"Amethyst!! Hoy!! Amethyst!"
"Hoy Ams gising na! Malalate ka na naman sa work"--Panaginip? Panaginip lang yun? Masamang panaginip *sighed* mabuti naman. Ang ganda nang simula ng panaginip ko, natapos sa iyakan. Tss.
"Gising na nga! Hoy! Hoy!'--Nanggigising lang 'tong si Sapphire namamalo pa ng unan. Binato ko rin siya ng unan, kala niya ah.
"Ano ba Amethyst?! Ikaw lang 'tong nakiusap kahapon na gisingin kita nang maaga, kasi may mahalagang meeting ka ngayon!! Bahala ka nga diyan, gisingin mo sarili mo." --padabog siyang umalis ng kwarto ko.
Pikon.
Pero anong sabi niya? may meeting daw ako? tika...
*loadinggg...... 5%*
*loadinggg....20%*
*loadinggg...50%*
*loadingg..99%*
SH--T!!! oo nga pala! Ngayon ang deadline sa pinapapasang work sa akin. Anong oras na?? Nasaan ba ang orasan dito? naman oh..di ko mahanap.
"Sapphire anong oras na?! Di ko mahanap orasan e." Nasa labas lang siya. Naghahanda siguro ng almusal.
"Wala ka talagang mahahanap.. Wala ka namang orasan noh, sira na. Kahit kailan talaga hinahanap mo ang mga bagay na wala."-- May laman ang sinasabi nito ah.....pero late na talaga ako!!
"Eh anong oras na ba?"-- Bumangon na ako.
"Kanina pa kita ginigising e, ayaw mo namang magising tss...7:41 na lat--." Di ko na pinatapos ang sasabihin niya.
"Alas-otso ang meeting..malalate na ako!" Dali-dali akong naligo. Hindi pwedeng di ako maligo. Ang init kaya sa katawan. Mabuti na lang mabilis akong kumilos, 5 minutes before mag-eight nakasakay na ako sa taxi. Habang nasa byahe naalala ko ang napanaginipan ko.
Matagal na rin nang huli ko silang nakita.
May komunikasyon pa rin kami ni Nicolo. Napatawad ko na siya. Wala e, di tumigil hanggang di ko siya napapatawad. Nasa Amerika kasi siya para mag-aral ng masters. Madalang na lang siyang tumawag pero pag tumatawag yun laging my 'I love you' sa huli. Pinapabayaan ko na lang, malayo naman siya.
Si Kurt, di ko alam kung nasaan. Ang alam ko buhay siya. Nakita ko siya kasama ang isang babae mahigit isang taon na ang nakalipas. Imagine my shock nang makita ko siyang naglalakad. Syempre nagalit ako, pakiramdam ko niloko ako. Matagal ko ring sinisisi ang sarili ko sa pagkamatay niya, yun pala panloloko lang. Nag-imbistiga ako. Nalaman ko ang totoo. At sa huli I decided na di na niya kailangan malaman na alam kong buhay siya. Mukha namang okay na siya. Ayaw ko namang manggulo.
Si Daniel? Di ko rin alam. Una ko siyang minahal bago si Kurt. Huling pag-uusap namin ay mahigit tatlong taon na ang nakalipas. Pero mahigit 8 buwan ang nakararaan, may natanggap akong sulat galing sa kanya.
I'll take you back, Amethyst. --'Boss' yun lang ang mga salitang nakasulat.
Ayaw kong mag-isip. Baka biglang sumabog utak ko.
Okay na ako ngayon. Office Administration ang tinapos ko pero after 2 years I became a photographer. Narealized ko kasing gusto kong kumukuha ng mga larawan. Kya nag-enrol ako sa isang crash course sa photography. May talent daw ako sa pagkuha ng magagandang larawan kaya nirecommend ako ng professor namin sa isang kompanya ng magazine. Gusto ko naman ang trabahao kaya nag-stick na lang ako doon.
Lovelife? Wala e. Di ko alam kung may hinihintay ba ako o sumuko na talaga akong magmahal. Maraming beses na akong nasaktan kaya siguro nagsawa na ako. I'm done chasing people that doesn't deserve me.
Let's just wait and see what will happen next.
----------------------------------------------
Author's Note
First time kong gumawa ng story kaya pasensyahan niyo na po kung may mga mali.
Anyway, feel free to COMMENT AND VOTE. It will be much appreciated.
BINABASA MO ANG
Chasing The ONE
RomanceMeet someone ⇨ get attached ⇨ get hurt ⇨ move on ⇨ repeat. Ganyan naman ang buhay pag-ibig diba? Isang cycle lang. Ang tanong, magmamahal ka ba ulit ng parehong tao galing sa nakaraan mo? Nakaraang sobrang nakasakit sa iyo. Tatanggapin mo ba si Fir...