[22-C] MVP ang boyfriend ko.

64 1 0
                                    

Pagdating sa pool nag cannon ball kagad si Derrick. "CANNONBALL!"

Nagtawanan naman kami ni Jessica at Eric.

"K! Tara na!"

"Um. Okay." Tumalon ako sa pool. Pag-ahon ko nasa harap ko na si Derrick. Op! Bare skin. Pagtingin ko kina Jessica may kausap na silang mga lalaki. Si Derrick umahon para puntahan si Eric. Sinundan ko siya pero di ako makaahon. May nakahawak sa paa ko hanggang sa hinila ako pababa.

I jolt awake.

Nigtmare. Nasa kwarto pa rin ako ni Derrick. Nakatalikod ako sakanya. Nung tinignan ko siya nakatalikod din siya sakin. Tumayo ako at nagCR para maghilamos. Paglabas ko umikot nnman si Derrick. Sumilid ako sa kama at inikot ko sakin yung kamay niya kaya yakap niya ko. Natulog ako kagad.

"K."

"Hmmm."

"K..."

Ayoko pa. Wait.

"Karen."

Wait. Kakapikit ko lang ng mata ginigising na ko.

"Late na. Magsswimming pa tayo."

"Aymmhjko hmaswimmg."

"Ha? Karen, please. Gising na." Nirub niya yung ilong niya sa pisngi ko tapos kiniss niya ko sa pisngi. "Huuuyyy."

"Hmmm." Tinakpan ko yung mukha ko. Pero tinutusoktusok niya lang yung gilid ko.

"Gigising na yan."

"Waag."

"Gigising na yan."

"Derrick, wag."

"Gising naaaa." tapos kiniliti niya na ko ng todo. Pero nasipa ko lang siya. "Agh."

"Wag ka magulo."

"Karen!"

"Derrick!"

Nanahimik din siya. Jusko-- "Aaaaaah!!" Binuhat niya ko. Yung tiyan ko nasa balikat niya. Wow ah. Ang gaan ko naman masyado.

"Ayaw mo bumangon ah. Hulog kita sa pool e!"

"Derrick!" Nilabas niya ko sa sala.

"Wow. Some scene here. Ayaw bumangon?" Bwelta naman ni Jessica.

"Ayaw e. Kunin mo na nga yung pangligo niya sa gamit niya."

"I thought wala silang pangligo?"

"Yung short niya tsaka yung jersey ko na black and white. Basta. Babae ka. Bestfriend mo--"

"AKO NA MAG AAYOS! IBABA MO NA KO! ANG SAKIT SA TYAN!"

Binaba naman niya ko at ginulo yung buhok ko. "Good girl."

Di ko siya pinansin at pumunta nalang sa kwarto. Gawa gawa ng plano, di man lang ako tinatanong kung gusto ko. Ginising ako kahit gusto ko pa matulog.

"Aaaaaaaaaarrrrrhhhhhh!" Sumigaw ako nang nakatakip sa mukha ko yung unan.

Paglabas ko, nandun na silang lahat nagtatawanan. Psh. Badtrip ako. Wag silang eepal ngayon.

"Oh! Bes! Ayan na. Let's go na."

Lumabas sila ni Eric at inantay ako ni Derrick sa pintuan. Subukan mong basahin yung isip ko, maiinis talaga ako.

"Galit ka?"

"Really? Hindi mo alam?" Tumakbo ako kay Jessica.

"Oh, girl. Bakit-- Okay. Someone's in a bad morning."

LIVE WITH ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon