Few years ago.
Ang init naman ng panahon! Para na akong naliligo sa sarili kong pawis.
"Pearl nanganganak kaba dyan sa loob ng banyo? Kanina ka pa dyan e..--reklamo ko. Gusto ko na talagang maligo. Late na ako.
"Ito na nga e..lalabas na ako..tsk! sungit talaga nito."--sabi ni pearl.
"Ba't kaba kasi nagmamadali Amethyst? Aga-aga pa eh 7:00 pa lang ng umaga."--dagdag pa nito.
"First day of work ko po.remember?" sabi ko.Palibhasa wala pa itong trabaho kaya chill-chill lang siya
"Ayy..oo nga pala..buti ka pa may trabaho na, ako maghahanap pa."--malungot na sabi nito. Naawa naman ako dahil sinungitan ko siya.
"Ano ka ba, wag ka ngang malungkot. Kunti na nga lang ang ganda mo, mababawasan pa."--hindi ko alam kung pinapagaan ko loob niya o inaasar..
"Tsk! sama nito. Mabuti na lang kaibigan kita at alam kong ayaw mo lang akong malungkot. Lakas mo talagang mang-asar Pasalamat ka lubs kita."-nakangiting sabi niya.
Ngumiti na rin ako. Alam kasi niyang maganda siya kaya di siya naasar. Maganda naman talaga si Pearl. Mabait pa. Kaya nga swerte akong maging kaibigan siya. Napagtitiisan niya ugali ko. Alam ko namang mapang-asar akong tao. Madalas sobrang honest pa.
Pagkatapos kong maligo direstso na ako sa pagbibihis. Nagmamadali ako, ayokong malate!
Sinusuot ko ang heels ko nang tinawag ako ni Sapphire.
"Oh Amethyst! Kumain ka muna bago ka umalis" Kumakain sila ng pang-agahan ni Pearl.
"Salamat, pero wag na. Late na ako eh.."--ako. Nagkibit balikat lang si Sapphire.
Nang naayos ko na ang sarili at gamit ko. Nagpaalam na ako.
"Sige alis na ako!"-pero bago ako makaalis may pahabol na salita si Sapphire.
"Hoy, maghanap ka don ng papa ha? Dapat yung yummy. Para may kaunting thrill naman buhay mo."--nakangising sabi niya.
"Sapphire magtatrabaho ako dun, hindi maglalandi."--naiiritang sabi ko. Para namang club ang pupuntahan ko. Kahit kailan talaga tong si Sapphire, green mag-isip. Buti na lang si Pearl di ganyan.
"Ams okay lang maglandi. Kahit dalhin mo pa nga dito. Wag lang yung may asawa ha?--nang-aasar na sabi ni Pearl.
"Tumigil nga kayo, Tsk! Alis na ako."--sabi ko. Narinig ko pa mga tawa nila paglabas ko. Binabawi ko na ang sinabi ko tungkol kay Pearl! Di naman silang mapang-asar dati ha..Nahawaan ko yata. Tss! Bad influence ako.Bumabalik tuloy sa akin.
Sumakay na ako ng taksi. Nang tingnan ko ang relo ko. Damn! 5 minutes na lang malalate na ako. At mukhang maiipit pa yata ako sa traffic!
After 30 minutes.
Hayy..Nakarating din sa opisina. Pero whaaw! Late na ko. First day of work pa naman.
Posible bang matanggal agad sa unang araw pa lang ng pagpasok? naman eh.
Naglakat na ako papasok ng office. Bahala na.
"Good morning Miss Rodriguez."
"Ayy..Ninang mong panot!" --naman ehh..sino ba itong nangbibigla. Kinakabahan nga ako, first day of work na nga, late pa. Sama naman ng first impression ko nito. Dadagdagan pa nitong---
"Hi Maam.!"--hyper kong sagot.. Kasi naman si Maam Steph pala..Siya ang masungit na nag-interview sa akin. Laging nakataas kilay nito. Nakakatakot. Parang si Miss Minchen lang sa Princess Sarah. Di ko nga akalaing tatanggapin niya ako ehh..At sa kamas-malasan pa. Siya yata ang boos ko.
"You do know the rules and regulation of this company, right Miss Rodriquez?"--nakataas ang dalwa niyang kilay habang nagtatanong. Sarap gupit kilay nitong matandang hukluban! Aga-aga eh..*sighed* pero kasalanan ko naman. Kaya palalampasin ko na lang.
"Yes Maam. As an employee of this company, I know all the policies that should be followed. And I won't give lame excuse of being late. I'm still late no matter what the excuses are. I know I'm wrong and I'm sorry for that. This will be the first and last time I'll be late. I assure you, Maam."--taas noong sabi ko.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Natigilan e. Tapos ngumiti siya nang konti. Problema nito?
"I'll take your word then, Miss Rodriguez. "--sabi niya pagkatapos ng ilang sandali. Totoo naman ang sinabi ko. Kasalanan ko naman talaga kung bakit ako late. Napasarap lang talaga tulog ko kagabi. Ayoko kong ibunton ang sisi sa iba.
"Anyway, I'll introduce you to our boss and you'll be his secretary. So do your job well. He's a bit of a pain in the as-- , and a hot-headed person. So bear with him."--Nabigla naman ako sa sinabi niya. Akala ko kasi siya ang boss ko eh. 'His' daw? Ibig sabihin lalaki.tss..ayaw ko sa lalaki. Minsan di mo alam nirerape ka na sa utak nila..ano ba tong iniisip ko. Kadiri. -_-
Pumunta na kami sa office ni 'Boss'. Sana naman mabait si Boss, pero sabi ni Maam Steph Hot-headed daw? e..Hot-headed din ako! tss...mukhang matatanggal agad ako nito.
Nasa labas na kami ng office ng may marinig kami sumisigaw sa loob. Mukhang galit na galit yung sumisigaw..cuss ng cuss kasi.
Biglang pumasok si Maam Steph. Pumasok na rin ako.
Pagpasok ko nakita ko ang isang babaing nakayuko at nanginginig. Mukhang umiiyak yata. Nang ibaling ko ang aking mata sa ibang direksyon, nakita ko si Satanas..Gwapong Satanas..sorry sa description. Katakot kasi, mukha siyang papatay ng tao pero gwapo pa rin siyang tingnan..
"Good Morning"--bati ni Maam Steph aka Miss Minchen. Ito talaga si Maam makagood morning lang parang walang problemang nagaganap. Kita ngang may tensyon oh.
Nakakunot pa rin noo niya ng tumingin siya kay Maam. Tapos ng tumingin siya sa akin lalong nalukot mukha niya. Problema nito? Nakakakilabot kung tumingin. Buti na lang bumalik ulit ang tingin niya sa babaing nakayuko.
"Miss Cruz, you can go now. Submit your resignation letter tomorrow. Your service is not anymore needed in my company."--mairing sabi nito habang naniningkit ang matang nakatingin sa babae.
"But Sir---"
"SHUT UP! Just go, you fucking STUPID SLUT!"--sigaw ni Satanas. Humahagulhol na tumakbo palabas ang babae. Grabe. Siya ba ang boss ko. Pwede magback-out.?? Di ko carry.
Mukha yatang it's a bad decision na dito ako unang nag-apply. NO. It was a wrong a decision na dito ako nag-apply.! Mukhang mawiwindang ang mundo ko dahil sa Satanas kong Boss..Help!
_______________________________________________________
Author's Note:
How was it?:)
Pasensyahan niyo na po. I know may mga grammatical errors at mga typo sa story.
Bear with it na lang po. :)
BINABASA MO ANG
Chasing The ONE
RomanceMeet someone ⇨ get attached ⇨ get hurt ⇨ move on ⇨ repeat. Ganyan naman ang buhay pag-ibig diba? Isang cycle lang. Ang tanong, magmamahal ka ba ulit ng parehong tao galing sa nakaraan mo? Nakaraang sobrang nakasakit sa iyo. Tatanggapin mo ba si Fir...