IJL (Bonus Chapter: Last Day Together Alone)

15.6K 560 64
                                    

*Gale*

Last day na namin. Bukas... uuwi na kami. Nakakamiss din ang outside world! But at the same time...

Hindi ko na sya masosolo! >_<

Ang bilis bilis lang ng 2 weeks eh. Ni hindi pa sulit kase palagi syang nagkukulong sa study, gumagawa ng draft. Tapos ako naglilinis ng bahay. Nagkikita lang kami kapag kakain o kaya matutulog... o kaya kapag di nakakatiis.

Whahaha...

But I'll always treasure those little moments. Yung mga times na niyayakap na lang nya ako bigla habang nagluluto ako. O kaya yung magpapahalik sya tapos magtatampo kapag hindi ko pinagbigyan.

O kaya yung mahuhuli ko syang seryosong-seryoso na ang sarap sarap lang nyang titigan. Haaay... ganito ba kapag in love? Ang sarap ng feeling. :) I guess hindi ako talagang nainlove kay Toby. I got obsessed pero...

Si Rico talaga ang mahal ko. ^^v

Yeee... ang cheesy ba? Haha... I know. I never thought that I'd get this cheesy... pero... kapag talaga kasama ko sya... ang saya. Iniisip ko nga kung pano na lang kung noon pa ako nagkagusto sa kanya?

Ganito pa rin kaya kami ngayon? Siguro hindi noh?

Right timing lang talaga. :) Don't worry... darating din kayo dyan. Nauna lang ako. Hehe... ^^

"Mahal?"

"Yes?" O di ba? Parang sanay na sanay na ako sa endearment nya. Dati nga, napapalatak sya kase tinitingnan namin yung ibang gamit ni Author (yung collection nya ng Stitch stuffed toys) tapos may mga tag-price pa. Napasigaw si Rico ng "Ang MAHAL naman!" Tapos ako? Napa-"Bakit? Tawag mo 'ko?"

Tapos nagkatinginan kami. Yung pagtataka nya, napalitan ng understanding tapos unti-unting sumilay yung gwapo nyang ngiti.

Syempre nagblush naman ang maganda kong mukha. LOL. May patampo-tampo pa ako nun kase napahiya ako. Pero nawala din naman nung niyakap nya 'ko. XD

Ang landi ni Gale...

Sensya. Whahaha... inlab lang. Maiintindihan mo din ang sinasabi ko kapag nandyan ka na. Kaso ngayon, watch mode ka muna. :p

"Bakit ka nakangiti dyan?" Lumapit sya sa 'kin. Kunot ang noo nya.

"Uuwi na kase tayo. Masaya lang ako."

Kapag nalaman nya iniisip ko, baka sabihin na naman nito pinagnanasaan ko sya. =.=

Yumakap sya sa 'kin saka isinubsob yung mukha nya sa leeg ko. "Ayoko pang umuwi. Dito muna tayo."

"Wala na kaya tayong pagkain." Ubos na ang laman ng cupboards. Wala na talaga. Good for one day na lang yung food. >_<

"I'll fish."

"Weh? Marunong ka?"

"Hindi. Fine. Eh di magtatanim ako ng kamote."

"Adik. Patay na tayo bago pa mamunga yung kamote mo."

"Tsk. Kase naman eh..."

"O ano na naman?"

"Gusto pa kitang solohin." Sabay higpit ng yakap. Waaaah! Eeeeee. Kinikilig ako. Na naman. >_< Ang sarap sarap sarap talaga ng feeling na gusto rin ako ng taong gusto ko. Haaaay... Inexplainable. ^^

Ipinaikot ko yung kamay braso ko sa leeg nya.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa 'kin? Baka magkapalit na tayo ng mukha."

"Kahit forever pang tayong dalawa lang ang magkasama, hinding hindi ako magsasawa sa 'yo. I love you Mrs. Gutierrez."

"Mrs. Gutierrez ka dyan!"

He chuckled. "Aminin mo... masarap pakinggan di ba?"

Sobra! *u*

"Hmmm... maganda naman yun surname mo kaya okay na." Pero kahit singbaho pa ng kanal ang surname nya, kung kasing-gwapo naman nya at mahal na mahal ko sya... okay lang.

Okay na okay. *u*

He began tickling my side. I jerked. "Rico!"

Humiwalay ako agad sa kanya. Nga pala, nakaupo kami. Kala nyo nakatayo? Mangalay yun noh. Haha...

He laughed and tickled me again.

Napaurong ako. Wait—did I mention sa kama kami nakaupo?

He moved forward saka ako inabot. At kiniliti na naman. =.= Napahiga ako sa kama and he went on top of me. O.O He was looking at me so... ugh—how do I describe this? So lovingly? It's like a blind man being able to see for the first time.

"R-Rico?"

He bent down slowly, never taking his eyes of me. Kung pwede lang tumalon ang puso ko out of my chest... nagawa na nito siguro. Kinakabahan ako...

"Do you believe that a man can love you so much?" He asked.

Lunok lang ang nasagot ko. I grasped on the sheets in anticipation. Sheeet. Sana naman po walan mangyaring masama. Natatakot ako. >_<

He leaned a wee bit more closer. Yung dulo ng bangs nya sumasayad na sa noo ko.

"Gale?"

"H-Hmm?"

"I love you."

And then I felt his lips on mine. Unti-unti rin... naramdaman kong dumagan sya sa 'kin.

Then his lips became feverish... hungry... demanding. Napapasinghap na lang ako ng wala sa oras. Sheeet Rico! Baka kung san pa 'to mapunta! Masyado pang maaga para dito! >_<

"EHEM! GUYS NOT TOO CLOSE!"

 

O.O

Lalala! Ano yun?!

"AUTHOR HERE. HULI KAYO SA CCTV. BAWAL YAN! MADAMI NAKAKANUOD!"

 

Waaaah! Ano daw? Naka-televise kami? Nyeta!! Agad umalis si Rico sa ibabaw ko at bahagyang napamura. I looked at him and he was silently cursing under his breath. Paulit-ulit.

Tapos narinig ko yung balasubas na tawa ni Author.

"WHAHAHA! JOKE LANG! WALANG IBANG NAKAKANUOD. AKO LANG! SIGE TULOY NYO LANG! I-A-UPLOAD KO SA YOUTUBE YANG SCANDAL NYO!"

 

Rico waved his middle finger at the ceiling. Ewan ko... nawiwindang ako na natatawa. Pero relieved. Right timing ka talaga Author. I owe you one...

Kaso...

Sayang!

Whahaha!

I Just Loved (COMPLETED)Where stories live. Discover now