[30B] Another fight?

16 0 0
                                    

Paggising ko ng umaga, 7AM na. Dalawang oras lang tulog ko. Lahat tulog pa. Kaya bumangon na ko para mag-isip ng kakainin nila.

Kumakain ba sila ng tuyo? Pusit? Itlog? Ano ba kinakain nila. Er. . .

Pero sumagi nnman sakin yung message ni Derrick. After kong mabasa yun, hindi ako natulog. Hinintay ko siya tumawag ulit. Magfafive na ko nakatulog pero wala miski isang ring galing sakanya.

Sobrang kinakabahan na ko.

"Aga ah."

"AYSUSKOPOMARIA--WHATTHEHELLCARLOANOBA."

Tumawa nalang siya sa reaksyon ko at nagmake face ako sakanya. Bwiset.

"So anong breakfast?" Binuksan niya yung ref. Tapos yung freezer.

Walang laman e.

"Sabi sa inyo, wala kaming food e."

"Edi magmarket. Saan may market dito?"

"Sa pasig ata."

"Tara. Akong bahala. Maaga pa naman e."

"Uh. ."

Bumalik siya sa kwarto at sinundan ko naman siya. Kinuha niya yung bag niya at nagpunta ng CR.

Uh. . . Tama. Magpapalit. HAHAHAHA. Kumuha ako ng tokong at sando. Hello? Mainit. Tshirt lang naman siya na ginupit yung sleeves e.

Paglabas ni Carlo nakashort din siya panglakad. Nilagay naman niya yung forefinger niya sa labi niya. Sssh daw. Nilabas naman niya yung phone niya at tinuro sina Liam at Denisse.

Ahhh. Okay. HAHAHAHA.

Pumasok na ko ng CR at nag-ayos.

Paglabas ko, si Nica naman pinipicturan niya. HAHAHA.

"pssst!"

"oo wait lang."

Bulungan namin. Lumabas naman na ko ng kwarto at nagtali ng buhok habang binubuksan yung lock ng balcony. Nag-iwan din ako ng note sa ref.

Went to the market for foods. Stay put. -Karen and Carlo

"Okay na? Tara na?" Sabi ni Carlo sa likod ko.

Sumakay kami ng jeep. Pasig palengke. Er. . Ang awkward. Di pa kasi ako naliligo at hindi ako umaalis ng bahay nang hindi naliligo.

Bumili siya ng hotdog, itlog, tocino at daing na bangus. Oo. Timplado na.

Pagbalik namin sa condo, nasa labas si Andre. Woah. Anong ginagawa nito dito? I mean, nasa tapat kasi siya ng pintuan ko.

"I need to talk to Nica."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wow. Wala man lang good morning?"

"Please. Either palabasin mo siya, or papasukin mo ko."

"Excuse me. Kung gusto niya makipag-usap sayo, makikipag-usap siya sayo. Eh ayaw niya. So sorry!" Sorry not sorry. You playboy.

Kumunot naman yung noo niya at nagsimulang maglakad pabalik ng kwarto niya pero bumalik siya kagad at hinarap kami.

"Can you just tell her na wag ako iignore?"

"Eh kung karapat dapat ka naman kasing iignore, iiignore ka talaga niya." Pumasok na si Carlo sa loob at sumunod ako. Bago ko sinara yung pintuan, nakasimangot siyang nakatingin sakin. Inirapan ko siya. Bwisit.

Pagpasok ko, si Liam, Denisse at Nica nakahalindusay sa sala. Si Carlo ngumingising nakatayo sa may malapit sa kitchen island.

What the hell.

LIVE WITH ITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon