[22] Hello Philippines! Hello Derrick! At sino si Mary Anne?!

69 1 0
                                    

Hongkong ba kamo? Macau ba kamo? OOTC? Pfft. Di masaya. Lalo na kung sinama ka lang para maging taga picture. Nag away pa kayo ng nanay nanayan mo. Yung tatay mo hindi ka pinapansin. Yung Ate mo walang magawa. Miss ko na si Derrick. Oo. Nag uusap kami sa skype. Pero dahil sa mga nangyayari ngayon samin ni Ma, ay nako.

Nagpunta kami sa

Ayos lang. Maganda. Pero mas okay sana kung hindi ka left out. Gusto ko na umuwi. Sobrang bagal ng oras kapag nasa hotel lang kami. Yung feeling na 10:00 tumayo ka para kumain, pagkatapos 10:12 plang? Sana nagdala ako ng libro. Para may magawa ako kapag nakahilata lang ako sa kama.

Well! Mamaya na kami uuwi! I can't wait! Uuwi ako sa condo. Tapos sabi ni Derrick susunduin niya raw ako. Magkausap kami nun sa skype e.

"Bakit? San tayo punta?

"Samin."

"Bakit?"

"Anong bakit? Wag ka na magtanong! Basta ah. Wag mo na isipin yung damit mo. Palaundry nalang natin."

Hah. AT ayun. Pero ayokong dumating ang May 16. Kapag iniisip ko yun, bumibigat pakiramdam ko. Parang may suot ako na kwintas na anchor na malaki.

"Okay ka na?" Tanong ni Ate habang naglalagay siya ng make up.

"Huh? Oo." Napangiti ako bigla, knowing na magkikita na ulit kami ni Derrick.

"Sigurado ka sa condo mo ikaw uuwi? Gusto mo sumama ako?"

"Wag na!" Sigaw ko kagad. "I mean, aayusin niyo pa yung kasal niyo di ba? Tsaka.. Si Mommy tsaka si Daddy ayaw naman ako kasama. Tsaka yung unit ko kailangan ko icheck."

"Kelan ka uuwi?"

"Friday. Or Saturday."

After ng pag uusap namin, bumaba na kami para magcheck out. Nakapila na si Dad. Habang kami, naghihintay. 15 mins lang, tapos na siya. Wow. VIP kasi. Yung iba naghihintay pa ng isang oras. Check out lang yun ah.

Paglabas namin, naramdaman ko kagad yung init. I hate summer. Gabi na nga e ang init pa. Nandun yung bus ng hotel na tinuluyan namin. Yung maghahatid samin sa airport.

Maya maya, nasa malaking bahagi na kami ng airport. Upuan dito. Upuan dun. FA dito, FA dun. Pintuan dito, pintuan dun. Pero ang nakaagaw ng atensyon ko yung mga eroplano na tanaw mula sa loob. Glass lang yung nagseseperate ng loob at labas ng airport kaya kita mo yung runway. May malaki, may maliit. May nakita pa ko na isang eroplano. Malaki. Tapos sa tail niya, nakita ko yung nakasulat.

AA

Naisip ko kagad si Anastacia at si Alicia. Si Greg na tatay ko kuno. Hindi niya siguro sinabi kay Alicia na may kakambal siya. I mean, hahanapin ako ni Alicia kung alam niyang may kakambal siya di ba? Ang dami kong tanong sa utak ko. Bakit niya kami iniwan ni Mommy Lucia? Bakit dinala niya si Alicia, ako hindi? Kahit kelan ba hindi niya ako naisip? Na may isa pa siyang anak na naghihintay at nag aabang sa kanya?

"Karen uy. Bat ka nakasimangot?"

"Ha?"

"Tara na. Boarding na."

Kinuha ko yung shoulder bag ko at sumunod na kay Ate. Sinilip ko ulit yung AA na eroplano. Sobrang laki niya. Yun siguro yung eroplanong may second floor? Tama ba? Hmn. Hinila na ni Ate yung braso ko dahil sa naiiwan na ako sa pila.

TWO HOURS.

Two hours ako nakaupo, naglalakad, nakatayo habang nag iisip. Ang hirap kapag wala kang ginagawa. Wala kang magawa kung hindi mag isip. At trust me, hindi maganda ang naiisip ko. May time, nasa eroplano plang kami papuntang Manila. Naisip ko si Derrick. Na aalis na siya. Feeling ko natutunaw ako. Feeling ko may nagpipiga ng puso ko. Yung labi ko nanginginig. Ewan ko ba. Kapag iniisp ko na aalis na si Derrick, nalulungkot ako. Sobrang nalulungkot.

LIVE WITH ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon