[23] Bye, D.

61 1 0
                                    

"Good morning." Napangiti ako sa ngiti ni Derrick. "Sleep well?" Tumango ako. "No nightmares?" Umiling ako. "Good." Kiniss niya ko sa cheeks at tumayo na siya.

"Anong oras na?" Walang gana kong tanong. Medyo nakapikit pa ko.

"Six am." Ang aga pa. Inayos niya yung unan niya at binaba yung tshirt ko na nakikita na yung balat ko sa gilid.

"Maaga pa. Matulog ka muna." Kiniss niya ulit ako.

Hinawakan ko siya sa forearm. "Ikaw?"

"May gagawin lang."

"Dito ka lang, please."

"K.."

"Please."

"Babalik din ako. Di pa ko aalis. Matulog ka pa. Dali na. Goodnight." Kiniss niya ko sa noo at pumikit ulit ako.

Sa panaginip ko nasa meadow ako. Yung parang sa movies. Tapos may isang bahay. Pagkapasok ko, nagtawag ako. "Tao po?"

"Karen." Boses ng lalaki. Medyo mahina. Pero parang kay Derrick yun.

"Derrick?"

"K." Nag eecho yung boses niya.

"Derrick?"

Pagtalikod ko nandun na sa kusina sa may pintuan si Derrick, may dala siyang basket ng prutas at gulay. Nakatingin siya sakin.

"Asan tayo?"

Nagbuka yung bibig niya pero wala akong marinig.

"Hindi kita marinig."

Bumuka ulit yung bibig niya at tumawa siya.

Nagising ako bigla at naririnig ko yung malakas na pagtawa ni Derrick. Nakaamoy ako ng butter.

"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA!!!!!!" Nakahawak pa siya sa tyan niya habang tumatawa.

"Anong nakakatawa?"

"Nagssleeptalk ka. HAHAHAHAHAHA."

"Anong sinasabi ko?"

"HAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Ang sakit ng tyan ko!"

"Ano ba!" Natatawa kong sabi.

"GRABE. ANG CUTE MO!! HAHAHAHAHAHA!"

"Derrick!!"

"Hindi na. Hindi na." Umayos siya ng upo at tinakpan yung bibig niya. Nagpipigil ng tawa. Niliitan ko siya ng mata tapos tumawa nanaman siya.

"AYOKO NA. HAHAHAHAAHAHA!!!"

"Ano ba!" Malapit na ko mainis.

"Hindi na talaga." Umayos siya ng upo tapos kiniss ako sa pisngi. Nawala kagad yung inis ko. "Tara kain." Hinila niya ko patayo.

"Wait. Hilamos."

"Wag na. Maganda ka naman kahit hindi ka maghilamos." Ano bang definition niya ng maganda at nasasabi niya yun?

"Toothbrush?"

"K!"

"Okay fine! Hindi na!" Hinila niya ko patayo pero nagpapabigat ako.

"K, ano ba? Lalamig yung niluto ko."

"Ayaw ko pa tumayooooo." Tinaklob ko yung kumot sakin.

"Ayaw mo ha." Sinikipan niya yung pagkakabalot ko sa kumot. The next thing I know, baging lumpiang ubod na ko at ang balat ay ang kumot. Nagtatawanan kami at halos hindi na ko makahinga. Nung naghihingalo na ko sa kakatawa, tinanggal niya yung kumot sa may ulo ko. I mean, nilabas niya yung ulo ko. Whatever you call it.

LIVE WITH ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon