Femi on the right--->>>>
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
*Author*
Weee! Magandang umaga! Maaga kaming nakatulog ni Femi kaya maaga rin kaming nagising. Kaya nagluluto na kami ng breakfast. Eggs and bacon lang. Saka brewed coffee. Bread. Saka fruits. Yan lang. Baka maubos agad ang stock eh. Haha... Weekly kase nagdadala ng supplies dito. Hindi makakatawag kapag naubos ang food. Walang signal!
Secluded nga kase! Gusto ko mapag-isa. Di halata? Hehe...
"M-Morning—ACHOO!" *sniff*
"Oh? Anyare? Sinipon ka agad?" First night sinipon? Sinagad ata nila ang aircon?
"Hala Rico! Okay ka lang?" Biglang lapit si Femi sa kanya. Sobrang concerned. Hindi rin naman sya obvious eh noh?
Tumango-tango lang si Rico.
"Morning." Si Toby. Hala nangangamusta ang eyebags?
"Morning. Puyat? Oy—ano'ng ginawa nyo ha?" I teasingly said. He answered with a glare. Asus. Palagi na lang.
"Morning." Si Jasmine naman. Mugto ang mata? Hala... Umiyak? Aynako. Malala na 'tong mga 'to...
Napansin kong sinundan ng tingin ni Toby si Jazz. Naupo kase si Jazz. Pinaupo na rin ni Femi si Rico at ikinuha pa ng plato. Sweet. :) Si Jazz ansama ng tingin dun sa dalawa. Napansin ata ni Toby. His jaw tensed.
"Si Gale?"
"Tulog pa." Sagot ni Rico.
"Hala... 8am na oh!"
"Tanghali—ACHOO!—talaga yun..."
"Aish! Pakigising naman oh. Sabay-sabay na tayong kumain kase may ididiscuss pa ako pagkatapos."
Tumayo si Rico.
"Ako na." Sabi ni Femi.
"Hindi. Ako na." Sabi naman ni Rico. Wala ng pumigil. Umakyat sya ulit sa taas.
*Rico*
Enjoy the moment... Habang tulog pa sya. Ang ganda. ^_^
Mapicturan nga. Hehe...
*click click click*
"ACHOO!"
Napabalikwas sya ng bangon. Her sleepy eyes blinked at me. Then she yawned. "Oh, it's just you."
I smiled at her. "Good morning!"
She smirked. "Yeah. And you just ruined it." Aray. Wala pa nga akong ginagawa, sira na agad ang araw nya?
I kept my smile in place. "Nagbi-breakfast na sila kaya kita ginising. Bumaba ka na ah?"
"Mamaya na lang ako kakain."
"Eee sabi ni Author sabay-sabay daw dapat."
"So?"
"Eh di ba sabi ni Author sya masusunod?"
"So? Uto-uto ka naman?"
"Gale." :/
"What?!"
"Wala." ^_^
Tinaasan nya na naman ako ng kilay.
"Bumaba ka na ah?"
"Aish. Oo na! Alis na!"
"Okay."
*Jasmine*
Tahimik ang pagkain. -_-
Eh what do you expect? Lively chat? Exchanging of smiles? Mangarap kayo!
Sa lahat ata ng magbabarkada ito ang pinaka-WATAK.
Asar ako kay Femi. Alam nyo ba yun? Close sila ni Rico. Asar din ako kay Toby. Bakit? Eh hindi maka-gets ng AYAW eh!
Asar din ako kay Gale. Asar sa 'kin eh!
Asar din ako kay Author. Masyadong epal! Pati personal na buhay namin pinakialaman!
Pero sobrang asar ako kay Rico... bakit close sila ni Femi tapos si Gale ang gusto nya? Bakit ako lang ang hindi nya nilalapitan?
:/
Ang pakla ng bacon.
Ang bitter ng kape.
Ang bitter ko.
Asar ako.
*Author*
-_-
Ayoko ng chapter na 'to. Puro silent treatment.
Kaya ifast forward na natin dun sa tapos na kaming kumain. Na wala namang kwenta kase wala namang imikan. Feeling ko sumasama ang lasa ng pagkain dahil sa mga attitude nila.
Ayun, pagkatapos naming kumain, diniscuss ko na yung kelangan kong idiscuss. Tungkol dun sa plano. Sinabi ko yung gusto kong ichura ng bahay. Kung saan yung placement ng mga rooms, etc etc.
Pagkatapos...
PULAAN NA. -_-
Aba'y di ba't sabi ko tulong-tulong?! Ang lagay eh nagkanya-kanya!
Bahala sila. -_-
After ilang hours>>>
Nagkatipon-tipon ulit kami. Dala yung mga malalaki nilang sketch pad. Puro sketch palang kase. Hapit naman kapag detailed na noh. Ilang araw kaya yun ginagawa... May units units pa yun eh.
At kagaya nga ng inaasahan...
"Ngek! Ba't ganto? Palpak! Palpak din 'to Toby! Rico! Ba't ganto? Maze ba ang pinapagawa ko?! Ba't kase hiwa-hiwalay kayong mag-sketch?!"
"And what do you expect?!" Gale.
"I expect professionalism from you! All of you! Professionals kayo di ba? Licensed kayo di ba? Ba't kung makaarte kayo para kayong mga bata?!"
Natigilan sila. Oh ha! Tama kase ako.
"Sorry Author." Aww.. ba't kase favorite ko 'tong si Rico? Nawawala bigla ang galit ko. Haha...
I sighed.
"These won't do."
"Oo nga. Kaya nga nagagalit ka di ba?" Si Toby. Aba't... namimilosopo?
"Sabi ko nga... at dahil dyan... inuman tayo mamaya."
And they were like... ARE YOU FREAKING SERIOUS?
Whahaha!
"Lighten up people! Tingin ko alam ko na ang solusyon sa problema..."
"Ano?"
I smiled.
"Alak."
YOU ARE READING
I Just Loved (COMPLETED)
RomanceFemi loves Rico. Rico loves Gale. Gale loves Toby. Toby loves Jasmine. Jasmine loves Rico. Magkakaibigan. Magbabarkada. Masaklap. Pero sa story na ito... sasaya na sila... sana :)