[30] Midterms

18 0 0
                                    

[Sorry ang tagal ng update. Tatry ko ulit mag-update sa Friday. After nun, baka matagal na ulit bago makapag-update pero magsesem break na rin naman so tiis tiis lang. Thank yooouuu. ❤]

XXXXXXXX

The nightmares are back.

Kung hindi ako makatulog, lagi akong nagigising ng hatinggabi. Normally 2AM.

Minsan, okay naman yung panaginip ko. Sadyang nagigising lang talaga ako ng madaling araw. Siguro namimiss ko lang yung kwarto ko.

--

"Narinig niyo ba yung kay Robin Williams?"

"Ah. Oo. Shet. Nagsuicide daw."

"Grabe. Nakakalungkot. Di mo akalain e no."

"Ano? Sino?" Tanong ko kina Nica at Anne.

"Si Robin Williams. Gumanap na Teddy sa Night at the Museum. Mrs. Doubtfire. Peter Pan sa HOOK. Siya rin nagboses kay genie sa Alladin. Comedian. Sa Jumaji."

Inisip ko mabuti. Omg. Siya? "Patay na?" Gulat kong tanong.

"Oo. Di mo alam? Kalat ngayon sa twitter at facebook. Grabe nga e. Nakakalungkot talaga."

Parang nung isang linggo, pinalabas sa Star Movies yung Night at the Museum tapos wala na siya? Ang bilis. I guess some things doesn't last forever.

"Bakit suicide? Sino nagsabi?"

"Eh walang ibang nakikitang dahilan ng pagkamatay e. Nakita nalang na deds na siya."

"Grabe. Bakit ganuuuuun."

**

Chineck ko yung twitter ko pagkauwi ko. Oo nga. Trending RIP Robin Williams. Grabe naman.

Oh wait. May nakita pa ko. Sa isa kong finafollow. @PoemsPorn

And I wish we weren't so far apart because distance kills and I don't want to give up but sometime soon, I'll break and you're too far to pick up the shattered pieces of my heart that you haven't left on the cold, lonely floor. -I.A.

Since yung nangyari nun sa grocery, napapadalas yung away namin. Kesho bakit daw ako nagpapapasok ng lalaki sa condo. Hello? Friends ko naman sila e.

Pumunta kasi sina Carlo, Denisse, Liam, Paula, Nica at Anne samin last time. Gumawa ng report. Di ba magkagroup din kami.

Tapos may time nalaman niya na hindi na ko sumasabay kina Jessica. Eh hello? Hihintayin pa nila ako kapag late kami pinalabas? Kainis. Hays.

Kesho nung nagskype kami nangangayayat daw ako. Di daw ako kumakain ng tama. KUMAKAIN NAMAN AKO! JUSKO! Huhuhu. Nako.

Kaya ayun.. Umonti na yung times na nagvivideo call kami. Lagi nalang message na hindi online yung isa. Natatakot ako. Na baka malayo kami sa isa't isa. Sino bang may kasalanan? Nahihirapan akong sabayan siya.

Pagtingin ko sa skype, nagmessage siya. Ngayon lang. Hmmm.

DCastro: Hey.

KarYala: Hello.

DCastro: Kamusta?

KarYala: Midterm week na next week. Nakakapressure.

DCastro: You can do it. I know you can.

KarYala: Ikaw, kamusta?

DCastro: Okay.

See? End of conversation na namin yan.

Chineck ko one last time yung twitter ko. May nakita akong tweet ni Paula.

LIVE WITH ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon