Chapter 6- The ride

86 4 0
                                    

Nafrufrustrate ako..Hindi ko alam kong maaawa ako o maiinis kay Aira. Iniisip ko pa lang na nagtatanong sa akin ang gusto kong lalaki tungkol sa gusto niyang babae, at take note, nagpapatulong pa? Ang sakit naman yata nun sa puso. Mabuti hindi siya humagulhol sa harap ni Jake habang nag-uusap sila..nah..hindi ganun si Ai. 

"Alam mong may gusto ako kay Jake?!" Gulat niyang tanong. Akala yata niya di ko mapapansin.

"Oo, halata ka kaya. Ba't di mo sinabi sa akin? Kahit di pa ako matagal dito, kaibigan mo naman ako, diba? " I sat on my chair. Nakadama ako ng pagod sa usapang puso na 'to.

"Ayaw kong magulo sa kung ano ang meron sa inyo ni Jake. Oo, sa una aaminin ko na galit ako, nagselos ng dumating ka kasi halata naman na nagustuhan ka kaagad ng lalaking gusto ko. E ako  matagal ng nagpapansin sa kanya, ni hindi nga ako nakilala e, lalo na nang dumating ka tuluyan na akong naging invisible sa kanya. Matinding panibugho ang naramdaman ko noon kahit wala naman akong karapatan." Tumigil siya. Pinunasan ang dumadaloy na luha sa kanyang mata. 

"Pero nang makilala kita ng husto at naging kaibigan ay naintindihan ko kung bakit siya nagkagusto sa iyo. Matalino, maganda at mabait, ikaw yun. Anong laban ng isang Aira Martinez sa isang tulad mo. Wala. Kaya nagpaubaya na lang ako.  I know I'm letting him love the person he loves.  Masaya na ako dun.  "  Wala na ang inis ko kanina, mas nagibabaw ang awa kay Aira. It takes a strong woman to let go of the man she loves. And I admire her for that, kahit sa tingin ko mali ang ginagawa niya.

"You're such a nice person Ai, but still I want to hit you real hard on the head. Sorry to say this but what you're doing is stupidity." Kumunot noo niya sa sinabi ko. 

"Your mistakes. Una, nagtapat ka na ba sa kanya?" Nakataas ang isa kong kilay habang nagtatanong. Malamang hindi nito kayang magtapat. It's obvious that she's so scared to be rejected. Pero kailangan yun para malaman niya kung may chance o wala ang damdamin niya sa taong yun. She should know when to give up or fight for her feelings. 

"Bakit pa? ni hindi nga niya ako napapansin." Nakayuko niyang sabi. Sabi na nga ba e.

"Kasi po Ms. kung gusto mong mapansin, magpapansin ka. Are you even trying to get his attention?" 

"Of course" Mabilis niyang sagot.    "How?" dagdag kong tanong.

"I--I greet him if I see him in the office and I give a lot of efforts to make myself attractive so he'll notice me." 

"Effective ba?" 

"He knows my name." Mahina niyang sagot.  "Yun lang?!... Wow, super effective talaga ng ginagawa mo noh. Kaso pati yata pangalan ni manong janitor, alam niya. Kaya congrats. Napansin ka nga." I said sarcastically. Kumunot mukha niya.. Opps..mukhang nasaktan siya sa sinabi ko.

"Alam mo hindi kita maintindihan Amethyst, kinakalimutan ko na nga si Jake para sa iyo. Tapos ngayon pinapalabas mo pang mali ang ginawa ko? Alam mo bang ang hirap kalimutan ng taong mahal na mahal mo ha?" Mukhang pikon na siya. Hindi ko namang intesyon na saktan siya. Pero mali pa rin na igive up na lang ng ganun-ganun ang taong mahal niya.

Chasing The ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon