Chapter 15

89 1 0
                                    

"Karen. Okay ka lang?" Hindi ako sumagot. Graduate na ko pero dapat masaya ako ngayon. Pero after another heartbreak, I just want to collapse.

"Gusto ko sila makita."

"Ha?"

"Yung nanay at tatay ko. Yung totoo kong mga magulang. Gusto ko malaman kung bakit nila ako pinamigay. Gusto ko malaman kung ba--"

"Karen." Umiiyak na ko. "I'll come with you to Baguio. If you want to see them."

"Huh?" Inalis ko yung tingin ko sa labas ng kotse at tumingin kay Ate. "Alam mo kung nasaan sila?"

"Aa-- No. Not really."

"Eh--"

"Not now. Look, kung gusto mo lang hanapin yung mga magulang mo para makatakas sa pagbbreak niyo ni Derrick, hindi magandang idea yun. Ibang distraction ang gamitin mo." Ang sakit nnman ng chest ko. Ang lalim ng paghinga ko at ang bilis. Ang sakit.

Tumigil si Ate sa may driveway ng bahay. Lumabas ako kagad ng kotse at pumasok ng bahay. Nakita ko si Dave nanonood ng TV pero hindi ko siya pinansin. "Karen!" Umakyat na ko sa stairs at pumunta ka sa kwarto ko. Pero nakalock to. Tinaas baba taas baba ko handle pero nakalock.

"ATEEEEEEE!!" Sumigaw ako habang binubuksan yung pintuan pero walang Ateng pumunta. Sa sobrang pagkafrustrate ko, bumagsak ako sa sahig at umiyak. Nakasandal yung likod ko sa pintuan. Niyakap ko yung tuhod ko at dinikit yung noo ko sa tuhod ko. Umiyak ako.

"Karen." 

"..."

"Karen." May humawak sa ulo ko.

"Wag mo ko hawakan."

"Karen, bakit?" Tinignan ko si Dave at nakita siyang nakaluhod sa harapan ko. Pinatong ko ulit ying noo ko sa tuhod ko at umiyak. "Ssssh." Tumabi siya sakin at inakbayan ako. Yung braso ko nakapatong sa dibdib niya. "KRISTINAAAAA!"

"MANAAAAAAANG!" Sigaw niya ulit. Maya maya may narinig akong yabag ng paa.

"Ser?"

"Si Kristina nasaan?"

"Hindi pa po pumapasok."

"Pakibuksan nga yung pintuan ni Karen."

"Ay teka ser."

Narinig kong umalis na yung tinawag ni Dave. Nagsalita siya ulit. "Hindi ba ikaw nakakuha ng award, kaya ka umiiyak?" Suminghot ako. "Karen."

"Ayokong--Ayokong pag usapan."

Hinagod hagid niya yung braso ko. Yung mukha ko nakatago pa rin sa mga tuhod ko. Nakarinig ako ng mga susi na nagtatama. At binubuksan yung pintuan ko. "Okay na ser."

Tinaas ko yung mukha ko. Nakita ko si Manang na pababa na ng hagdan.

"Halika." Tinulungan ako tumayo ni Dave. Hindi. Binuhat niya ko. Binuhat niya ko at pinasok sa kwarto. Pinaupo niya ko sa kama.

Nakatulala lang ako pero tumutulo pa rin yung luha ko. Tinatanggal ni Dave yung toga ko. I flinched. "Anong ginagawa mo?"

"Ano.."

"Makakaalis ka na."

"Ka--"

"MAKAKAALIS KA NA." Huminga ako ng malalim. Ayoko magalit. Kasi hahagulgol nnman ako.

"Okay." Naglakad siya palabas ng kwarto. Hindi ko siya tinignan pero nakikita ko sa peripheral vision ko na tumigil siya sa pintuan para tignan ako.

Pagkasara ng pinto, kinuha ko yung bag ko at tinignan yung phone ko. 3 new messages.

From Bea

Congrats satin guys! See you on 28! GM~

LIVE WITH ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon