka na dati sa mundo ng mga engkanto nong iligtas mo si Hinder? Paano mo pala nahanap at nagawa yun?" mahabang sabi niya.
"Iyon nga ang hinahanap ko baka sakaling naroon ang bulwagan ng mga aswang at engkanto." ako.
"Oo nga no? Saan kaya matatagpuan ang bulwagan na yon. Wala naman tayong magic di tulad ng mga engkanto kaya papano tayo makakarating dun?"
"Alam kung narito yun. Nililinlang lamang ng mga engkanto ang paningin natin."
Mabilis naming tinapos ang pagkain. Saktong nabalik nanamin sa bag ang lahat ng nagamit namin sa pagkain nang may marinig kaming kaluskus.
BINABASA MO ANG
Mga Nilalang sa Probinsya(COMPLETED)
HorrorHindi lang mga aswang kundi pati mga engkanto ang kanilang makakasagupa. .. #1 in ASWANG #1 in Engkanto (08/16/18) #1dilim (08/16/18) #1dreamersaward2018(09/19/19) #dilim(04/24/2021) Highiest achievement Rank - #6 in HORROR 06/23/18 Enjoy reading!!