Toby on the right-->>>>
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*Femi*
Ang adik ni Author. Kakasabi lang kanina na be professionals tapos biglang babanat ng inuman?
Kaya ngayong gabi... (at oo gabi na ulet)... eto kami. Nakaupo sa nakalatag na banig dito sa terrace. Kakatapos lang naming maghapunan. Nakaikot kami sa limang bote ng alak. Yes. Limang long neck.
"Ako na lang ang tanggera." Nakangiting sabi ni Author. Walang nag-react.
"Umiinom naman kayo di ba?"
Silent nods. Gale grimaced. Alam ko kung bakit. Hindi kase yun umiinom ng hard. Sosyal yun eh. Pa-wine wine lang...
"Okay." Nagsalin si Author sa tagayan. "Ako muna." She grinned saka tumungga.
Tapos nagsalin sya ulet. At iniabot kay Gale.
"Oh Gale."
"Pwede bang magkanya-kanya man lang ng baso?"
"Sus arte! Tagay na!" Author shoved the shot glass to Gale. Sumimangot si Gale pero kinuha yun at... ininom. Whoa. Hanga na 'ko kay Author! Haha...
After maubos ang isang bote>>>
"Let's play a game!" Suggest ni Author.
"Anong game?"
"Eh malay ko kung anong tawag." Sagot nya. Adik lang noh? -_- "Basta. Ganto. Papaikutin natin 'tong bote. Tapos yung nagpaikot ang magtatanong sa matatapatan nung tip nung bote. Kelangan ang tanong eh answerable lang ng yes at no ha? Kapag YES ang sagot, yung TINANONG ang iinom. Kapag NO, yung NAGTANONG ang iinom. Game?"
"Eh teka... pano mo malalaman kung totoo yung sagot nung tinanong?" Tanong naman ni Rico.
Author shrugged. "Who knows? Pero alam nyo... if you guys want to really resolve this conflict, magiging honest kayo sa isa't isa di ba?" Well said Author. Haaay... pero kinakabahan ako...
"Ako una magpapaikot." Sabi ni Author. Tapos pinaikot nya yung bote. Napatapat kay... Rico. Nagsalin muna si Author sa shot glass. Punuan na. Kanina lang ang baba pa nun eh. Pero habang tumatagal, pataas na ng pataas yung tagay.
Nilagay ni Author sa gitna yung shot glass.
"Rico..."
"Yes?"
"Have you ever considered... loving someone else?"
Parang... the air went still. Walang gumalaw for a moment. At antay ako ng antay na kunin ni Rico yung shot glass pero...
He smiled and shook his head.
Aray.
*Jasmine*
Aray...
Femi's reaction echoed mine. Kita kong pareho kaming nasaktan sa sagot ni Rico. Saklap noh? Yung gusto ni Rico, binabalewala sya. Kami itong nagmamahal sa kanya, binabalewala nya...
Unfair ang buhay. Para sa 'ming lima.
"Okay. Ikaw naman ang magpaikot."
Pinaikot ni Rico yung bote habang si Author naman ang nagsasalin ng tagay.
YOU ARE READING
I Just Loved (COMPLETED)
RomanceFemi loves Rico. Rico loves Gale. Gale loves Toby. Toby loves Jasmine. Jasmine loves Rico. Magkakaibigan. Magbabarkada. Masaklap. Pero sa story na ito... sasaya na sila... sana :)