*Gale*
Gabi na naman. Isang walang kwentang araw na naman ang lumipas. Malungkot at nakakatamad. Siguro kung si Rico ang kasama ko sa maghapon, lilipas ang bawat minuto ko ng nakangiti ako.
Pero hindi eh...
Kapit sya sa leeg ng best friend ko.
Haaaay... namimiss ko tuloy yung mga gabing magkatabi kaming matulog ni Rico. Nothing happened then... in case you're wondering. Yes... we desire each other. It was very evident on the way we kiss, on the way we touch and on the way we look at each other.
But we're not stupid to rush things. Or maybe we are... kase ngayon ni matingnan sya ng may pagmamahal hindi ko magawa...
I hugged my pillow and pretended it was him. Too bad this pillow doesn't hug back. I miss you Rico. :( If I could ever take back what I said, if I could take back that stupid chance... If only I could afford to hurt Femi...
Isang malakas na katok ang nakapagpatigil sa kadramahan ko.
"Gale! Tulog ka na?" Ang nakakairitang boses ni Author ang narinig ko mula sa labas. Hindi ako sumagot. I want to cry so bad right now...
"GALE!!! GALE!!! TULOG KA NA?"
Punyemas naman oh.
"OO TULOG NA AKO!" Naiirita kong sagot.
"PABUKAS!!"
Punyemas talaga. Katok sya ng katok. Chant ng chant ng PA-BU-KAS! PA-BU-KAS! Sa nakakairitang tono. Kinuha ko yung lampshade para maibato sa kanya.
Joke.
But I angrily went to the door and opened it.
Laking gulat ko lang ng ibang tao ang mapagbuksan ko...
*Rico*
Salamat Author.
*Gale*
"Hi." Bati nya. Malungkot ang mata nya at hulog ang balikat. I want to give him my warmest hug but I gripped the door instead.
You need to let him go Gale... for Femi. For your best friend....
Screw that.
Hindi ko mapigil eh...
Niyakap ko sya. And he hugged me back! Lahat ng kalungkutan ko nawala sa isang yakap na yun. Nagdidiwang ang puso ko sa tuwa!
"I miss you," he whispered softly in my ear while his hand caressed my hair... his breath fanned neck...
I couldn't utter the words so I just tightened my hold of him. I don't want to let him go...
I love him.
YES! Mahal ko sya! Mahal na mahal ko ang lalaking 'to. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ipinamimigay ko sya sa iba! Shit! Ang tanga ko talaga!!!
"You need to go back... baka hanapin ka nya..." I am such a coward for not being able to admit to him how much it's hurting me to let him go...
He sighed. "I know. Gusto lang kitang yakapin ng mahigpit." He hugged me tighter and kissed my temple. "No matter what happens, my heart will always be yours. Hinding hindi ko 'to ibibigay sa iba. Kahit kunin pa nila ang virginity ko.... sa 'yong sa 'yo pa rin ako."
LOL.
Kikiligin ba ako o hahagalpak ng tawa? Haha...
"Goodnight na." I said to him.
"Goodnight na din. I love you."
With so much hesitation, we loosened each other's embrace. He then kissed my forehead and smiled.
"I'll go ahead."
"Sige."
Slowly, I let go of his hand. Slowly, he started walking away... slowly... nararamdaman ko na naman ang lungkot na nagsisimula na namang balutin ang buo kong pagkatao.
*Femi*
Nakakapanghina ng loob. Nakakasira ng pagkatao kapag nakikita mismo ng dalawang mata mo ang mga bagay na ayaw mong makita. Deny ako ng deny na hindi ako nasasaktan. Pinagpipilitan ko sa sarili kong mamahalin nya rin ako balang araw...
Dapat din pala inilulugar ang pangangarap...
Dahan-dahan akong bumalik sa kwarto ng makita kong pabalik na rin si Rico. Nahiga ako sa kama at inantay syang mahiga rin.
Nahiga sya sa tabi ko pero nakatalikod sa 'kin. :(
So I hugged his back.
"I love you Rico." I said...
He didn't answer.
"I love you Rico." Sirang-plaka na ako. Sirang plaka na walang nakikinig.
"I love you Rico."
He sighed.
"Femi... bitaw na."
Mas hinigpitan ko ang yakap ko. "Ayoko."
"Kahit anong gawin mo hindi kita mamahalin ng kagaya ng pagmamahal ko sa kanya..."
Pesteng luha! Matapang ako! Hindi masakit 'to! Pero bakit kayo kusang pumapatak?
"Kahit ano? Talaga?" Pinagtibay ko ang boses ko para maitanong sa kanya yan.
"Kahit ano." Mariin nyang sabi.
Kahit ba...
I sat up and stared undoing the buttons on my blouse. Desperada na kung desperada pero...
"What the hell Femi?!"
Umiiyak ako habang naghuhubad. Haha... maakit ko kaya sya?
"I love you..." I started kissing him but he pushed me away. His hands are gripping the collar of my blouse, trying to cover me up. I held his hand and led them to my breast.
"Femi. Please. Stop. This."
"Mahal kita!"
He snatched his hand back. So I removed my blouse and my bra and my pants... I looked up straight into his eyes. I was begging to see even the slightest hint of love there. O kahit na lust. Kahit desire...
But his eyes were blank and cold.
"Please Rico..." Nagsusumamo ako. Nagsusumamong mahalin nya. Napakahirap ko bang mahalin?
Nagulat ako sa sunod nyang ginawa...
Niyakap nya ako. At lalo akong napaiyak. Sa yakap na yun naramdaman ko ang kalinga ng isang kaibigan. Pero nakakalungkot isipin na hanggang dun na lang yun.
"You are a beautiful person Femi... and you know I love you. Pero bilang kapatid lang. Bilang kaibigan. Pilitin ko man. Subukan ko man. Hanggang dun na lang talaga yun. Someday, you'll meet that person that will love you more than his life. And it hurts to know—alam ko—mahirap, masakit—pero hindi ako yun. Sana naman maintindihan mo. Mahal kita Femi... but someone will love you more than you could ever ask for... So please stop all these. Pare-parehas lang tayong masasaktan. Wag mo ng antayin na kamuhian pa kita. Please... please stop."
Hagulhol—yan lang ang naisagot ko.
"M-Mahal kita Rico..." I managed to say in a croaky voice...
"I know but it's not right."
"Alam ko..."
.
.
.
.
This is the night when I finally accepted everything.
Mahal ko sya pero... kailangan ko ng bumitiw.
YOU ARE READING
I Just Loved (COMPLETED)
RomanceFemi loves Rico. Rico loves Gale. Gale loves Toby. Toby loves Jasmine. Jasmine loves Rico. Magkakaibigan. Magbabarkada. Masaklap. Pero sa story na ito... sasaya na sila... sana :)