Ilang linggo na rin ang nakalipas ng nangyari yung kiss and hug incident. Pumapasok sa opisina si Boss Daniel na parang wala lang. Hindi siya mabait at hindi rin siya masungit. Mukhang ayaw niyang pag-usapan ang nangyari. Mabuti nga yun e. Boss ko pa rin siya kaya ayaw ko naming magkailangan kami. Kaya pinabayaan ko na lang. At tsaka nahihiya ako na naiinis sa nangyari.. >_<
“Amethyst, pwede ka bang imbitahan maglunch?” Lumingon ako nagsalita. Sa mga unang linggo ko sa kompanya I gained new friends as well as unwanted suitors, like him. Gwapo naman si Jake. Matalino siya, mabait at gentleman kaso kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. At tsaka iba ang gusto ko para sa kanya.
“Jake kasi a-ano..Ahmm..ma—“ Naputol ang sasabihin ko nang may nagsalita.
“Sumama ka na Amethyst! Lagi kang inaaya ni Jake, lagi mo naman siyang tinatanggihan. Pagbigyan mo na kasi.” Kahit kailan talaga itong si Aira parang kabute, saan-saan lang sumusulpot.
“ Ikaw na lang kaya sumama.” I hissed. Ayaw ko nga e. She made face. Ngumiti na lang ako. Aira is my closest officemate. Masaya siyang kausap, mapagbiro, minsan nga lang nasosobrahan ang kakulitan. Tulad ngayon.
“Samama ka na kasi. Arte nito” Pinit niya. Napabuntong-hinga na lang ako.
"O cge, payag na ako basta kasama ka." Kondisyon ko. Tiningnan ko si Jake, mukhang okay lang naman sa kanya.
"Ha?! A-ano ka ba Amethyst. Ikaw lang nam----" Natutuliro na siya.
"Ayos lang Aira. Sumama ka na, Please?" Nakangiting pakiusap ni Jake sa kanya. Nahihiyang tumango na lang si Aira.
"Great! Halina kayo." Lumabas na kaming tatlo.
Habang nasa daan sakay ng kotse ni Jake, Jake kept asking random questions about me. From my address to the clothes I'm wearing. Arrgghh! Ano 'to, interview? But because I don't want to be rude, I just answered his questions. -_-'
Si Aira naman ay nakikinig lang. Which is wierd. Kadalasan siya yung pinakikinggan hindi siya ang nakikinig lang. At panay pa ang tingin niya kay Jake ha. Matagal na akong nakakahalata sa babaeng ito e. Minsan natutulala at kadalasan na-uutal pag si Jake ang kausap...Hmmm..
*Analyzing data...5%....10%......35%......50%.....75%......99%......100% Analyzing data complete*
Ayun sa mga importasyon na aking nakalap. I therefore CONCLUDE that...
Aira Martinez is inlove with Jake Hernandez.
JaRa LOVETEAM..ehhh..Kilig ako.
Pero ang hindi ko lang talaga maintindihan, kung bakit imbes na pigilan ay sinusuportahan pa ni Aira ang panliligaw sa akin ni Jake. Tingin ko nahihiya lang si Ai magtapat. Kahit naman madaldal yung babae na yun alam kong takot yun mareject. Lahat naman diba.
BINABASA MO ANG
Chasing The ONE
RomanceMeet someone ⇨ get attached ⇨ get hurt ⇨ move on ⇨ repeat. Ganyan naman ang buhay pag-ibig diba? Isang cycle lang. Ang tanong, magmamahal ka ba ulit ng parehong tao galing sa nakaraan mo? Nakaraang sobrang nakasakit sa iyo. Tatanggapin mo ba si Fir...