"What was that about, Daniel?"--mataray na tanong ni Miss Minchen. Si Maam parang di niya boss ang kausap. Nagtataray pa rin.
"Don't worry about it Tita. It was nothing."--mahinahon nang sabi ni Boss. So tita niya pala si Miss Minchen. Kaya pala. Pero nothing daw? .e kung masigaw kanina "wagas' buti di sumakit lalamunan niya.
"Whatever. Anyway, this is Ms. Amethyst Rodriguez. Your new secretary."--pakilala niya sa akin. I politely smiled.
"This is Daniel Marco Del Monte, your Boss." -Tumingin naman siya sa akin. Nakataas kilay. Tss..mag kamag-anak nga sila ni Miss Minchen. Sungit!
"You're 30 minutes late."--he's stating a fact. Annoyed.
"I know. And I'm sorry. It won't happen again."--pangako ko. Nakakaintimidate naman kausap to.
"Make sure Ms.--what's your name again?" Kasasabi lang nang pangalan ko, nakalimutan agad? tss..Ulyanin.
"Amethyst. Amethyst Rodriguez."--sagot ko.
"So I was saying Ms. Rodriguez. I hope it won't happen again. In this company, we value time. I hope you would too." --sabi ni "Boss'. Ngumiti na lang ako bilang sagot.
Inorient ako sa mga gagawin. Pakilala ng konti sa mga bagong kaopisina. Ganito..ganyan..typical things to do when you're new at work..
Passed 5 pm na ako nakauwi. Kapagod! Sakit sa paa ng heels.
Sumakay na ako ng taxi pauwi nang bilang may tumawag...
Nico pangit calling................. sinagot ko naman. Namiss ko na ang mukong na to.
"Hello. This is Mental Hospital. What can I do for you?"--pabiro kong sabi. Natigilan naman ang nasa kabilang linya. Ngiti2x lang ako. Alam kong di ito papatalo sa lokohan.
"May gusto sana akong ipaconfine. Amethyst Rodriguez ang pangalan. Kailan niyo siya pwede kunin. Naghahasik kasi siya ng lagim."--alam kong nakangiti ito sa kabilang linya. Di talaga nagpatalo.
"Nico Pangit ka! Ginawa mo pa akong baliw!"--tumawa na lang si Nico, nakitawa na rin ako. Kaibigan ko nga ito. Nasasakyan trip ko eh..
"Musta ka na dyan?"--bigla niyang tanong. "Musta naman sina Pearl at Sapphire kasama ka? Buti di ka pa nila pinapauwi at napagtitiisan pa nila ugali mo."--dagdag niya.
BINABASA MO ANG
Chasing The ONE
RomantikMeet someone ⇨ get attached ⇨ get hurt ⇨ move on ⇨ repeat. Ganyan naman ang buhay pag-ibig diba? Isang cycle lang. Ang tanong, magmamahal ka ba ulit ng parehong tao galing sa nakaraan mo? Nakaraang sobrang nakasakit sa iyo. Tatanggapin mo ba si Fir...