Update ^^,
--
*Rico*
Chance. The one thing that I longed to have. And she gave that to me. Akala ko okay na. Akala ko masaya na. Alam mo yun? Akala ko matatapos na yung kwento. Feeling ko naman gusto na nya ako eh.
Kaso... chance.
Isang bagay na ayaw kong ibigay sa iba. Pero hiniling nya eh. Anong magagawa ko? Di ba ginagawa naman talaga natin yung mga bagay na makapagpapasaya para sa mga taong mahal natin?
Ang hindi ko lang alam eh kung sasaya ba sya sa ginagawa ko.
But for Gale... I will give Femi a chance... starting today.
Wala na yung pakulo ni Author na sama-sama kami sa kwarto. Pinagamit na nya lahat. Tingin ko nawawalan na rin sya ng pag-asang magkakaayos-ayos kami. Ako din eh. Just when I thought that everything was falling into the right places... Magkasundo na si Toby at Gale. Gusto na ako ni Gale. Toby and Femi seemed to be getting closer. Si Jasmine.... hindi naman demanding yun eh.
Tapos... haay... feeling ko back to zero na naman. Ayoko na! Ayoko ng maging fictional character! Wala akong hawak sa fictional kong buhay. Kung anong gustuhin ni Author, yun ang gagawin ko. Kung ano yung nararamdaman nya, dapat yun din ang nararamdaman ko.
Tsk. Literary fiction is a very cruel world. Tingin nyo ba choice ni Fred (or was it George?) na mamatay sa Harry Potter? Kung tutuusin... Aish. Wag na nga...
Hindi naman ata kayo interesado sa Harry Potter eh. Sige, magkikwento na lang ako ng nangyayari sa 'min ngayong araw.
Wala.
Ayan. Walang gumagawa nung plano para sa bahay. Aba! Magti-third week na kami dito! Namimiss ko na nga yung malalaking building sa 'min eh! Dito puro dagat! North, south, east and west.... dagat! Punyemas! Isang linggo pa, magmumukha na akong isda!
"Rico... gusto mong merienda?"
I looked up at Femi, may dala-dala syang isang bowl ng minatamisang saging.
I smiled at her. "Thanks." Then umusod ako ng konti para makaupo sya sa tabi ko. She smiled as she slip down the space I provided.
"Gusto mong subuan kita?"
No. "Sure."
Her smile widened saka kinuha yung tinidor, tumusok ng isang piraso at isinubo sa 'kin.
"My turn." Kinuha ko sa kanya yung tinidor at sya naman ung sinubuan ko. Hindi nakaligtas sa 'kin yung pagdaan ni Gale. She stared at us...
Is this what you want Gale? I want to ask her. But I guess I don't have to. Hindi ako tanga para hindi mapansin na nasasaktan sya. Nasasaktan kami. Pero bakit sya ganun. She's the last person na maiisip kong gagawa nito. Hindi sya yung klase ng tao na pinamimigay yung mga bagay (o tao) na gusto nya.
Kadalasan sya yung nang-aagaw. Kadalasan, sya yung kumukuha. Hindi sya mapagbigay. But I already accepted that about her. I love every little bad thing about her. I love her. I'm in love with her and she loves me. She's in love with me.
Pero bullshit lang...
Clearly love wasn't enough. And people dare to wonder why many couples today end up breaking up? Simple lang naman ang rason eh. It's complicated. Taeh lang pero totoo. Minsan, kahit ayaw mo mang gawing komplikado ang lahat, sa ayaw o sa gusto mo, sasabit at sasabit ka.
YOU ARE READING
I Just Loved (COMPLETED)
RomanceFemi loves Rico. Rico loves Gale. Gale loves Toby. Toby loves Jasmine. Jasmine loves Rico. Magkakaibigan. Magbabarkada. Masaklap. Pero sa story na ito... sasaya na sila... sana :)