Matatapos ko na sya mga kapatid. Gawa ng ang Author's note. Mwahahaha...
--
*Femi*
Ako si Euphemia Ivory Salcedo.
Tanga.
Ilusyunada.
Hindi makaintindi.
Sinabi na ngang hindi ako mahal, ipinagpilitan ko pa rin ang sarili ko. Sinabi na ngang hindi pwede, tuloy pa rin ako. Sinabi ng never.... umasa pa rin ako.
Eto ang napala ko ngayon...
Goodbye my almost lover, goodbye my hopeless dream...
Haaay... If only all dreams do come true. But sadly, wishing on a wishing star is futile. That star is long dead and so are my dreams. He will never love me back like I wish he would.
I love him so but I let him go 'cause I knew he'd never love me back...
Damn this girl (A Fine Frenzy) for making me cry so early this morning. It's hard to move on... Yes, I'm better near to you..
Better but hurting. Happy but hurting. Blissful but hurting. Puchang hurting, hindi na natanggal...
I inhaled the morning air as I walk along the beach. Mamula-mula pa ang langit. Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw. Ang sarap sa paa ng feel ng buhangin. Nakayapak kase ako.
"Ouch!" Grabe... pati ba naman seashell sinasaktan ako? :( Bakit ba lahat na lang gusto akong saktan? Talaga bang ako ang kawawang misunderstood na kontrabida sa story na 'to? Nakakasawa...
I stepped on the water. It feels cold... like his stare last night. Hindi ko akalaing nagawa ko yun. At hindi ko akalaing hindi nya man lang ako sinampal. Mas masakit yung yakap nya. Kase feeling ko ang sama sama ko talaga ng mga panahong yun...
"Femi..."
Napalingon ako bigla sa tumawag. Gale... a smiling Gale met my stare. Of course she's happy. Sumuko na ako eh.
"Ang aga mo ah!"
I smiled at her.
"Yeah. Maaga nakatulog eh." I was locked to Rico's embrace the whole night. Ironic noh? Akala nyo ecstatic ang feeling?
Tingin nyo sasaya ako sa ganung setup kung sinabi nya sa 'kin na yun na yung last time? Na ginagawa nya lang yun out of pity?
I don't think so.
"Femi... I'm sorry."
"Sorry too Gale. I'm sorry for being selfish..." I said, not able to look at her. I looked at the slow rising sun instead. Naninilaw na ang langit. Nabigla ako ng niyakap nya ako. Grabe... hindi ba nila maramdaman na nasasaktan ako sa mga yakap nila?
"I miss you best friend."
Hinawakan ko yung braso nyang nasa may leeg ko. Nakakasakal...
"I missed you too."
Itinuon nya yung noo nya sa gilig ng mukha ko. Sidee hug kase ang gawa nya.
"Salamat ha..." She said.
I didn't reply although I know too well what she meant. Masakit lang maalala. I am letting him go for real now and it scares the hell out of me. Pano na lang kung hindi na ako maka-move on sa kanya? Paano kung wala ng magmahal sa 'kin kagaya ng pagmamahal ko sa kanya?
Paano na lang ako?
Pinakawalan kita Rico... pero ang sakit pa rin talaga.
*Toby*
"Pwede ka bang makausap?"
Sinabi ko agad pagkabukas pa lang ng pintuan ng kwarto nya. Kakagising lang ni Jasmine. Ang cute nya pa rin talaga. Kahit anong pag-iwas ang gawin ko, yung pana ng pag-ibig ni Kupido laging tumatagos sa 'kin.
Naks!
Umaasenso na ako mga kaibigan! Hahaha... kumukorni na rin ako kagaya nila. *u*
"Sandali lang—" Akma nyang isasara ang pintuan pero pinigil ko.
"Pwedeng ngayon na?"
She stared at me wide-eyed. Alam kong kapag nagsara na sya ng pintuan ng kwarto nya, hindi na nya yung bubuksan hangga't nasa labas ako.
"B-Bakit ba?"
"Pwede bang pumasok muna?"
Hesitantly, binuksan nya ng maluwag ng konti yung pintuan. Pumasok ako at naupo sa sofa na nasa gilid ng pintuan.
Naupo sya sa kama sa tapat ko.
"Jazz..."
"T-Toby?" Yung mga mata nya... nagtatanong.
"Jasmine... pwede bang makahingi ng pabor?"
Nakita ko syang lumunok. "A-Anong pabor?"
Tumayo ako, lumapit at naupo sa tabi nya. Saka ko hinawakan yung kamay nya. We stare into each others eyes for a few moments bago sya nagbawi ng tingin.
Ang sarap lang nyang titigan. Pero kapag nagtagal pa ang titig ko sa kanya, baka iba ang masabi ko.
"Pwede bang... maging best friend ka ulit?"
Masakit man. Pero alam kong hanggang doon na lang talaga kami.
Her eyes darted back to me, alam kong nagulat sya na yun ang sinabi ko. I know she's expecting something else. Pero ineexpect ko na rin yung isasagot nya kapag yun ang hiniling ko sa kanya.
I guess I'm choosing the safer option here and letting her keep me... as her best friend.
"Toby!" She smiled wide, her eyes shone. And I know I won her over... just not the way I want to.
Niyakap nya ako.
And I savoured the moment. I hugged her back and smelled her strawberry-scented hair. Mahal kita. Yun ang gusto kong sabihin. But I held my tongue kase alam kong masasaktan ako sa isasagot nya.
Ayokong maging isa pang Femi sa story na 'to. Tama na yung dalwang taon na tiniis ko.
"Syempre naman pwede! Namimiss na kita best friend!"
Hindi ko alam pero dahil sa mga salitang yun, parang nabuksan lahat ng sugat. Parang bumalik lahat ng sakit.
Bakit ba kase hanggang dun lang talaga kami?
YOU ARE READING
I Just Loved (COMPLETED)
RomanceFemi loves Rico. Rico loves Gale. Gale loves Toby. Toby loves Jasmine. Jasmine loves Rico. Magkakaibigan. Magbabarkada. Masaklap. Pero sa story na ito... sasaya na sila... sana :)